32nd Prediction: Own

428 40 6
                                    

ZAYURI

"BAKIT walang tao?" bulong ko at humawak sa braso ni Cashiel. "Nasa horror na ba tayo?"

Nasa hallway kami at naglalakad papunta sa monitoring room. Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon dahil napagdesisyunan naming maghiwa-hiwalay naman. Samantalang nag-teleport na naman si Lerine papunta sa kung saan. Ang tahimik ng buong school at parang walang nagaganap na survival game dito. Naaalala ko kasi na may lalaking nagsasalita noon kaya baka may naiwan siyang bakas sa monitoring room o clue para makalabas kami rito.

"Bakit? Natatakot ka?" Tumaas ang sulok ng labi niya. "Takot ka sa mga multo?"

Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya at bumaon na rin ang kuko ko sa balat niya. Sumama ang tingin ko sa kanya nang tumawa siya.

"Wag ka nga'ng maingay!" Tinampal ko ang bibig niya. Kinailangan ko pang tumingkayad para magawa 'yon. Lumilingon-lingon ako sa paligid. "Wag ka munang maingay, Cashiel."

Inalis niya ang kamay ko sa bibig niya at yumuko para magpantay ang mukha namin. "Bakit? Naririnig mo na ang pagdating nila?"

"Oo, Cashiel..." bulong ko habang nakikipagtitigan sa kanya. "Malapit na..."

"Fuck!" Naitulak niya ako palayo at tinakpan ang ilong. "Did you just fart?!"

"Uto-uto!" Tumatalon-talon na tinalikuran ko siya at nauna ng maglakad. Nilingon ko siya at nginisihan. "Buti nga sa 'yo."

Kahit anong pigil ko sa ugali ko ay talagang may pagkakataong lumalabas ito para mambwisit ng ibang tao. Hindi ko na rin siya pipigilan dahil gusto ko namang maging masaya. Kusang bumagal ang paglalakad ko habang nakalagay sa likod ang mga kamay.

"Problem?" Ipinatong ni Cashiel ang kamay sa ulo ko.

Tumigil ako sa paglalakad at ganoon din siya. Hinarap ko siya at tiningnan ng diretso sa mga mata. Medyo nakakangawit dahil nakatingala ako sa katangkaran niya. Inalis niya ang kamay sa ulo ko at namulsa.

"Masama na ba akong asawa kasi naglilihim ako sa 'yo?" mahina kong tanong nang hindi inaalis ang mga mata ko sa kanya. "Nagagalit ka na ba sa akin?"

"Why would I?" Ibinaba niya ulit ang mukha at napaatras ako dahil sa lapit no'n. "Hindi ko kailangang malaman ang lahat kung hindi ka pa naman handang sabihin sa 'kin."

"Pero nagalit ka kay Sir Arsen kasi may mas alam siya sa 'yo tungkol sa akin di ba?" tanong ko kasi alam kong gusto niya ng malaman ang lahat pero talagang hindi siya nagtatanong. Nakakalokong ngumisi ako nang may maisip. "Nagseselos ka no?"

Hindi siya sumagot at pinitik lang ang noo ko. Sumama ang tingin ko sa kanya at hinimas ang nasaktang noo.

"Bakit ka namimitik?!"

"Nademonyo 'yong daliri ko, ayon namitik." Nakakalokong ngumisi siya at nauna ng maglakad.

"Aray... Akala ko naman may maganda akong maririnig." Hinabol ko siya ng masamang tingin habang hinihimas ang noo. "Ang sakit no'n a. Gawa ba sa bakal ang kamay niya?"

Naiiling na sumunod na ako sa kanya. Pagdating sa monitoring room ay hindi agad kami pumasok.

"Get back, Zayuri." Hinila niya ako at inilagay sa likod niya. "I'm hearing noises coming from the inside."

"Oh my gosh, Cashiel." Agad kong tinakpan ang mga tenga ko.

"Tss. Not that kind of noises."

"Alerto lang." sarkastikong wika ko at inalis na ang mga kamay. "Cashiel, tingin ko mga zombie 'yan. Mga ungol at angil lang e."

"Ako na lang muna ang papasok."

Hindi ako nagsalita at tumango lang. Sa kanya ko na muna pinahawak ang baril na astig at ang espada na ulit ang akin. Alam yata ng mga nasa loob na bubuksan na ni Cashiel ang pinto kaya pag-angat pa lang ay nagtulakan na sila palabas at inatake kami.

At tama nga ako na mga zombie sila.

Sa halip intindihin ang sarili ay nilingon ko si Cashiel. Sa dami ng zombies ay halos matabunan na siya at hindi na makita. At ang masama pa nito ay may dumating pang mga vampire at werewolves. Like, may pangil ang vampires and claws naman sa werewolves.

Kailangan ko ng kumilos.

Sinipa ko palayo ang nasa unahan ko at pinaghahampas sila ng talim ng espada saan mang parte ng katawan nila. Ang ilan ay sinasaksak ko pa sa puso o di kaya'y binabasag ang bungo. Wala akong pakialam sa mga dugong nagtatalsikan dahil ang mahalaga lang sa akin ay ang makalapit sa Genie ko na asawa ko.

Hihi. Ang landi ko sa part na 'yon.

"Cashiel." Hinawakan ko siya sa pulso at inilagay sa likuran ko. Nasa unahan ang tatlong magkakasamang category at papalapit sa amin.

"I'm your Genie, I should be the one protecting you."

"I'm your partner and I should protect you as well." sagot ko. "At pwede ba, d'yan ka muna sa likuran ko at 'wag kang malikot?"

"Wala na tayong aatrasan." imporma niya at tumigil sa pag-atras kasi wala na nga. "And please stop using your ability. Ayaw kong maagang mabyudo."

"Ihhh! Beket ke be genyen?" Pabebe kong hinawi ang buhok at inipit sa likuran ng tenga ko. Kaso natigil 'yon agad dahil umatake na ang mga ungas. "Ano ba 'yan?! Naglalambing pa ko e!"

Isang malakas na hangin ang muling kumain sa kanila kaya naglaho sila sa harapan ko na parang bula. Mabilis na hinawakan ako ni Cashiel sa bewang dahil muntik na akong mawalan ng balanse sa panghihina.

"I told you not to use your ability when it's not needed."

"Istorbo sila e. Ngayon na nga lang kita ulit lalandiin tapos may istorbo pa?" Kumapit ako sa batok niya at nakanguso siyang tiningala. "Buhatin mo na lang ako. Masyado mong pinanghihina ang tuhod ko."

"Tss. Ikaw ang pumiling ilihim ang relasyon natin." angil niya at binuhat naman ako.

"E kasi nga, hindi pwede. Masyadong delikado. Grabe, Cashiel. Ang bango mo pa rin kahit walang ligo." Nanlaki ang mga mata ko ro'n at agad siyang tiningnan. "Ilang araw na akong walang ligo! Ibaba mo 'ko, mabaho na ako!"

"Wag kang malikot dahil baka iba ang mahawakan ko sa 'yo." suway niya sa pagiging malikot ko.

Natahimik ako at biglang bumigat ang pakiramdam ko. May isang tanong kasi ang biglang pumasok sa isipan ko at hindi ko gusto 'yon.

"Anong problema?" malambing na tanong niya.

"Ang sama ko na bang tao kasi pinakasalan kita kahit kapatid ka ng ex-boyfriend ko at may fiancee kang tao?" tanong ko sa mahinang boses. Hindi ko lang inaasahan na aayusin niya ang pwesto ko sa intimate na posisyon. Binuhat niya ako na para bang bata at ang mga binti ko ay nakapaikot sa magkabilang bewang niya.

Aaaahhh! Maghunos-dili ka, Yui! Hindi mo pa pwedeng reypin 'yan!

Seryoso siyang nakatingin sa akin at para niya akong gustong lamunin ng buo. Buti na lang talaga pinirmahan ko 'yong kontrata kaya sa akin ka.

"Who cares if he's your ex-boyfriend? He's your past na hindi mo na pwedeng balikan. While me? I'm your husband, your present and your future. I don't care about anyone because the night that you signed the contract, you're already mine."

FURIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon