Chapter 1
Tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw.
Tagaktak ang pawis at hinihingal na si Merideth dulot ng matagalan at mahabang Lakaran. Tindahan, Hotels, Malls, Botiques, Financial and Insurance companies, Printing shops. Name it, lahat ng iyan pinuntahan niya na.
Gustuhin man niyang mag apply sa Call Center, hindi siya papayagan ng nanay niya due to the health hazard it entails.
Palipat lipat siya ng pinapasukang mga establisyemento sa lungsod ng Makati. Mag aapat na araw na syang nag hahanap ng trabaho pero hanggang ngayon hindi parin pinapalad.
Napa buntong hininga na lamang si Merideth at panandaliang umupo sa isang iron bench sa tapat ng Phoenix Conglomerates- isang malaking kompanya na nag mamay ari ng mga sikat at high end na hotels, restaurants, fast food chains at construction businesses sa loob at maging sa labas ng bansa especially in European countries.
"Ano ba naman yan, bakit ba ganito ang buhay ko? Bakit ang unfair ng mundo? Ilang taon na akong depressed, ilang taon na akong malungkot at naghihirap dahil sa studies. Hanggang ngayon, ganito pa rin. Mas nadagdagan pa"
May paghihinagpis na bulong niya sa sarili habang may kaunting butil ng luha na dumaloy sa mga pisngi niya mula sa bagsak at mugto niyang mga mata.
Kailangan nyang maka hanap agad ng trabaho para may maipang tustos sya sa pamilya nila.
Hindi pa nag tatatlong linggo mula ng mailibing ang pumanaw niyang tatay na biktima ng hit and run. Ito na ang pinaka malalang pagsubok na hinarap nilang mag Pamilya. Paghihinagpis, lungkot at pag aalala ang nararamdaman nya. Paano na kaya sila?
Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid at kakatapos pa lang niya ng third year college ng mangyari ang trahedya na iyon.
Hindi din nila nakamit ang hustisya dahil wala man lang may nakakita sa sasakyang nakasagasa sa tatay Dencio niya.
May sakit sa puso ang kanyang nanay habang parehong nasa elementarya pa lamang ang dalawa nitong kapatid, si Reagan at si Marvin.
"Tatay naman eh, kung hindi ka sana lumabas ng gabing iyon sana kahit papaano hindi ganito ang kalagayan namin ngayon. Sana kahit mahirap, kahit minsan gipit, ang pag aaral pa sana ang inaatupag ko" mahinahon na usal niya.
Ang mabait, masipag, mapagmahal at madiskarteng si tatay Dencio niya ang kumakayod para sa kanilang pamilya.
Noong andito pa ito ay nakakahinga naman sila kahit papaano sa mga hinaharap sa buhay. Ngayong wala na siya, kailangan nyang magpakatatag, mag hanap buhay at itaguyod ang pamilya nila lalo pa at lubog sila sa mga bayarin at utang dala ng pagkamatay ng tatay Dencio.
Nariyan pa ang pag aaral ng dalawa niyang kapatid at ang buwanang gamot ng kanyang Nanay Melba.
Bilang breadwinner sa pamilya, kailangan nyang harapin ang realidad kahit sa napaka mura nyang edad.
"Lord, bakit sa amin pa?" pinunasan nya ang luha na ngayon ay hindi na butil butil. Malalaki na ang patak nito.
Dahil sa malalayo at kakaunti lamang ang tao, dagdagan pa ng katahimikan ng paligid, hindi nya alintana kung umiyak man siya o humagulhol dahil sa lungkot at pagod na nadarama.
"Miss na kita Tatay"
Blaaag!!!!
Na gulat si Meredith ng biglang makadinig ng malakas na pagkabasag. May tumilapon na mamahaling cellphone malapit sa kanya.
Bagamat basag basag ang likod nito, buo pa rin naman ang screen ng phone at gumagana pa.

BINABASA MO ANG
The Breadwinner's Lover
RomansaLike some romantic cases in life, Alfonso-the young, affluent and charismatic bachelor known in the corporate and elite spectrum will be instrumental in easing Meredith-the family Castro's breadwinner facing with different life crises. Later on both...