25th Prediction: Emotions

436 33 0
                                    

ZAYURI

"G-GUYS... A-ano 'yan?" Bakas ang takot sa boses ni Melai kaya tiningnan ko siya at sinundan ang tinitingnan niya.

"Hindi ganyan ang itsura ng mga zombie na pinapatay n'yo di ba?" pangungumpirma ko kahit narinig ko na 'to kay Andrau kahapon. May mga estudyanteng mabagal na naglalakad papunta sa amin at katulad nila ang mga napapanood kong zombies. Mula sa itsura hanggang sa pagkilos. Bakit bigla silang lumabas?

"Hindi, Yuri e." sagot ni Sir Arsen.

"Baka nag-make up na sila?" tanong ni Andrau.

"That's odd. Why would they waste their time putting those trash on them if they'll die anyway?" bagot na wika ni Elisha na sinang-ayunan ni Cashiel dahil tumango siya.

Tama siya. Maraming effort pa naman ang kakailanganin para makagawa ng ganyang obra. Napahawak ako sa steel bar at umatras.

"Tumakbo na tayo." kinakabahang wika ni Melai.

Bago pa man may makapagsalita sa amin ay kumaripas na sila ng takbo palapit sa amin. Agad naman kaming tumakbo. Nasa unahan sina Melai at kami ni Cashiel ang nasa likuran nila. Panay ang lingon ko at mukhang napansin 'yon ni Cashiel dahil kinunutan niya ako ng noo.

Nakakapagtaka kasi na napakabilis nilang kumilos. Kanina ay halos makalas na ang buto nila sa bawat hakbang na ginagawa nila. Pero ngayon? Para silang tao na walang bali ng buto sa katawan kung tumakbo. Nang makakita ng classroom ay agad silang pumasok.

"B-bessy!" Kinatok-katok ni Melai ang bintana ng pinto. "Bakit hindi ka pumapasok?!"

Umiling lang ako at inilock ang pintuan. Sa labas ang lock nito kaya madali lang para sa akin ang gawin ito. Isa nga pala ito sa mga bakanteng classroom. Pero kumpara sa iba ay mas maayos ang loob nito.

"Yuri! 'Wag mo kaming ikulong dito!" Si Andrau na sinusubukang sirain ang pinto katulong si Cashiel at si Sir Arsen. Nakatingin lang sa akin si Elisha.

Hindi mo pa makikita ang gusto mong makita.

Tumalikod ako at bumuntong hininga kasabay ng paghigpit ng hawak ko sa steel bar. Mariin akong napapikit at nang magmulat ay napangisi habang nakatingin sa mga zombie. Hindi kami pwedeng tumakbo lang lalo na at mukhang kakaiba ang mga ito kumpara sa mga napapanood ko.

Kailangang lumaban. Pero ako muna sa ngayon.

Inihampas ko sa ulo ng unang malapit sa akin ang bakal. Sa lakas ng pwersa niyon ay narinig ko ang pagkabasag ng bungo niya. Sinaksak ko sa puso ang ikalaw at sinipa sa tiyan kasabay ng paghugot ko sa bakal. Ganoon ang paulit-ulit na ginawa ko para patayin sila. Wala akong pakialam sa mga dugong tumitilamsik sa mukha at katawan ko. Iwas na iwas din akong magkasugat mula sa kanila dahil baka matulad ako sa kanila. Wala mang kasiguraduhan kung ganoon nga ang mangyayari, mas mabuti na rin ang nag-iingat. Umuungol sila gaya ng napapanood ko at ang kaibahan lang ay ang mga mata nila na kulay dilaw.

Kumabog ang dibdib ko at kakaibang takot at kaba ang nanalaytay sa sistema ko. Nabitawan ko ang bakal nang magdilim ang mga paningin ko. Tatlong segundo lang ang itinagal no'n ngunit pakiramdam ko ay higit pa roon 'yon.

Lesia? Ayen?

Nang bumalik ang paningin ay agad kong pinulot ang bakal para patayin ang parating. Sa mga natitira ko ibinuhos ang nararamdaman ko. Kahit nasaksak ko na sa puso ay binabasag ko pa rin ang bungo.

"Hey, Yui. Control your emotions so they can't distract you from doing what needs to be done."

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Ayen noon. Habang pumapatay ay unti-unti kong pinapakalma ang sarili. Paulit-ulit ko ring naririnig ang boses niya na sinasabi ang mga salitang 'yon. Nang matapos ay binitawan ko ang bakal at hinayaang mapaupo ako sa sahig.

"Control your emotions, Yui." bulong ko sa sarili bago kunin ang bakal at tumayo.

Walang lingon na tinahak ko ang daan papunta sa cafeteria. May nakakasalubong akong mga tao na kumakaripas ng takbo o di kaya'y nakikipaglaban sa mga zombie. Naghalo-halo na ang mga grupo. Nakita ko kung paanong magaya sa kanila ang mga kinagat ng zombie. Nagbuga ako ng hangin at isa-isa ko ng winakasan ang buhay nila. Kung kakalat pa sila ay posibleng mas dumami ang kaharapin namin. Mahihirapan kami kung sakali lalo na at walang matibay na room ang pwedeng pagtaguan. Hindi rin kami makakatakas dahil masyadong mataas ang gate para akyatin namin at baka 'yon pa ang maging sanhi ng aming kamatayan.

Wala akong itinira na buhay at nagawa ko pang manguha ng tatlong cellphone mula aa magkakaibang category. Dumiretso na ulit ako papuntang cafeteria. Pagpasok ay agad akong pumunta sa kusina kung saan ko nakita ang pamilyar bagay na 'yon.

Ang bagay na hindi ko akalaing makikita ko ulit.

Sa bandang lutuan ko iyon nakita. Sa pader niyon ay tila dugong nakatatak ang logo na 'yon. Kumirot ang ulo ko nang makita ulit ang 'VM' na nasa pader. Mas tumindi ang pagkirot nito na kinailangan ko pang humawak sa may lutuan para makakuha ng suporta. Nahihirapan akong huminga at umiikot ang paningin ko. Mas matindi ito kumpara sa una kong naramdaman ng una ko itong makita noong naghahanap kami ni Melai ng pagkain dahil wala ang Genies namin.

Bakit? Bakit nagbalik pa sila?

Nakaramdam ako ng matinding galit para sa kanila. Nag-iinit na ang pakiramdam ko at hindi maganda 'to. Napaluhod na ako sa sobrang sakit at ilang saglit pa ay hindi na kinaya ng katawan ko.

"Zayuri!" boses ni Cashiel ang narinig ko. Naramdaman ko ang paglapit niya sa tabi ko at ang pagtapik sa aking pisngi. "Zayuri! Shit! What the fuck did happened to you?!"

Nararamdaman at naririnig ko siya pero napakabigat ng katawan ko para kumilos at napakabigat ng mga mata ko para magmulat. Pumipintig-pintig pa rin ang ulo ko sa sakit niyon at kahit gusto kong hilutin ay hindi ko magawa dahil hindi ako makakilos.

Ano ang nangyayari sa akin?

"B-bessy! Anong nangyari sa kanya, Cashiel?!" Niyugyog niya ako na mas nagpakirot lang ng ulo ko. "Anong ginawa mo, Cashiel?!"

"I'm not doing anything. So, if you may excuse me, I'm going to carry her and bring her back to the safest room that we've got." Naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin.

Bakit napakadali sa kanya ang buhatin ako? Mabigat kaya ako.

"Mukhang nawalan siya ng malay." boses ni Andrau. "Kumain naman siya hindi ba? Pero baka dahil lang sa pagod? Wala naman akong nakita na nakakatakot o nakakawala ng malay sa kusina e."

"Wala namang kinatatakutan si bessy." kontra agad ni Melai. "Saka sa ginawa niya kanina, mukha bang may kinatatakutan pa siya?"

Hindi ko na lang sila pinansin pa. Wala akong mapapala kung magpapaliwanag ako sa kanila lalo na't wala naman akong dapat na ipaliwang.

"Don't let your emotions control you or else you'll lose yourself." boses ni Alesia ang huli kong narinig bago may humila sa akin na para akong dinadala sa ilalim.

FURIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon