Chapter 1

17 2 3
                                    

IMAGINATION

"Xyerelle mahal na mahal kita alam mo iyan ayaw kitang iwan, gusto ko tuparin ang mga pangako ko sa iyo~"

"Ngunit, kayden hindi habang buhay ay mananatili ka sa aming panahon, babalik at babalik ka pa rin sa mga taong naiwan mo babalik ka sa panahon mo ngunit asahan mo'ng sa pagbalik mo ako naman ang hahanap ng paraan upang makabalik saiyo~"

Napabalikwas ako sa pagtulog, panaginip lang pala, fuck that dream! It gave me goosebumps. Naramdaman ko namang umakyat si cholo sa aking kama kaya agad ko itong kinarga at bumaba na sa tinutuluyan ko'ng bahay para kumain.

Malawak ang bahay na ito may garden at swimming pool two storey house ito na may anim na kwarto sa taas sakto lamang sa aming magpipinsan.

"You wake up late kai" Rinig ko'ng pagkakasabi ni charles pagkababa ko ng hagdan.

"Dude hindi mo naman sinabi na gusto mo ng quality time kasama ako edi sana gumising ako ng maaga" Pang-aasar ko sakanya.

"Tss, kalokohan mo" Masungit nitong saad.

Napatingin kami parehas ni charles sa front door nang bumukas ito at tumambad sa aming harapan si tristan at megan na parehas na pawisan at nakasuot ng gym attire.

"Kumain na kayo?" Tanong ni megan habang nagpupunas ng pawis.

"Nope" I simply said to her.

"Oh! So you're awake na I thought pa naman na you're dead already" Maarteng saad nito na parang timang.

Si Raine Megan Crisostomo also known as conyo queen laging pinapakealaman ang buhay ko dinaig pa nanay kung makasermon sa 'kin ngunit hindi maipagkakaila na maganda siya dahil sa balingkinitan nitong katawan at makinis na balat.

"So?" Pang-iinis ko sakanya.

"So? Seriously, Kayden why did you puyat kasi huh? Even the presentation tomorrow sa 'kin mo pa pinagawa" Nang gagalaiti na nitong saad sa 'kin.

"Why did you puyat kasi" Pang-gagaya ko pa para inisin siya sa lalo.

"Pwede ba tumigil kayo, give me a break!" Frustrated na saad ni charles.

Si Kurt Charles Crisostomo ang masungit na kapatid ni megan dinaig pa ang may regla kung mag sungit napakaseryoso niyan sa buhay pero sa oras na kailangan mo siya lagi siyang andiyan para sayo madalas siyang suplado pero mahahalata mo sa kilos niya na nag-aalala siya sa 'min at mahal niya kami.

"Sungit naman charles, may regla ka ho?" Parang tangang saad ni tristan.

Si Tristan Hernandez is the oh so called playboy, he is the yolo type of cousin kaya madalas kaming magkasundo, sa eskwelahan naman halos lahat na ata ng babae don ay naging girlfriend na niya makakita nga lang siguro toh ng nakapaldang poste ay papatulan na niya. Masyado ng gwapong gwapo sakanya ang mga babae hindi naman maipagkakaila yon dahil sa ganda ng katawan niya na sinamahan pa ng malalim niyang mga dimples.

"Kayden, laro tayo ml ha" Pag-aaya niya sa 'kin.

"Pass muna ako dude gagawa pa ako ng review sa presentation namin ni megan" Tawang pagtanggi ko sakanya.

"Nako kawawang bata" Saad niya na may mapang-asar na ngiti.

"Baka patayin na ako ni megan pag hindi ako tumulong" Saad ko pa na tawa na lang ang sinagot niya dahil busy na sa paglalaro.

Suddenly I felt dizzy, the noise from the surrounding is slowly fading my vision went black so I blinked twice but when I open my eyes I saw unfamiliar surrounding.

Where the hell am I? Bulong na tanong ko sa aking sarili, paano ba ako napadpad sa lugar na ito? Patuloy ko'ng pagtataka dahil ang alam ko nasa sala ako at nakikipag usap sa mga pinsan ko.

Nagpalinga linga pa ako ngunit wala talaga ako sa bahay, Nasa tapat ako ng simbahan madami akong nakikitang mga kalesa na nagsisidaanan meron ring mga nagbebenta sa tabi ng simbahan, may mga batang naglalaro at nagtatakbuhan, higit sa lahat napakasariwa ng hangin sa lugar na ito walang mga usok na galing sa mga sasakyan ang kalangitan ay asul na asul walang mga naglalakihang establisyemento o gusali napaka-linis ng kapaligiran na malayong malayo sa manila.

Nasa probinsya ba ako? Ngunit paano ako napunta rito kung gayong nasa bahay lang naman ako? Panaginip lang ba ito? Ang dami ko'ng katanungan na ni isa ay walang masagot.

Nagsimula na akong maglakad upang sana ay makapagtanong sa mga tao ngunit laking gulat ko na lang ng may isang babae ang tumigil sa aking harapan, malalalim ang kanyang mga mata na may mapupungay na pilik-mata, maliit ang kanyang muka, mahaba ang kulay itim nitong buhok nakasuot rin siya ng magarang kimono at saya hindi tulad sa suot ng ibang tao rito na simpleng saya at damit pang-itaas lamang ang suot.

Nakakapagtaka na sinaunang kasuotan pa rin ang kanilang sinusuot gayong matagal ng walang gumagamit sa mga saya sa henerasyong ito masyado ng moderno kahit sa mga probinsya ay wala pa akong nakikitang nagsusuot muli ng mga saya at kimono.

Nakatitig lamang siya sa 'kin ngunit laking gulat ko ng sinarado niya ang pagitan namin at niyakap ako.

"Miss can you please get your hands off me?" Malamig ko'ng turang sakanya.

"Mahal kita kayden, mahal na mahal"

Huling narinig ko sakanya bago ko maramdaman ang alog sa aking balikat. Napatingin ako sa umalog sa 'kin at napansin ko ang pag-aalala sa muka ni charles, hindi agad ako nakapagsalita.

"Ano ba nangyayare sayo? Nakatayo ka diyan at nakatulala ng halos limang minuto" May bahid ng pag-aalala sa boses ni charles.

"Dude you look stupid" Nagpipigil na tawa ni tristan.

"Probably you're kulang lang sa tulog kai try to take a rest" Saad naman ni megan na mukang nag-aalala rin.

"Yan puyat pa pakamatay ka na" Maloko pang saad muli ni tristan.

"Ok ka lang ba?" Tanong naman ni charles.

"O-ok lang a-ako" Parang may bumara naman sa lalamunan ko kaya hirap akong magsalita

"Sigurado ka?" Pagkukumpirma pang muli niya.

"O-oo kumain na tayo" Mahinang saad ko.

Tumango siya at dumiretso na sa dining, pero bago ako sumunod sakanila nagpalinga-linga pa ulit ako upang makasigurado, wala na ang mga kalesang nagsisidaanan, ang mga batang naglalaro, ang sariwang hangin at higit sa lahat ang misteryosong babae. Siguro imahinasyon ko lang iyon pagpapakalma ko na lamang sa aking sarili.












Puzzled PastWhere stories live. Discover now