JOHNNY'S POV
First day of class namin ngayun.
Sa wakas Grade 8 narin ako. Ako nga pala si Johnny Dela Verde, since Elementary pa lang ako dito na ako nag-aaral sa University of Royal Academy(URA), napaka loyal ko nu? HAHA. Habang papunta na sana ako sa room ko may napansin akong bagong studyante na nagiisa na nakaupo sa Business Office. Nilapitan ko siya kase mukhang hindi niya alam kung san siya pupunta o san siya papasok. "Bago ka?" Tanga ko talaga nu? Kitang alam ko na bago tapos tatanungin ko kung bago ba siya? HAHAHA. "Aaaah.. U-u- uo." Nauutal niya pagkasabi. "Hmm? Anong grade ka na ba at anong section mo para maihatid kita sa room mo?" Tanong ko. "Grade 8 ako at Section Isaiah ako." Biglang sumaya ako nang malaman kong kaklase pala kami. "Hmm. Kaklase pala tayo eh? Tara sabay na tayong pumunta sa room natin." Masayang pagkasabi ko. Tumango lang siya. Na snob ako? Kabago bago ah. Iisnob agad ang pinaka cute dito? HAHA Dejoke. Pagkarating namin saaming room humanap agad siya ng bakanteng upuan. "Jan ka ba uupo?" Tanga ko talaga! Kita kong jan na nakaupo eh! "Uo" Sabi niya. Dun na rin ako umupo sa tabi niya para hindi siya ma OP. Tatanungin ko nalang muna tong snoberong mokong na to habang hndi pa dumadating yung adviser namin. "Hmm? Ano ba pangalan mo?" Nilakihan ko boses ko. "Uhh.. Uhhh.... Te-Teo-Teofil Casio." Nanginginig niyang pagkasabi. Parang natakot ko yata eh. Parang nerd kase siya pero mukhang drug adict dahil ang itim na ng eyebags. Dejoke xD. "Ah ganun ba?" Sabi ko. "Eh ikaw? Ano pangalan mo?" Tanong niya sakin. "Ako nga pala si Johnny Dela Verde." Sagot ko. "Pwede ba kitang maging kaibigan? Johnny?" Hmm? Kakaibiganin ko ba to? Baka mahawa to sa kabaliwan namin eh. Mukhang mabait naman. "Friends?" Sabi niya ulit. "Friends. :)." Ayan friends na kami. Goodluck nalang sa kanya kung hindi siya mahawa saming magbabarkada. Makalipas ng ilang minuto dumating narin ang aking mga barkada. Sina John Mark Fuentes-Pinakamakulit samin, hilig magpatawa at parating sawi sa pagibig. HAHAHA Sad nu?, Mario Cruz- Eto yung barkada ko na napaka Bipolar, minsan hndi namamansin, minsan nagpapatawa, at hate niya ang mga girls. James Intal- Pinaka chickboy samin, pag may nakita lang na babae nagpapa cute agad. Christian Revella- Eto yung pinakamabait saaming 7, Hndi ko pa to nakikitang nagalit, Sincere sa mga nililigawan niya, pero minsan may topak. Jacob Mendez- music lover to, hilig din to mang manyak. HAHA, pero napakagaling kumanta at ang galing mag guitara. At ang pang huli si Michael Gene Macapagal- Matalino to, nasira lang ng dahil samin. HAHA, eto yung tropa ko palagi sa dota, bukod sa sobrang galing niya maglaro, Magaling din to sa halos lahat ng bagay-bagay. Dumating narin yung Adviser namin pero mukhang may inaasikaso pa. Bigla akong tinawag ni John Mark na pinasigaw ang Boses niya" Uy Johnny! Dota tayo mamaya!? Parang nabingi ako. "G*GO KA BA!? Ang lapit lang ng kausap mo tapos sinisigawan mo!?" Sabi ko. Ganito talaga ako magsalita saaking mga barkada kaya nga takot to sila sakin eh. "Edi.. Sorry, payag ka?" Tanong niya. "Sure, tanungin mo din sila." Sagot ko. "Payag ba kayo guys?" Sabi ni John Mark sa barkada namin. Nag agree naman yung barkada namin. Nung nag umpisa na ang ang klase namin, napansin ko si Teofil na ang talino pala neto. Halos lahat ng tanong ng subject teacher namin ay sinasagot niya. Ano pa ba aasahan ko? Parang nerd nga diba? Bumulong ako sa kanya. "Maglalaro kami ng Dota mamaya, sasabay ka ba?" Sabi ko. "Uhm. Sge ba!" Parang napalakas pagkasabi niya. Patay! "Mr. Casio? May problema ba?" Tanong ng teacher namin. "Uh. Uhmm. Wla po" sagot niya. Mabilis lumipas ang oras at recess time na. Pumunta agad kami sa Canteen na aming tambayan. Ipinakilala ko si Teofil sa kanila. Habang kumakain kami. Biglang may nag text saakin.
SINO KAYA NAG TEXT? ABANGAN :)
BINABASA MO ANG
Basta Dota Player Sweet Lover
Teen FictionIkaw ba ay may boyfriend na isang DOTA PLAYER? o may boyfriend na MANHID o NAGMAMANHID-MANHIRAN? Well bagay sayo ang story na to ^_^ Im sure makaka relate ka…