Chapter 5: Our Day Part 2

89 3 3
                                    

Habang nakaupo ako sa Sofa, naisipan kong lumabas at naghanap ng pwede kong gawin kase nabobored na talaga ako sa loob ng bahay. Umalis kasi si Myra kasama ang kanyang kapatid na si Joana Cartama at ang kanyang pinsan na si Jaycee Morata.

Pumunta ako sa basketball court, tinignan ko kung pano maglaro ang mga tao dito. Napaka kalma naman nila maglaro. May lalaking papunta sakin. "Dre, laro tayo ng basketball. Kulang kase kami ng isa." Sabi sakin ng lalaki.

Gusto ko sanang maglaro pero baka matagalan kami kakalaro at hindi ko na makakasama si Myra.

"Salamat nalang dre, aalis na din kase ako maya-maya." Sagot ko. "Ah sge." Sabi niya.

Bumalik na ako sa bahay nila Myra. Tamang tama ang pagbalik ko kase nakauwi na sila Myra. Napansin agad ako ni Myra. "Kung, dun tayo sa loob magusap" Hindi pa pala kami tapos magusap kanina? ^_^ Sumunod nalang ako.

Hinila niya ako papasok sa kanila, ang chansing naman netong ate ko ^_^. "Upo ka muna jan sa sofa." Seryoso niyang pagkasabi. Galit ba siya? Wala naman akong nagawang mali eh. Pumunta ulit siya sa kwarto niya. What the!? Iiwan na naman ako dito na nag iisa -_-. Biglang pumasok ang pinsan niya na si ate Jaycee Morata.

Tumabi siya sakin. "Love mo ba talaga ang pinsan ko na si Myra?" Nabigla ako nung sinabi niya yun. Sguro, alam niya na na kami na ni Myra. "Uo syempre." Walang alinlangan kong pagkasabi.

"Alagaan mo siyang mabuti ha. Mukhang mabait ka naman. Ikaw first niyang boyfriend. Kahit sa phone mo lang siya niligawan sinagot ka parin niya, kahit ang rami raming nanliligaw sa kanya. Kaya wag mo siyang sasaktan, wag kang mag alala. Hindi ko kayo isusumbong." Natigilan ako sa sinabi niya. Parang na feel ko na mahal talaga ako ni Myra, at kinilig sandali ^_^.

"Sge po, maasahan niyo po ako." Sagot ko. Yan nalang nasagot ko kase wala na akong masabi pang iba. "Ehem ehem." Sabi ni Myra. Lumabas na pala siya sa kwarto niya. "Excuse me ate Jaycee, mag uusap muna kami ng kuya ko." Umalis si ate Jaycee at tinaasan niya ng kilay si Myra. Ngumiti lang si Myra.

"Kuya? Magsalita ka naman." Sabi niya. "Aww. Nagsasalita na ako, ano pag uusapan natin?" Sagot ko. "Natatandaan mo ba yung sinabihan kita na hindi ako selosa? Alam mo kuya, nagkakamali pala ako." Ha? Anong ibig niyang sabihin? "Ano?" Yun lang nasagot ko. "Wala, Let's make a rules nalang para sating relationship."

Rules for our relationship? Eh... sige na nga. "Sge. Payag ako, ano rules mo?" Tanong ko. "Ahmm. First, bawal ka lumapit sa mga di ko kilalang girls." What!? Eh.. Bahala na nga. "Sge. Ano pa?" Tanong ko ulit. "Bawal ka na maglaro ng Dota." Awww -_-. Kailangan pa talaga yun ipagbabawal? Sge na nga. "Sge ano pa?" Parang ang strict naman neto. Pero wala akong magagawa, lagot siya pag ako na nagbigay ng rules. "Last is bawal ka magsagot sa parents mo kase bad yun. Naiintindihan mo?" Sabi niya. Ang dali lang pala eh. Kahit parati ko sinasagot parents ko, kaya kong magbago para sa ate ko ^_^.

"Sge, ako na naman. Lagot siya sakin. "Sge." Sagot niya. "Bawal ka may kausap o ka chat na lalaki kahit classmates mo pa except kung importante. Bawal ka din lumapit sa mga lalaki. Bawal gumala kasama ang ibang lalaki. Gets?" Sabi ko.

*Evil Smile*

Binilisan ko na para hindi na siya makapalag. Tinaasan lang ako ng kilay ni Myra. "Sge." Hinampas niya ako pero mahina lang. Natawa nalang ako kase hindi na siya makaangal.

"Myra, sabay tayong tatlo, may bibilhin tayo." Sabi ni ate Jaycee. "Hmm. Sge, tara kuya." Sumunod nalang din ako.

Naglalakad lang kami para daw matagal kami makabalik. Ang tahimik naman. Parang may dumaan na anghel sa harap namin. "Myra at Johnny, bakit kayo naglalakad lang ng normal jan?" Biglang sabi ni ate Jaycee, anong ibig niyang sabihin? "Hindi ba kayo mag kukwentuhan o Mag hoholding hands while walking?" Dagdag pa niya. Kakahiya kase. "Parang ayaw ni Johnny eh?" Sabi ni Myra. "Papayag yan si Johnny. Dba Johnny? Kaya ko nga kayo sinama dito para magkwentuhan kayo." Sabi ni ate Jaycee. Na touch naman ako sa sinabi niya, may pakialam din pla si ate Jaycee samin? HAHAHA. Hinawakan ko kaagad ang kamay ni mira. Hindi naman siya umangal, mukhang ang saya saya nga niya eh. "Gumala muna kayo, ako na lang bibili." Sabi ni ate Jaycee.

Ang bait talaga ni Ate Jaycee. "Salamat ate Jaycee." Sabi ni Myra. Nag smile lang si ate Jaycee at umalis na.

"Upo muna tayo sa bench ng basketball court." Sabi nya sakin. "Sge, Myra?" Sabi ko. "Ano yun?" Tanong niya. "Uhm. Wala, sabi ko I Love You." Sabi ko sa kanya. "Aww. I Love You Too." Masaya niyang pagkasagot.

Nakatingin lang siya dun sa mga naglalaro ng basketball habang ako naman ay pinagmamasdan ang maganda niyang mukha. Bigla siyang lumingon sakin, napansin niya ata na pinagmamasdan ko siya eh.

"Wag ka ngang tumingin sa pangit kong mukha, baka masuka ka eh." Napaka humble naman neto :3.

"Marunong ka bang mag basketball?" Tanong niya sakin. "Uo, syempre." Sagot ko. "Tara laro tayo." Sumunod ako sa kanya. Basketball player kaya ako saaming school. Ayoko nga lang magpa Varsity kase takot ako baka ma discover ang galing ko HAHAHA.

Kinuha ko yung bola at tumira ako sa may 3 point line, pagtira ko na shoot. "Ang galing!" Manghang mangha na pagkasabi niya. Tumira ulit ako at na shoot na naman. Pumalakpak ng malakas si Myra. Nagtinginan tuloy ang mga tao samin. Tumira si Myra malapit sa may Free Throw line pero hindi umabot ang bola sa ring. Tumawa ako ng malakas na parang wala ng bukas. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ganyan ka naman. Pinagtatawanan mo lang ako." Nag puot siya. Ang cute ^_^. "Hindi uy." Sabi ko. Pinigilan ko nalang ang tawa ko para hindi siya magalit. Hindi naman ako tumawa dahil hindi niya napa abot ang bola sa ring, kundi napaka epic ng face niya nung nag attempt siya mag shoot XD. Bumalik na kami kina Myra baka hinahanap na kami.

Inabot niya yung chessboard. "Marunong ka ba neto kuya?" Tanong niya sakin. "Ewan ko lang." Sagot ko. Di ko alam kung magaling pa ba ako mag chess. Chess player din kase ako sa School namin nung grade 6 palang ako. Naglaro agad kami at wala pang dalawang minuto at natapos ko na agad ang laro. Na 4 moves ko lang kase siya. "Ano ba yan!" Sabi niya. Nag smile nalang ako baka magalit ulit pag pinagtawanan ko.

Humanap agad siya ng ibang laro, kinuha niya yung 2 racket. Nag badminton na naman kami. "Hindi mo na ako matatalo neto kuya kasi Varsity ako neto samin." Tumawa lang siya ng malakas. "Tignan lang natin". Sagot ko.

Siguradong tatalunin na ako neto kasi wala naman akong alam sa larong eto eh.

Habang naglalaro kami, nilakasan ko ang paghampas sa Shuttlecock at natamaan siya sa mukha. Tumawa ako ng malakas. "Babawi ako!" Sabi niya na pinasigaw. HAHAHA. Ginalingan niya ang paglalaro. Nilakasan niya ang paghampas, hinabol ko ang shuttlecock pero hindi ko natqmaan pag hampas ko at natumba ako. Tumawa siya ng malakas na parang wala ng bukas. Natalo niya ako for the first time.

Nagpahinga na kami. Kakapagod kasw maglaro buong araw. "Kuya, salamat." Sabi niya. "Salamat din." Sagot ko. Nginitian ko siya. "Babye na ate, uuwi na ako, next time ulit." Sabi ko. "Sge, next time ulit. Ingat ka ha! I Love You." Sabi niya with smile. "Sge, I Love You Too!".


ABANGAN ANG NEXT UPDATE ;>

Basta Dota Player Sweet LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon