Chapter 12

7 0 0
                                    

BATTLE OF BUD BAGSAK

FLASHBACK:

"Ika'y nakauwi na rin sa wakas kayden" May bahid ng pagkapanatag sa boses ni camila.

"Kanina ka pa namin hinihintay, ang akala namin ay may nangyari ng masama sa iyo" Pag-aalala rin ni sebastian.

"Nakita kita sa tapat ng aki'ng gusali ngunit nalingat lang ako saglit ng tawagin ang ngalan ko ay nawala ka na" Saad naman ni joseph habang nagbabasa ng aklat.

"Pasensya na at pinag-alala ko kayo, may kaibigan lamang ako'ng tinulungan" Paghingi ko ng tawad sakanila.

"May mga kaibigan ka na agad sa unang araw ng klase?" Nababaghang tanong ni sebastian na tinanguan ko lamang.

Hindi ko na sinabi sakanila na anak ng bise-alkalde ang aking kaibigan at hinatid ko siya pauwi sakanila dahil aani lamang ako ng mga katanungan mula sakanila.

"Mabuti na lang at hindi ka naabutan ng takdang oras sa pag-uwi magaalas-nuwebe na" Pagpapaalala naman sa'kin ni camila.

"Sa susunod kung ayaw mo mahuli ng gwardiya sibil o ni aling petra agahan mo ang iyong pag-uwi" Bilin naman sa'kin ni joseph.

"Kumain ka na kayden ipinagkuha ka namin sa kantina kanina dahil masyado ng gabi kung pupunta ka ngayon dun malamang ay sarado na" Saad naman sa'kin ni camila habang inilalatag sa maliit na lamesa ang kinuha nilang pagkain para sa akin.

"Pupunta kasi kami sa silid-aklatan kaya maayos ka'ng makakakain riyan" Saad rin ni sebastian.

"Kung nais mo'ng sumunod sa silid-aklatan maaari ka'ng sumunod" Saas rin ni joseph bago buksan ang pintuan.

"Maraming salamat sainyo" Ngiting saad ko at sabay-sabay na silang lumabas.

Napaisip nanaman ako sa mga nangyari kanina, kung tama ba ang pinasok ko? O ikakapahamak ko ba ito? Pero ang mas mahalaga lang sa'kin ngayon ang kaligtasan ni xyerelle.

Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa'kin nakita ko na lang yung sarili ko'ng gusto siyang ipagtanggol.

Muntik na ako'ng mabulunan ng malasahan ko na may mani sa aking kinakain, agad ako'ng uminom ng maraming tubig dahil panigurado magkakaroon nanaman ako ng rashes.

Balak ko sana sumunod kila camila sa ailid-aklatan ngunit masyado ng bumigay ang katawan ko at nais ko na lamang matulog.

Pag-kagising ko kinaumagahan tulog pa si sebastian at camila, si joseph naman ay nagbabasa ng libro, dumiretso ako sa lababo at naghilamos inayos ko ang susuutin para sa klase mamaya nang marinig ko'ng magsalita si joseph.

"Ano ang iyong ugnayan sa agustin na kasama mo kahapon?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"A-ano ang ibig mo'ng sabihin?" Pagbalik ko ng tanong sakanya.

"Wag mo ako sagutin ng tanong, kitang-kita ko kung pano mo siya itago sa mga gwardiya personel ng kanilang pamilya" Makahulugang saad nito sa'kin.

"Kaibigan ko siya" Maikling saad ko sakanya.

"Ba't hindi ka umamin sa'min kagabi?" Pagtatanong pa ulit nito.

"Dahil aani lamang ako ng katanungan at baka malagay sa alanganin si xyerelle" Pagpapaliwanag ko na lamang sakanya dahil mukang hindi siya titigil.

"Kayden, sana alam mo ang iyong pinapasok" Pag-aalala niya sa'kin.

"Bakit? May nakaakibat na ba'ng banta sa aking buhay" Biro ko sakanya para mabawasan ang tensyon.

Puzzled PastWhere stories live. Discover now