Shadow's POV:Ano kayang meron sa mansyon ng mercedes at bawal pumunta at walang awtoridad ang nakapag undergo ng investigation don, ano ang kinalaman ni kathlyn sa mga nawawalang mga estudyante? Kung meron man at bakit cased closed na?.
Anong itsura ng bahay na yun? Bakit never ko pa narinig na may ganon palang mansion? Siguro creepy itsura ng mansion na yun?
"Huyy! Anino natunaw na ice cream mo, ano ba kasi iniisip mo?". Bumuntong hininga ako haiysttt, "miles iniisip ko lang yung about sa mansion ng Mercedes.... Ano kayang meron dun? Bakit nawala yung mga student na nagpunta dun?.
Hindi ko na hinintay yung sagot nya at iniwan ko na sya, iniwan ko na rin yung ice cream ko, di ako mapakali parang may bad feeling ako sa mansion na yun. "Hoyyyy! Anino yung ice cream mo dito... Akin nalang to nyeta bala kaa... Babyee".
Dumaan muna ako ng Banyo bago dumeritso sa classroom dahil malapit na rin namang mag time, iniwan ko na si miles dahil ayoko don hindi dahil kinakabahan ako sa mansion na yun, tsaka nakita ko kasi si lucifer kasama nya si Micha yung maldita nyang jowa... Haiyst ewan ko ba bakit ganto nararamdaman ko parang nag seselos ako na ewan.
Sinabunutan ko yung buhok ko shoot bat ako mag seselos eh magkaibigan lang kamiiii tsk tsk hindi magandang senyales to.
Habang nag lalakad ako nayuko ako kasi naman eh namumula pisngi ko, ganto ako kapag nag seselos o kinakabahan. Nang biglang.
*PUGSHHH*
A-arayy grabe ang tigas ng chest nya kung sino man Siya... Dahan dahan ako nag taas ng ulo attt huwaattttt. "Tss.. tung aninong to akala mo may nakitang multo haha,matigas pala ulo mo? Ansakit eh huhu". Sabi ni lucifer habang hinihimas yung chest nya, "tss.. bala ka dyan" inirapan ko sya sabay walk out, ewan ko ba basta naiinis ako sa kanya ngayon.
-Sa loob ng classroom-
Nasa upuan ako actually nandito na nga squad namin eh si lucifer nalang wala, probably busy nanaman sa jowa nyang maldita, yumuko nalang ako dahil mukhang malalate ng dating si lucifer.
*Poke,poke,poke*
" ajig swieossseubnikka?" (nag recess ka na?), Tanong sakin ni lucifer habang paupo sa upuan nya kala naman nya may paki ako sa kanya.
*Poke,poke,poke*
Huyyy anino ano na?, Nag taas ako ng tingin sa kanya "Imadani" (hindi pa) sagot ko sa kanya haha akala nya sasagutin ko sya ng korean Hell no!.
"Ya!,nanuen ilbon-in-i anigo,nanuen hangug-in-ibnida" (hoy!,di ako japanese korean ako). Sagot nya sakin habang mataas na ang tono,pinag titinginan na tuloy kami ng mga kaklase namin, nyeta talagang lucifer na to gumagawa ng eksena... Teka nga ayawin ko nga to haha!!.
"Anata ga watashi o rikai shite inakute mo kinishinai,anata wa sudeni anata no Maika ni iru!" (Wala akong paki kung hindi mo ako maintindihan, doon ka na sa micha mo!) Sigaw kong sagot sa kanya, gusto mo pala yung nag sisigawan tayo ah.
"Hoyy anino paawat ka nga,nakatingin na silang lahat o tsaka padating na si ma'am", sabat naman ni miles, tinaasan ko nalang ng kilay si miles at hinintay yung sagot ni lucifer.
"Sabing hindi nga ako japanese, Korean ako korean!!", " Mā,hotōni? (Oh,talaga?) Sabat ko naman sa kanya. "Tumahimik ka na nga anino, hindi nga kita naiintindihan!",sigaw na sagot naman nya.
" Watashi wa shitto shitte imasu" (nag seselos ako) sabi ko sa kanya with a low tone of voice, mag sasalita pa sana sya kaso biglang pumasok yung teacher namin sa English kaya di nalang sya nag salita.
Hanggang uwian di kami nag usap iniisip nya ata last na sinabi ko sa kanya, ang tanga ko kasi bat' ko sinabi yunnn. Nag lalakad na ako mag-isa pauwi dahil may practice pa si kuya tas may pupuntahan mga kaibigan ko, si lucifer sana kaso nakadikit yung higad nyang jowa kaya wag nalang tsaka kaaway ko yun.
Pumara na ako ng trycicle at pag-upo ko may nakita akong tumatakbo papunta sa direksyon ko,"manong huwayt" sigaw ni lucifer ng medyo malayo pa, ng nakalapit na sya " Anino sorry na kanina ah, di ko naman sinsadya eh, bati na tayo.. ahh eto nga pala milkis peace offering bati na tayo ah? Babye naa see you tomorrow" tatalikod na sana sya kaso " ayy wayt, hindi ko alam last na sinabi mo kanina at nahiya ka pero itatry ko i search baka sakaling malaman ko,pag nalaman ko yunn lagot ka sakin nyak nyak nyakk.... Babye na ulit" di man lang nya ako pinasagot at tumakbo na sya paalis.
Bwiset talaga tong Lucifer na to, pero kahit papa ano kinilig ako hehe.
-Stay safe guys, i love y'all♥️