Pang apat- Unang tikim

3.4K 41 4
                                    


THIRD PERSON'S POV

SIMULA ng araw na umamin si Edwood kay Rose ay tila naman naging daan ito para mas mapalalim ang ugnayan nila sa isa't isa. Laging sinusundo at inihahatid pauwi ni Edwood si Rose. Mas naging madalas din ang pagsasama at pagkikita ng dalawa.

Hindi man umamin ng direkta si Rose kay Edwood ay batid nya na nagkakaroon narin sya ng malalim na pagtingin sa lalaki. Kapag wala syang trabaho ay nagpapasama ito sa pamamasyal sa kanilang lugar.

Sa kasalukuyan ay narito silang dalawa sa pamilihan. Inutusan kasi sya ng kanyang mayordoma na bumili ng mga gulay at karne dahil paubos na ang kanilang stock ng mga naturang pagkain.

Ayaw man ni Rose ay nagpumilit si Edwood na samahan sya sa palengke. Wala syang nagawa ng pinasasakay na sya sa dala nitong kotse. Kaya naman ngayon ay todo lingon ang mga tao sa kanilang dalawa.

Sa isip nga ni Rose ay nagmumukha syang alalay ni Edwood kapag nagtatabj silang dalawa. Ngunit balewala na,an sa lalake ang mga tingin na ipinupukol ng tao sa kanilang dalawa.

" May kulang pa ba? " tanong ng lalake sa kaniya.

"Oo, wala pa tayong nabibiling repolyo at petchay, siguro doon tayo banda, baka maka hanao tayo ng sariwang gulay doon" turo nya sa may dulong parte ng palengke kung saan makikita ang iba't ibang klaseng gulay na itinitinda.

"Tara" sabay hawak nito aa kaniyang kamay at hila patungo sa direksyon na tinuro nya.

Medyo hindi parin nagiging komportable para sa kanya ang pagkakaroon nilang dalawa ng skin contact. Para kasing may libo-libong kuryente ang dumadaloy sa kaniya sa tuwing hinahawakan sya nito.

"Ayos ka lang ba honey? " napatingin sya sa lalake ng maramdaman yata nito na hindi sya gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan.

"Ah Oo, may iniisip lang ako"  pagdadahilan nya sa kasama upqng hindi mahalata ang pagiging hindi komportable nya.

" Sana naman ako ang iniisip mo" parinig nito sa kaniya at sinabayan pa ng matamis na ngiti. Natawa sya ng mahina sa sinabi nito at maging ito rin.

Magkahawak kamay silang pumunta sa dulong parte ng palengke. Tinatanong pa nga niya kung ayos lang ba dito na bitbitin ang pinamilo nila dahil baka nabibigqtan na ito lalo na at isang kamay lang ang gamit nito dahil ang kanang kamay nito ay nakahawak sa isa nyang kamay.

"Hindi ka ba nabibigatan? Ako na ang magdadala ng iba diyan" pagpupumilit nya sa kasama.

"Don't worry hindi naman mabigat at ayoko rin na pagbitbitin ka dahil ang babae ang syang dapat binibit bit ng lalake" wika nito at sinabayan pa ng nakakalokong ngisi.

"Anong ibig mong sabihin? " nalilitong tanong nya rito.

" Wala, wag mo ng intindihin iyon, let's go? " sabi nito at iminuwestra nito na mauna na sya. Una syang naglakad papunta sa nasabing parte ng palengke. Ramdam nya na nakasunod lang ito at sumisipol pa.

Habang naglalakd ay napahinto sya ng masilyan ang mga lalakeng naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang asawa. Magkakasama silang lahat at nagsisitawanan pa.

"Hey, what's wrong? " rinig niyang tanong sa  ni Edwood pero hindi  nito pinansin dahil gusto niyang maglupasay sa galit habang pinagmamasdan ang mga taong salarin sa pagkawala ng kaniyang asawa na ngayon ay malayang nakakapunta sa nais nilang lugar.

"Hey mga dude!! Look, the pretty Rose is here!" Tawag pansin ng isa sa mga kasamhan nila.

Ikinuyom nya ang kaniyang kamay dahil gustong gusto nyang basagin ang mukha ng mga ito.

" Hi Mrs Rose Cabilyan! How's your life? We hope that you finally move on from what happened to your beloved husband. " nakangising turan ng isa.

" Pwede ba wala akong pakialam sa inyo! At huwag niyo rin pakialamanan ang buhay ko! "

Taste of Rose ( R -18 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon