03

69 14 4
                                    

SHADOWs POV:

Nakarating na ako sa bahay ng mga 5:30 dahil medyo traffic, ewan ko ba bakit ang narinig ko lang may banggaan sa tapat ng punong mangga.

Pag bukas ko ng pinto biglang nakaramdam ako ng lamig, sh*t minumulto na ata ako.

May tao ba? Ang dilim eh.

Eomma, Appa? Sigaw ko ng malakas pero walang respond, syempre wala ngang tao eh shunga ko talaga.

Pumunta na ako sa likod ng pinto para i-on ang ilaw at viola tumambad saakin ang munting salas namin na puno ng mga antigong gamit, ihhhh katakot gahahhaha.

Hindi muna ako umakyat sa taas para mag palit ng pambahay tutal mag isa ko lang naman.

Dumiretso ako sa kusina para kumain ng hapunan dahil gosh I'm starving ayoko pa naman ng feels ng gutom.

Hinalungkat ko yung taas at baba ng aparador, binuksan ko yung rice cooker, mga nakatakip na mga plato, pero sad wala akong nahanap na pag kain huhuh iyakness.

Dahil sa gutom na frustrate na ako, kinuha ko yung kaisa isang lucky me pancit canton doon sa aparador, oopsx hindi po ito sponsored HA HA.

Niluto ko na dahil gutom na ako.

After mga 5 minutes ng paghihintay maluto ang noodles:

Nilagay ko na ang seasonings, wow ang asim ng amoy ang tsarap tsarap. Ilang saglit lang nilantakan ko na ang pancit canton, ohmmmm ubos agad... Kulang pero keri na iyan atleast may laman tsan ko bago matulog.

Pag-katapos ko kumain dumiretso na ako sa kwarto nag half bath din ako at humiga na sa kama sinuot ko yung earphones ko at pinatugtog yung "I NEED U" (with full volume) ng Bangtan kasi favorite ko yun eh.

In-open ko na yung fb ko at bumungad sa akin yung If you ignore this post, mamalasin ka forever.. like dzuh may naniniwala pa ba sa mga ganyan?.

*Scroll, scroll, scroll*

May nakita akong post na kinakulo ng dugo ko.

38m palang pinost 150 reacts agad, wow peymus pala si ate gurl.

150 reacts/ 3 comments / 1 share

"Date with my baby-boy na qyut at pogi na mnsan nman moddY, Pero Khit ganyan He always provide tIme to dAte me I'm Happy hehe.
I lab u lucifer por eternity".
❤️🧡💛💚💙💜🖤♥️💘💝💖💗💓💞💕💌💟💟💋

Yuck kasuka ang jeje hayop may pa baby-boy pa mag bebreak din naman, tsaka moddy amp diba moody yun? Tapos minention nya pa kadiri buti natitiis 'to ni lucifer tsaka takteng por yan gahahahaha.

Kinlick ko yung picture at nakita kong hindi naman nakatingin si lucifer parang hindi interested gahahahah.

Dahil na curious ako tinignan ko mga comments.

Claire jasmin
- ang qt nman ng juwa mo mamy😍

IkAw lAnG sApAt nA
-i2 bA yUng sAbI moNg jUwa Mo? PugI naMaN sAaN mO na bInGwiT?😂🤣😅

Sappy Mae
- parang ayaw naman ng jowa mo mamy joke po lab u✌️

Hala sakit sa mga nung second na nag comment bakit ganon? Ka jeje naman gahahahh.

Nag comment si lucifer just now lang, shet kinabahan ako bigla.

Lucifer
- Sabi ko wag mo na i post eh, ndi ka talaga nakikinig sa akin burahin mo nga yan. Ngayon na.

Mercedes SecretsWhere stories live. Discover now