Sa simula nito'y hindi ka dapat mahahalata,
Sa panlilinlang dapat ika'y bihasa.
Ikubli ang nararamdaman, huwag hayaang makita ng sinoman,
Sikaping huwag maging mapusok, matatag ang karimlan.Sa laro ng pag-ibig ang unang umamin ang talo,
Sa laro ng pag-ibig isang maling salita may masisira kang tao,
Huwag hayaang puro damdamin ang umiral,
Bagkus hayaang isip ay makisabay.Buksan ang isipan sa daluyan ng agos ng nararamdaman,
Marapating alamin kung ang bawat kilos ba'y walang masasaktan,
Dahil sa liko at daan ng nilalakarang kalsada,
Ang saglit mong pagtingin sa iba, maaaring makaapekto sa iba.Maging masikap intindihin ng isa't - isa,
Huwag hahayaang humiwaly dahil lamang sa wala na,
Wala nang buhay ang nararamdaman para sa kapareha,
Pabusilakin ang nararamdaman ng sakitan ay hindi na magawa.Sa laro ng pag-ibig huwag puro puso,
huwag din puro isip.
Pag-aralang mabuti ang nais gawin,
at saka kilatisin.
Sa gayong paraan maaari kang manalo,
At maaari mo pa siyang makasama hanggang dulo.