Received From: Unknown Number
[Hi Johnny. Hulaan mo snu to? :) Bago lang tayo nag meet nung nakaraang araw]
Nag isip ako nang mabuti kung sino ba siya. Pero di ko matandaan eh.
To: Unknown Number
[Hindi kita kilala eh. Sino ka ba?]
Kumain muna ulit ako habang hindi pa siya nag reply. *toot toot toot*
Received From: Unknown Number
[Si Myra Cartama to, tanda mo? Yung babaeng sobrang kulit? HAHA. Yung nakalaro mo?]
Natatandaan ko na siya. Siya yung babaeng lumapit sakin at nakipag kaibigan nung pumunta kami sa isang lugar. Napaka friendly nun eh. Hindi ko yun makakalimutan.
To: Unknown Number
[Ah. Ikaw pala yan. Natatandaan na kita. Kumusta ka na? Tsaka san mo nakuha number ko?]
Kanino kaya niya nakuha number ko? Tsaka bakit kaya niya kinuha number ko? Siguro gusto ako neto? HAHA Sobrang assuming ko naman -_-. Saved ko na nga lang number niya baka ma delete ko pa :)
*SAVED*
Received From: Unknown Number
[Hehe. Buti natatandaan mo pa ako. Uhm. Ok lang. Hiningi ko number sa pinsan ko. Yung binigyan mo ng number mo? Tanda mo?]
Tama nga pala. Binigyan ko pala ng number ko yung pinsan niya. Natapos na yung recess time. Back to class na naman. Habang nagkaklase, nagtetext parin kami nung Myra. Makalipas ang ilang minuto naubusan ako ng load. Nagharap ako ng paraan, hiniram ko yung phone ni Teofil. Pumayag naman siya, nagtanong bigla siya bigla. "Girlfriend mo yang ka text mo?" Wew. Chismoso naman neto. "Hindi ah." Sagot ko. Tumahimik nalang siya at nakinig ulit sa teacher namin. Nag text agad ako kay Myra. Nagpakilala muna ako kase new number ang gamit ko. Ilang oras na rin kami nagtetext. Hindi ko namalayan Lunch time na pala.
"Sabay ka na saamin kumain Teofil." Sabi ko. Sumunod nalang siya saamin. Sabay kami kumain ng mga barkada ko at si Teofil. Habang kumakain, nagkakatuwaan sila habang ako ay ka text ko parin si Myra. Pagkatapos namin kumain ay tumambay muna kami sa Park.
*Ring Ring Ring*
Biglang may tumawag sa phone ko.
Myra is Calling...
[Hello Johnny]
[Hi]
[Kilala mo ako?]
[Abay natutal! Haha. Kita mong may nakalagay na Myra is Calling..Hahaha]
[Sabi ko nga. Kumusta ka na? Punta ka dito sa Saturday ah. Sabay ka sa Parents mo.]
Halong saya at lungkot niyang pagkasabi.
[Ahm. Ok lang. Sge, susubukan ko, Babye.]
[Sge. Babye]
*Call Ended*
Biglang nagtanong si Christian "Sino yun Johnny?". "Si Myra. Bagong kaibigan ko" Sagot ko sa kanya. Hindi na ulit siya magtanong. Inubos ko yung Lunch time kakatext kay Myra. Bakit para atang hindi ako mapakali kung hindi ako maka text? Gusto ka na ba siya? Hindi! Hindi pwede. Masasaktan lang siya, ayokong magka girlfriend ulit.
Parang nahahalata na ata ako ng mga barkada ko. Tinanong ako ni James "Sino ba yang ka text mo? Nililigawan mo ba?" Parang nauutal ako sumagot. "Hi-Hin.. Hindi ko to nililigawan ah! Kaibigan ko lang to."
BINABASA MO ANG
Basta Dota Player Sweet Lover
Novela JuvenilIkaw ba ay may boyfriend na isang DOTA PLAYER? o may boyfriend na MANHID o NAGMAMANHID-MANHIRAN? Well bagay sayo ang story na to ^_^ Im sure makaka relate ka…