Pangalawa- Biyuda

2.1K 50 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

APAT na araw na ang nakakaraan ng ilibing ang yumaong asawa ni Rose. Ilang gabi niya itong iniyakan at ilang gabi narin siyang walang maayos na  tulog.

Hindi niya matanggap sa sarili niya na agad kinuha sa kaniya ang taong minamahal niya ng lubos. Ang isa sa mga kaunting taong nagpaparamdam sa kaniya ng totoong pagmamahal at tanggap siya ng buong buo.

At mas bumigat pa ang nararamdaman niya ng makalaya ang mga taong may gawa nito sa kaniyang asawa. Mga mayayamang tao at maipluwensya kasi ang mga ito kaya ganon na kang kadali para sa mga ito ang lusutan ang ginawa nilang krimen.

Gustohin man niyang ipaglaban ang katarungan para sa kaniyang asawa pero anong magagawa ng isang mahirap na tulad niya laban sa mga taong may sinabi at nakakaangat sa kaniya.

Ang masama pa ay wala ni isa sa mga kapitbahay nila ang tumistigo kahit pa alam niya sa kaniyang sarili na malaki ang tsansa na may nakarinig sa pagtatalo ng asawa at sa mga lalakinh lumapit dito. Alam rin niya na hindi rin imposible na may nakakita sa buong pangyayari.

Ang nakadagdag konsumesyon pa sa akin ay ang mga lalaking muling umaakyat ng ligaw kahit kamamatay pa lang ng asawa ko.

"Ate....kain kana...." mahina at may pag-aalalang sabi ng kaniyang nakababatang kapatid. Mapait siyang napangiti dito. Gustohin man niyang sumuko na lang ay hindi niya magawa lalo na at naritompa angkaniyang kapatid.

Hindi siya maaring tumigil sa buhay kahit gaano pa man kasakit at kahirap para sa kaniya ang mabuhay sa napakalupit na mundo.

"Sige...ilapag mo nalang diyan at kakainin ko nalang iyan mamaya.....wala pa kasing gana si ate...."

Pilit niya itong nginitian para iparating dito na kakainin niya ang ibinigay nitong hapunan sa kaniya.

Inilapag lang ng kaniyang kapatid ang pagkain sa mesang kalapit ng kaniyang hinihigaan.

Nang makalabas na ito ng kaniyang silid ay muli siyang nakaramdam siyang lumgkot at pangungulila sa kaniyang asawa.

Hinaplos niya ang larawan na kanina pa niya yakap-yakap habang sinasariwa sa kaniyang isipan ang mga pangyayari noong magkasama pa silang dalawa.

Trino, napakadaya mo naman.....bakit mo ako iniwan agad...diba ang sabi mo..magkasama tayo hanggang kamatayan...pero bakit ka lumisan agad?....

Usal niya sa kaniyang sarili habang nakatingin sa kawalan. Muli niyang hinaplos ang larawan ng kaniyang asawa at mapait na ngumiti dito. Itinatak niya sa sarili na kahit wala na ito, kailan man ay hindi ito mawawala sa puso niya. Na ito parin ang unang lalaking minahal niya.

Sinulyapan niya ang pagkain na kanina ay dinala ng kaniyang kapatid para sa kaniya.  Lumapit siya rito at mabagal na sinimulan ang pagkain. Naisip niya sayang naman kung itatatapon na lang ito, at siguradong hindi magugustuhan ni Trino kung pababayaan niya ang sarili.

Naisip din niya na kailan bukas ay makapagtrabaho na siya lalo na at nalalapit na ang pasukan. Kinakailangan pa niyang bilhan ng mga gamit pang skuwela ang kaniyang kapatid.

KINABUKASAN ay nagulat ang kaniyang mga kasamahan sa trabaho nang makita siya sa kusina at naghahanda na ng agahan ng kanilang amo. Isa  kasi ito sa naka assign sa pagluluto ng pagkain.

"Aba!, mabuti at pumasok kana! Akala namin isang buwan pa ang bakasyon mo. Abuso kanaman yata kapag ganon"

Masungit na sabi ng isa sa mga kasamahan niya. Napabuntong hininga siya at kinalma ang sarili. Ayaw na sana niya itong patulan pa.

" Pasalamat ka pinagbigyan ka ng amo natin. Pero madalas yata ay sinasagad mo na ang kabaitan ni Don Artulfo sa mga kasambahay niya. "

" Baka naman may ginawa kang kababalaghan kaya napapayag mo si Don Artulfo. Tsk tsk tsk, sa panahon nga naman ngayon ay ginagamit ang kagandahan at batang katawan para makuha ang gusto nila"

Taste of Rose ( R -18 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon