THIRD PERSON'S POV
" Naku! Mga mare nabalitaan niyo na ba iyong mangyayaring kasalang bayan dito sa natin. Aba! Balita ko eh kasali rin pala sina Rose at Trino dun."
"Sinabi mo pa! Ano kayang gayuma ang ginamit ni Trino para mapasagot iyang si Rose. Eh hindi naman kaguwapuhan ang binatang iyon. "
" Grabe ka naman dyan mare! Sabihin na nga natin na ubod ng ganda itong si Rose pero mabait at masipag naman si Trino. Ang kaso nga lang sayang ang pag-aaral nitong si Rose eh, nahinto dahil maagang pumanaw ang nanay niya at kulang sa pangtustos dahil bata pa ang isa nitong kapatid na nag aaral sa elementarya.Balita ko eh sya ang nagpapaaral. Kung bakit ba kasi putok sa buho ang dalagang iyon"
"Tama ka, balita ko pa nga eh mamasukan itong si Rose bilang katulong. Kung ako si Rose gagamitin ko iyang kagandahan para makapangasawa ng mayaman. Hindi iyong papatol ako sa isang magsasaka. Kunsa bagay baka naisip niya na baka maging pareho sila ng kapalaran ng nanay niya. Nangarap ng mataas pero hindi naman natupad. "
Napayuko nalang si Rose habang nakikinig sa mga kapitbahay niya na nagkukumpulan sa gilid ng isang tindahan. Walang arawna hindi siya naging laman ng usapan ng kanilang baranggay lalo na at kilala noon ang nanay niya dito sa kanila sa pagiging prostitute.
Iniisip na lang niya tama naman ang mga sinabi ng mga ito. Na putok lang siya sa buho. Anak siya ng kaniyang ina sa pagkadalaga nito at wala siyang pagkakakilanlan sa kaniyang ama maliban sa apilyedo nitong Givesbell.
Hindi narin siya nagtangka na hanapin pa ito kung para saan pa? Eh tinakbuhan nga nito ang nanay niya noong mga panahong pinagbubuntis pa siya nito.
Nagsitahimik naman bigla ang mga chismosa niyang kapitbahay ng makita ng mga ito na papalapit na sya. Hindi nalang niya ito pinansin at pumasok sa luma nilang bahay na minana pa ng nanay nya sa mga lolo nito. Maliit lang ito at may dalawang kuwarto. Para sa kaniya at para sa kaniyang nakababatang kapatid.
Ang nakababata niyang kapatid na si Dendver ay anak naman ng kaibigan ng nanay niya. Inampon ito ng nanay niya at itinuring na parang sariling anak ng mamatay ang kaibigan nito dahil sa cancer sa utak. Itinuring din niya itong parang sarili niyang kapatid.
Nagung tampulan npdin ang kapatid niyang si Dendver ng chismis dahil bakit pa daw nag ampon ang nanay niya gayong wala na nga silang makain. Hindi nalang nila ito pinapansin dahil ang importante sa kanila ay maitaguyod ang araw-araw na pamumuhay.
" Rose, mabuti at narito kana!! " napangiti siya ng makita si aling Flora. Ang nag iisang japit bahay nila na kailan man ay hindi sila hinusgahan at ang natatanging nagpapakita ng kabaitan sa kanila.
Matalik itong kaibigan ng lola niya at itinuturing din parang pangalawang ina ng nanay niya. Mabait ito at ito palagi ang nagprepresinta na magbantay sa nakababata niyang kapatid kapag maypasok siya sa trabaho.
" Heto na ang gown na isusuot mo sa kasal ninyo ni Trino. Dati itong pagmamayari ng pamangkin ko kaya heto hiramin mo muna para may magamit ka. "
Napangiti siya ng mapagmasdan ang kabuoan ng damit na kaniyang isusuot. Simple lang itong puting gown na hanggang talampakan niya. Wala masyadong desenyo.
"Maraming salamat po aling Flora. Ang bait niyo po talaga sa amin. "
" Naku bata ka. Huwag mo na akong pasalamatan dahil inihabilin ka ng nanay mo sa akin bago ito pumanaw. Teka, nakahiram ka naba ng sapatos na isusuot mo? "
Ipinakita niya ang puting supot na ang laman ay isang sandals na hiniram pa niya sa katrabaho niya. Kesa bumili ng bago ay nanghiram na lang siya dahil isang beses lang naman niya ito magagamit. Ang importante naman ay ang maikasal siya sa kaniyang kasintahan.
BINABASA MO ANG
Taste of Rose ( R -18 )
General FictionRose Givesbell Every male wants to taste Rose , a young lady with angelic beauty. Kaya ganon nalang ang ingit ng mga kalalakihan na syang nakakakilala sa babae ng ito ay maagang nag-asawa. Ngunit sa isang iglap ay maagang naging biyuda ang babae. Sa...