50th Prediction: Last

433 26 11
                                    

ZAYURI

"OY, bessy. Baka matunaw 'yan."

Nakangusong inirapan ko si Melai. Ibinalik ko ulit ang tingin kay Cashiel na nakikipaglaro kay Lerine ng badminton.

"Oh mga bata, meryenda muna." Nakangiting sumulpot si mommy na may dalang tray.

"Tita!"

"Mamita!"

Sabay na binitawan nina Lerine at Cashiel ang racket. Nag-unahan sila sa pagtakbo papunta kay mommy. Mabilis na kinuha ni Cashiel ang tray kay mommy bago pa man dambahin ni Lerine ang Mamita n'ya.

"Princess! Dumating na ang mga bisita mo!" sigaw naman ni Daddy at nasa likuran n'ya sina Andrau na nahihiya pa yata.

Napangiti ako nang makita si Arsen na naglalakad palapit sa akin. First name basis na ulit kami dahil hindi ko na s'ya teacher.

"Yuri." Inilahad n'ya sa akin ang isang pumpon ng pink roses.

"Eh? Nag-abala ka pa." Napakurap-kurap ako at nahihiyang tinanggap 'yon. "Thank you. Upo ka."

"Kumusta ka na?"

"Heto, maganda pa rin." Tumawa ako at napailing. "Ikaw? Kumusta na?"

"Hindi pa rin ako makapaniwala." Bumuntong-hininga s'ya at malungkot na ngumiti. "Ilang gabi na rin akong binabangungot dahil do'n. Hindi pa rin mawala sa isipan ko kahit tatlong linggo na ang nakakalipas."

"Hindi naman agad mawawala 'yon, Arsen." Kinuha ko ang kamay n'ya at hinawakan ang palad. Napangiti ako. "Alam mo bang kaya ko ng bumasa ng kapalaran ng tao gamit lang ang pagtingin sa kamay n'ya? Gusto mong tingnan ko ang sa 'yo?"

"Sige nga. Subukan mo sa 'kin."

Tumango ako at tiningnan ang mga guhit ng palad n'ya. "Hala. Anong gusto mong unahin ko? Love life o fortune?"

Hindi ko mapigilang mapatawa dahil sa mga nakita ko. Rom-com lang naman at hindi ko akalaing ang babaeng 'yon pa. Mapaglaro nga talaga ang kapalaran.

"Pwedeng about sa love life?" Nahihiyang nagkamot s'ya ng batok gamit ang isang kamay.

"Magkakagirlfriend ka, Arsen." Hindi ko mapigilang mapatawa dahil sa mga nakita. Naeexcite tuloy ako kapag nagkita na sila.

"B-bakit ka tumatawa? Niloloko mo lang ako no?"

"Hindi a! Magkakagirlfriend ka talaga!" Tumigil ako sa kakatawa at ngumiti na lang sa kanya. "Pero hindi taga-rito. Pero... kilala ko. Maganda s'ya pero masyadong maliit para sa 'yo. At maingay."

"Parang ikaw?" Nanunukso niya akong tiningnan.

"Mas maingay pa sa 'kin." proud na sagot ko.

"Thank you, Yuri." Sinsero s'yang ngumiti at hinawakan ulit ang kamay ko. "Thank you for saving us and protecting my brother. Thank you for everything."

"Ehem." Tumikhim ang bagong dating at talagang tinabunan kami ng anino n'ya. "Pakibitawan ang kamay ng asawa ko, Kuya."

"Possessive." nangingiting bulong ni Arsen at binitawan ang kamay ko. "Bakit mo ba pinakasalan 'yan? Mainitin ang ulo, masungit, laging problemado. Ano bang nagustuhan mo d'yan?"

FURIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon