Chapter two
"Oh, bakit ganyan mukha mo?" She asked while cutting the meat
"Pano ba naman kasi, ako in-asign ni Aris" plano ko kasi sa weekend manood lang ng k-dramas, wala eh in-asign ako.
"Pupunta ka naman bukas diba Gia?" Tanong ko sa kanya
"Ay oo naman! Susuportahan ko jowa ko"
"Ano ba feeling na may jowa? Masaya ba? Tsaka akala ko ba galit ka sakanya dahil di ka sinabihan?"
"Ano ka ba, alam mo namang marupok ako at Taurus kaya yun dinaanan niya sa pag papacute niya" sabay tawa niya.
"May jowa ka na siguro kung hindi lang mataas yang standards mo. Kaka Wattpad mo yan eh tsaka k-drama" pang aasar niya sakin
"Bakit ba?! Ideal boyfriend kaya sila! Too bad fictional characters lang sila. Pero naniniwala ako na may lalaking tulad nila"
"Oh luto na" kumain na kami ni Gia, nakailang order kami ng pork at rice dahil kulang pa samin
"Ano dzai, shopping tayo?" Aya ni Gia sa akin.
"Libre mo ba? Chos" asar ko, mas prefer ko pa din ukay. Ukay for life!
"Sige na nga, samahan mo ko ah. Ang panget kaya tignan pag mag isa lang akong nag sshopping" nagulat ako dun sa sagot niya
"Gago ka ba?! Sige, salamat shopee! Walang bawian ah" di naman ako ganun ka materialistic na tao, turo ni mama ma kontento sa anong meron.
"Ay eto! Ang ganda, ilagay na sa cart yan. Eto din bet ko yung color. Uhm miss may medium ba nito." Shopaholic talaga ni Gia ever, since freshman pa.
Para akong personal assistant ni Gia dito lmao. Ako may dala ng cart
"Ano teh! Wala ka pa nalalagay sa cart oh, baka gusto mo ako pa mag lagay sa para sayo" seryoso ba talaga siya
"Eh wala kasi dito yung hinahanap ko"
"Eh ano ba hanap mo?"
"Jowa... char"
"Yun ba? Jusko may rereto ako sayo! Papi siya"
"Gaga!"
"Eh ano ba?!"
"Salamin, nasira na kase yung frame ko" meron naman akong contact lens pero mas sanay ako sa salamin at mas mukhang cute ako pag may salamin hihi.
Taena kasi neto ni Valerie, inupuan salamin ko nung nag inuman kami kagabi. Ayun warak, wala pa naman akong ipon. Wala pa kasi allowance ko galing school.
"Sige, for the mean time. Mag add to cart add to cart ka muna ng mga damit mo. Seize the moment sizt, wow rhyming, char, minsan lang toh" iniwan ko na yung cart kay Gia. Humiwalay ako sa kanya at kumuha ng panibangong cart at nag hakot na ng mga damit.
I'm grateful na nakilala ko si Gia nung first year. Hindi ako pala kaibigan na tao. I don't know how to start a conversation eh.
BINABASA MO ANG
Through The Lens
RomanceJun is an heir to Zhang hotel and restaurants, his only goal is to finish college. He never expected to fall inlove with Angel who is a part of the school paper.