Sa isang ospital, sa loob ng emergency room, rinig ang sigaw ng iba't ibang boses. Puno ito ng galit, takot at pag-aalala. Nabahala naman ang ibang naroon sa ospital dahil sa ingay. Ang iba naman ay nakiki-kinig sa nangyayari, panay ang suway ng mga nurse sakanila.
"Why did you let her go on her own?! You had one job! ONE JOB!" tuloy tuloy na sigaw ng isang ina.
Pilit naman siyang pinapakalma ng asawa. Mahigpit na nakahawak ang mga ito sa braso niya.
Sumabay pa ang ingay ng isang batang lalaki. Madiin ang kapit nito kay Aling Misty na mangiyak iyak na din dahil sa nangyayari.
"Ma'am nothing will happen if you will continue to blame—" the doctor wasn't able to continue when the mother gave her an angry stare.
"Honey, calm down. She'll wake up soon." the husband continued to calm her.
Hindi nito pinansin ang sinasabi nila at lumapit sa anak. Mahigpit nitong hinawakan ang mga kamay niya. Tuluyan nang tumulo ang luha nito.
"I'm sorry baby. I'm so sorry," paulit ulit niyang sabi habang patuloy na tumutulo ang mga luha niya.
Napuno ng katahimikan ang paligid nang biglang umubo ang batang babae. Nagliwanag ang mukha nilang lahat. Naabala naman ang nanay niya at pinatawag agad ang doktor.
"Claire! Claire baby! Are you okay?" tawag nito sakaniya. Agad ring lumapit sakaniya ang ama.
Hirap na iminulat ng babae ang mga mata niya. Malabo pa ang paningin nito pero kita niya ang mukha ng kaniyang ina at ama. Iginilid nito ang ulo niya at nakita rin si Aling Misty at ang kapatid niyang si Blaise.
Gustohin niya mang magsalita ay hindi niya pa kaya. Napatingin siya sa kamay niya na mahigpit na hawak ng kaniyang ina. Hinawi din nito ang buhok niya, bakas ang pag aalala sa mga mata nitong mariin na nakatitig sakaniya.
Ng dumating ang doktor, agad siyang inasikaso nito. Dahil hindi pa ayos ang pakiramdam niya, kinailangan niya pang magpahinga.
Pero bago siya pumikit, bago pa siya makapagpahinga ng mabuti, ngumiti ito.
Ngumiti siya dahil sa unang pagkakataon pakiramdam niya ay minamahal siya.
Para sakaniya, iyon na ang pinakamagandang regalo na kaniyang natanggap. Ang pagmamahal na matagal niya ng gusto ay nakamit niya na sa wakas.
—
Nang pwede na siyang makaalis ng ospital, agad silang umuwi. Dahil sa pag-aalala ng magulang niya, napagdesisyunan nilang maupo muna ito sa isang wheel chair. Ng makarating doon nagulat ang batang babae nang makitang andoon lahat ng kamag-anak nila. Agad agad silang lumapit sakaniya, isa isa siyang yinakap. Mahina pa ang katawan niya ngunit masaya siya. Masaya siya. Masayang masaya.Halos pag-agawan siya ng mga tita at tito niya. May mga dala itong regalo. Panay rin ang pagpapasaya nila sakaniya. Ginawa nila ang lahat upang umayos ang pakiramdam ng bata.
Hiniling niya sakaniyang isip na sana, sana huwag na matapos ang araw na 'yon. Na sana ganoon nalang palagi.
Halos isang linggo din hindi pumasok sa trabaho ang mga magulang niya. Pinagbawalan siyang makapunta sa pool dahil sa takot nilang maulit ang nangyari. Ngunit nang umayos na ang pakiramdam niya, bumalik na ang lahat sa dati.
Her mom let her learn swimming lessons para sa susunod ay hindi na siya malunod. Pinabantay rin siya ng mas mabuti, hindi ito pwedeng lumabas ng walang kasama.
Pakiramdam ng bata ay nakulong siya, pero kahit ganon alam niyang para sa ikabubuti niya rin 'yon. Napaisip rin ang bata. Bakit? tanong nito sakaniyang isipan.
Bakit kailangang may mangyari pa bago nila ituon ang pansin nila sayo?
Why do you have to try so hard to the point that you'll risk your life just for them to care? Bakit?
Sa edad niyang 'yon unti unti na siyang namumulat sa realidad. Bumalik man sa dati ang lahat, pakiramdam niya naman ay mas mahal siya ng magulang niya ngayon kumpara sa noon. Hindi siya nagsisisi sa ginawa niya. Hindi.
That incident itself changed her life. It made her life better. The feeling of someone caring for her, loving her, those were priceless. Those are the ones money cannot buy.
Matagal na niyang hiling 'yon. Ang matanggap pabalik ang pagmamahal na ibinibigay niya.
Kung hindi niya ginawa 'yon, kung hindi niya ginawa ang hakbang na 'yon, panigurado ay walang ilalaan na oras ang mga magulang niya sakaniya. Kaya kuntento siya.
Madami namang bumatikos sa mga magulang niya. News spread that what happened to her was a suicide attempt. It spread everywhere. Some blamed her parents that it was all their fault why their daughter drowned. The family stayed silent about it.
Claire doesn't fully know what happened because her parents kept her away from it. So she stayed in her room. There she was thinking of something. No. It was someone.
She can still remember it. On the day she drowned, she felt a pair of arms holding her. It grabbed her so tight until she felt the sand in her back.
She still had strength left so she managed to open her eyes a little bit. Doon ay may nakita siyang isang bata. Batang lalaki. Nakatitig ito sakaniya. She can't see him clearly. Bigla naman siyang napaubo, tumalsik ito sa batang lalaki na napapikit.
Mahinang tumama ang babae, hinang hina ito. And before she knew it, her eyes shut.
"Wow! Sigurado ka bang lalaki 'yon? Baka babae!" sabi ng kaibigan niyang si Sean. They're currently in her room, playing. Ikwinento ng batang si Claire ang nangyari. Hinding hindi niya makakalimutan 'yon.
Sinungitan niya nito. "It was a boy, Sean! Ang ganda din ng mga mata niya! They were sparkly!" sagot pabalik ng bata.
"Mas maganda sa mga mata ko?" tanong nito sabay pinalaki nito ang mga mata niya. Walang alinlangan na tumango ang babae.
"Mas handsome rin siya! I call him Prince Charming!"sabi nito ng nakangiti. Binigyan naman siya ng nakakadiring tingin ni Sean.
"Ew. Princess my foot, Kamilah," sabi nito sa isang matinis na boses.
"Sinong princess ka naman? Maybe a witch!" dagdag pa ng bata habang tumatawa. Bago pa man ito lumabas ng kwarto, Claire stuck her tongue out to him.
"I'll be my own princess then!" sabi nito sa sarili. In her hand were two dolls. One was a boy, one was a girl.
"I'll be the princess who was saved by a prince! A handsome prince!" kwento nito sa sarili while holding her dolls and playing with them.
"The prince that risked his life.."she said softly.
"Just to save a lost girl, like me." And after she said that, a smile curved into her lips as she hugged her dolls tight.
May we meet, again.
BINABASA MO ANG
It Led Me to You (Destiny's Game Series #1)
Romance"Destiny will always let us meet unexpected people at the most unexpected time. I was at my worst when I met you and you met me. Who knew we'd meet again?" At a young age, Claire Kamilah Chavez lived a life everyone wanted. While Liam lived a life...