SOMEONE'S POV:Talaga nga't walang alam ang mga batang ito sa mga nangyayari.
Nakita ko nang papalapit ang dalawa kong anak na sina klary at krypton, sila ang mga batang inampon halos mag iisang taon na ang nakakaraan.
"Mother,ito na pala yung mag asawa medyo mabigat sila ah muntik pa kami mahuli ng mga anak nila buti nalang sinako namin hirap din nilang patulugin masyadong malakas tong babae pumiglas".
" Thank you klary for the info" sabi ko kay klary habang inaakyat na nya yung sako ganon din ang ginawa ni krypton.
" Malinis ba ang trabaho nyo? Alam nyo naman na ayaw ko ng sabit?". Nakatingin ako sa kanila, samatalang sila naman ay pasakay palang.
Tumango naman ang dalawa.
"Bukas pala ang Alis nila Mother, anong plano natin?" Biglang tanong ni krypton.
"May bagyo bukas malakas ang ulan, sure ako na mag hahanap sila ng masisilungan alam nyo na rin siguro kung anong gagawin malayo layo ang Santos dito kaya naman kapag malapit na sa Mansion mag lagay na kayo ng patalim sa Daan". Hindi ako nakatingin sa kanila pero alam ko na nakatingin sila sa akin.
"Yes, po Mother" -krypton.
"Maasahan mo yan Mother" -klary.
Katahimikan nang biglang nag ring ang phone ni Kathryn, uhhh "Patigilin nyo yung tunog anak" madiin kong sabi sa kanila.
"Akala ko ba malinis ang trabaho pero bakit ganyan, why did you too leave the phone here with them? Paano kapag tinract nila yung phone edi nalaman na yung location natin, Ang tatanga talaga nakakainis" madiin at pasigaw kong sabi.
" Pasensya na po Mother hindi na mauulit, nag madali po kasi kami dahil padating na yung anak nila", " Baka po kasi maabutan kami baka po mabulilyaso pa ying plano mahirap na po" mag kasunod nilang paliwanag.
" Akin na yung Phone" inabot ko sa kanila yung phone, bababsahin ko yung mga text at message tutal wala namang password, hanggang ngayon talaga walang pinag bago si kathryn.
I open the text messages.
ROII pogi!
Eomma, nasaan na kayo? Kagabi pa ako natawag wala pa ring sagot, sana okay lang kayooo. Miss na namin kayo ni anino.
Binack ko na at tinignan ko yung pangalawang text.
My Beautiful Shadow!
Eomma, where na u miss na namin kayo ni kuya naka 20 calls na ako pero puro ring lang po, okay lang po ba kayo? Sana po mag sabi kayo kung hindi kayo maka sagot sa tawag o maka reply sa mess. I love you po keep safeee muah.
P.s pasabi po kay Appa miss ko na din sya<3.Wag kayong mag alala mag fa-family reunion din tayo soon kasama ang lolo at lola nyo HA HA HA HA HA HA.
Malapit ko na rin mabawi ng lahat ng dapat sa akin, may tumulong luha sa mata ko pinunasan ko nalang at binuksan yung bintana hinulog ko yung phone at tumawa ng Malakas, Hintayin nyo ang pagbabalik ko.
***
NICKIs POV:
Alas nwebe na ng gabi, mag isa lang ako dito dahil sa Mama ay umalis may duty daw sya sa lawog ngayon medyo malayo layo yun dito sa amin kaya naman mag isa ko lang, wala naman kasi akong kapatid na pwedeng kasama.... Haiyst hirap maging only child.
Hindi ko alam pero dumungaw ako sa bintana dahil parang may kakaiba, may nakita akong tatlong lalaking nag lalakad pabalik balik sila ilang minuto nawala sila at dumaan ulit ng ilang minuto bumalik sila ulit na may hawak na ng bat medyo malabo ang mata ko kaya hindi ko maaninagan yung mga mukha nila pero nakita ko namang naka bonnet at white t-shirt sila.