01

9 0 0
                                    

June 5, 2000

Unang araw ng eskwela ngayon. Nakaka tamad bumangon ng maaga pero walang choice dahil ang ingay mag rap ni mama.

"Adalyn! Bumangon ka na! Pasukan na! Naku naman! Bakit kasi hindi ka natulog ng maaga at babad ka sa tv buong gabi! Naabutan pa kitang natutulog na nakabukas ang tv! Diyos ko Adalyn napaka mahal ng kuryente ngayon! Hindi ka talaga nagtitipid o kahit mag isip man lang kung saan kami kukuha ng pambayad sa kuryente! Bangon na Adalyn ano ba! Naku itong batang to!"

Oh diba gandang bungad nga naman.

Bumangon na ako sa kama at nag ayos para maligo at kumain. Ngayon ko lang napagtanto na narito ako ngayon sa kwarto at hindi sa sala! Siguro binuhat ako ng aking tatay papuntang kwarto kaninang madaling araw.

Paglabas ko ng aking kwarto bumungad sakin ang amoy ng aming agahan. Cornsilog!  At nakabukas pa ang tv na news ang palabas.

Pagka tapos kong maligo at magbihis dumiretso ako sa hapag para kumain ng agahan. Nag aayos ng baon ko si mama doon pagka upo ko.

"Oh ito na baon mo señorita." Lapag nya ng lunchbox sa harap ko. Napa ismid ako at kinuha iyon para ilagay sa aking jansport bag bago ako umupo at nagsimulang kumain.

Napatingin ako sa wall clock malapit sa picture naming pamilya. 5:30 pa ng umaga. Bakit wala si papa?

"Ma asan po si papa?"

"Ang tatay mo ay inayang mag exercise ng kanyang mga kumpare kaya maagang umalis." Napatango ako at nagsimulang kumain.

Pandesal at cornsilog ang aking agahan ngayon. Habang kumakain, nagbibilin lang ng mga dapat gawin si mama sa paaralan. Eto si mama naman, parang first time kong mag aral at ang daming bilin sa akin.

"Ma alam ko na po iyan. 4th year highschool na kaya ako. Sabihin mo yan sa kapitbahay nating kinder." Sabi ko para matahimik siya. Haaay ganiyan talaga ang nanay lalo na pag first day ng klase.

"O sya sige na bilisan mo nang kumain dyan ng hindi ka malate sa eskwela." Sabi nya sabay talikod sa akin pero agad din syang napa harap na parang may nakalimutang sabihin. "Nga pala sabay kayong papasok ni Jay ngayon ah." Dagdag nya.

Napabuntong hininga ako at sumagot. "Opo. Dati pa naming ginagawa yan eh."

Dati pa naming gawain yan ni Jay. Sya nga pala aking bestfriend ng kay tagal. Since grade 4. Bagong lipat kasi sila dito galing probinsya. At naging kapitbahay namin sila kaya kami naging malapit sa isa't isa.

Pagkatapos kong kumain agad akong nag toothbrush at nag ayos. Konting pulbo at lipgloss at ayan kamukha ko na si Kate Winslet haha!

Paglabas ko ng kwarto may panget na lalaking nakaupo sa upuan sa sala habang nagbabasa ng dyaryo.

"Ano ba yan para ka namang matanda dyan." Suway ko. Mukha kasi siyang matanda habang seryosong nagbabasa ng dyaryo.

Agad nagtaka ang mukha nya ng makita ako. Nagandahan ata to. "Anong nangyari dyan sa mukha mo?" Tanong nya.

Napatingin ako sa salamin at ok naman mukha ko ah. Kinuntian ko nga lang ng lagay ang pulbo dahil dati nung dinamihan ko mukha daw akong nahulog at nag landing ang mukha sa harina.

"Oh bakit? Ok naman ah." Sabi ko.

"Ah hahahaha ang ibig kong sabihin sa labi mo. Ano yan? Mantika?" Tawa nya pa. Napaka laitero talaga nitong lalaking to.

"Hindi mo ba alam kung ano ang lip gloss?" Masungit kong sabi. Ano ba yan. Parang walang alam tungkol sa mga babae. Sabagay only child naman siya eh at hindi pa nagka girlfriend. Ewan ko rin kung may pinopormahan ba sya o kung may gusto ba syang babae dahil hindi rin naman nya sinanasabi sa akin kahit mapagod na ako kakakulit sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Back 2 2000s Where stories live. Discover now