July 5, 2019
Taas noo akong naglalakad papunta sa mismong venue ng kasal ngunit pagka pasok ko sa venue ng kasal, agad akong yumuko sa sobrang hiya. Sabi ko na nga ba nagsimula na ang program!
"Ada dito!" Tawag sa akin ng kaibigan kong si Louisa sa kanilang table. Agad akong pumunta sa table nila para hindi naman ako center of attraction sa gitna at parang tangang naghahanap ng mauupuan.
"My god Ada you're late!" Sabi ni Louisa pagkarating ko sa table. Itong babaitang to alam ko namang late ako eh. Wala namang points ang maaga ngayon ah.
"Alam ko." Bulong ko sa kanya para hindi maistorbo ang ibang bisita sa table malapit sa amin.
"Ads bakit late ka? Anyare?" Tanong pa ni Krystal.
"Nako wala ako sa mood ikwento kung bakit." Malditang sagot ko sa tanong niya. Muntikan ko nang makalimutan nang dahil sa lalaking iyon kaya ako na late. Humanda siya.
"Oh asan na ang asawa mo? Hindi ba kayo sabay pumunta dito?" Tanong ni Louisa. Nakapa chismosa talaga nitong dalawa. Ansarap pag untugin.
"Nag cr lang saglit." Tipid kong sagot.
Agad kaming napalingon sa pintuan ng bumukas ito at nagsipasukan ang apat na lalaki. Aba pinlano ata nila ang outfit nila ngayon ah! Pareho silang apat na naka white long sleeves, black slacks at tic tac shoes.
"Oh ayan na pala asawa mo yiie!" May pa hampas pa sa akin si Krystal. "Mas kinilig ka pa Krystal ha kesa nito ni Adalyn hahahaha!" Tawa pa ni Louisa.
"Ingay niyo. Mabuti pang makinig nalang kayo ng may alam naman kayo sa nangyayari sa seremonya." Sagot ko.
"Ang sungit!" Ismid ni Louisa at binalik ang tingin sa harap. Ganun din ang ginawa ni Krystal.
Pasimple akong tumingin sa kabilang table kung saan nandoon naka upo ang apat na lalaking pumasok bago lang. Napangiti ako ng kaunti dahil isa doon sa apat na lalaki ang aking kabiyak sa buhay..
Jade Christian Legazpi
Josiah Ark Chua
Joseph Tyler Guevarra
Jay Estevan Lim
--
YOU ARE READING
Back 2 2000s
Ficción históricaThis story will take you back to the new millenium and will witness the life of Adalyn Claire Villena. Inspired by Reply Series.