Sa bawat pagpatak ng ulan,
sa bawat tilamsik nito sa putikan,
Hindi ko na mawari ang aking nararamdaman,
Hindi ko na maunawaan kung anong aking pagkukulang.Sa bawat segundo, minuto at oras sa isang araw,
Parang kulang pa ang maya't - maya dahil sa puso ko'y pangalan mo ang sigaw.
Paulit-ulit tila wala itong tigil,
Pagmamahal ko sa iyo'y tila kasing lalim ng bangin.Gayon pa man, ito may 'sing lalim ng karimlan,
Nagtataka pa rin kung bakit ako'y iyong iniwan,
Hindi pa ba sapat ang ating matinding pagmamahalan?
O 'di kaya ang walang sawang palitan ng pagpapakita ng nararamdaman?Isipan ko'y tila alipin mo na,
Hindi ko na mawari ang aking nadarama,
Ikaw ay aking mahal, ikaw ang aking sinta,
Pero sa akin ay palaisipan, kung bakit ako'y binitawan na?Maraming "bakit?", "paano kung", at iba pa,
Hindi ko na mawari kung alin ba sa kanila,
Ang nararapat kong pagtuunan ng pansin sa aking nadarama,
Ngunit isa ang aking sigurado, ako'y bumibitaw na sa'yo.Ako'y naging bihag na sa mahabang panahon,
Naging alipin na ang aking isipan kakaisip sa'yo,
Ngunit tanong sa aking isipan ako ba'y naiisip mo rin?
O lahat ng ito'y ako lang ang kumikimkim?