Prologue

371 119 93
                                    

Sabi nila, wala ng mas sasaya pa sa isang kumpleto na pamilya. 'Yong tipong, araw araw mo silang nakikita at sabay kayong kakain sa iisang lamesa. Pero ang sabi ng iba, love is what makes a family. Kaya aanhin mo ang pagiging kumpleto niyo, if love is what it lacks? If love and time is not present, what's the use of it?

Ganoon ang naging buhay ni Claire simula bata siya. As a kid, she would wait for her parents to come home from work. She'd wait for them because she wanted to tell them about her day. But their ears were always closed.

She craved for love, but the people around her were all selfish.

But on her 12th birthday, something unexpected happened.

***
April 12, 2008
El Nido, Palawan

"Happy Birthday Claire!" masayang bati ni Aling Misty. Siya ang taga alaga niya  simula bata palang siya dahil abala ang mga magulang niya sa trabaho. Kulang nalang ay tawagin niya na itong nanay.

May hawak itong cake, dahil nga kaarawan ng batang babae na si Claire. Ng mapansin niyang hindi man lang ngumiti ang bata, ibinaba niya ito sa may lamesa.

"Huwag ka ng malungkot, panigurado malungkot rin sila Ma'am kasi wala sila ngayong kaarawan mo." sabi nito. Pilit nitong pinapagaan ang loob niya.

Tumingin naman sakaniya ang batang babae.

"Hindi po ba kapag gusto hahanap po ng paraan?" tanong nito. Ng hindi nakasagot ang matanda, peke niya itong nginitian.

Naisipan nalang nito na maupo sa may tapat ng bintana. Nasa isang cottage siya na rinentahan  ng kaniyang ama. Paborito niyang lugar ang Palawan, kadalasan kasi siyang pinupunta dito ng magulang niya, ngunit iniiwan din siya at pinababantay dahil sa dami ng kanilang gagawin. Ni minsan ay wala siyang hiniling sakanila, kung meron man ay oras ang gusto niyang matanggap. Pero hindi niya 'to masabi.

Napatitig ito sa dalampasigan, kita nito ang bawat pag agos ng alon.

"Ang ganda," mahina nitong sabi sa sarili.

Nagsawa siya na titigan ito kaya napagdesisyunan niyang pumunta roon. Ng makita niya na may kausap sa telepono si Aling Misty, pasimple itong lumabas. Nakasuot pa ito ng dress at doll shoes.

When she made it to the beach, nalagyan agad ng buhangin ang sapatos na suot niya kaya tinanggal niya 'to at itinabi.

Ramdam ng paa nito ang init ng buhangin. May sumilay na ngiti sa labi niya. Tuwang tuwa ang batang babae. Pakiramdam niya ay malaya siya na walang dinadalang problema.

Tumitig ito sa dalampasigan, unti unti siyang lumapit.

Gusto niyang maramdam ang alon kaya tuloy tuloy lang ito sa paglalakad. Saktong sakto nang makalapit siya, umagos ang alon papunta sakaniya.

Ngunit sa sandaling iyon, para bang may nagsasabi sakaniya na lumapit pa lalo. Para bang may sariling isip ang mga paa nito, dahilan kung bakit palapit siya ng palapit. At dahil nga nasa dalampasigan siya, palalim din ng palalim.

Basa na ang kalahati ng dress niya, hudyat na ilang hakbang nalang ay malulunod na siya. Sa edad niyang 'yon, hindi pa ito marunong lumangoy.

Tuloy tuloy pa rin ang lakad ng bata. Mukhang wala itong balak tumigil. Hanggang sa huling hakbang niya, tuluyan na siyang linamon ng tubig.

Wala siyang makita, wala siyang marinig.

Tuluyan na itong nawalan ng malay.

---
A/N: You can tell me your reactions or feedbacks/suggestions by messaging me or leaving your comments below! My inbox is open for all of you, xoxo.

Ps. Please keep in mind that the describing of the place, it's services, and background; not all of it is accurate. Expect errors for I am still improving. 

It Led Me to You (Destiny's Game Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon