Chapter 6

7 0 0
                                    

Angel's POV...

Nakatitig lang ako sa kanya na hanggang ngayon hindi parin makapaniwala

Andito na siya?

Bumalik na siya?

Bakit? Para san pa?

Bigla akong natauhan ng may pinahid siya sa mukha ko

"Alam kong hindi mo inaasahan na makita ako, na andito nako ngayon sa harap mo.."- sabi nito na mahahalata talaga sa mga mata niya ang sobrang lungkot

Bakit? bakit siya nalulungkot?

Ako ang sobrang nasaktan kaya dapat ako lang ang nalulungkot ngayon

Di parin ako makakuha ng lakas na loob para magsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko . Kasi para sakin hindi pa malinaw ang lahat na nangyayari ngayon..

0____0 Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin

"Kim sorry, I'm sor-sorry"-sabi nito habang nakayakap parin sakin

Hindi ko alam kung bakit kusang tinulak ko siya palayo sakin

May nakita akong tumulong luha galing sa mga mata niya

Noon na kami pa, kapag nakikita kong nasasaktan siya nasasaktan rin ako.

Pero ngayon, na nakikita ko ulit mismo sa harap ko, Bat parang mas dumoble yung sakit!?

"Bakit bumalik kapa?"-diko alam kung bakit bigla itong lumabas sa bibig ko. Basta halo halong sakit ngayon ang nararamdaman ko

"Bakit nagpakita kapa sakin?"

"Bakit mo'to ginagawa ngayon!?"- this time ay dito na tumaas ang boses ko.. patuloy parin sa pag agos ang mga luha ko habang nakikipag titigan sa kanya

Diko rin maexplain kung ano ding nararamdaman niya ngayon

Pero bat ganto? Bat napapadala ko sa mga malungkot niyang titig?

Hindi ko maintindihan, hindi ko maexplain

Lumabas nalang ako sa kotse niya at buti tumila narin yung ulan

"Kim"- tawag nito sa likuran ko pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad

Napatigil ako ng humarang na siya sa harap ko

"Kim pakinggan mo muna ko please "-halata sa boses niya ang pagmamakaawa pero diko alam at kusa konalang siyang nasampal

Kung tutuusin kulang pa yan, kulang pa yan sa lahat ng mga sakit na pinaramdam niya sakin noon

Pakiramdam ko mauubusan nako ng luha, at naninikip na rin ang dibdib ko

"L-lumayo ka saken"- nanghihinang sabi ko dito

"Hayup kang lalaki ka anong ginagawa mo sa kaibigan namen"- rinin kong sigaw nito at nakita kong papalapit ang dalawa kong kaibigan dito. Dun narin sila hinarap ni kiel

Diko rin maitindihan bigla ang naging reaksyon nila ng makita nila si kiel

"Kiel"- gulat na tawag dito ni cass

"Bumalik kana?"-di naman makapaniwalang sabi dito ni ky

Basta ako diko alam ang nararamdaman ko ngayon, parang nanghihina ako at ano mang oras matutumba nako

"At ang kapal naman ng mukha mo na magpakita pa sa bestfriend namen!"-galit na sabi dito ni ky

"Kaya nga nandito ko para humingi ng tawad sa kanya"-sagot naman dito ni kiel

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love winsWhere stories live. Discover now