Kabanata 2

15 4 0
                                    

"Hera, tila malungkot ka, may nangyari ba sa bayan?"

Nang hindi sumagot ang dalaga ay hinaplos ni Cecilia ang ulo nito bago sundan ang tinitingnan nitong ulap na sa wari niya'y may bitbit na namang ulan dahil sa kulay nitong itim.

"Maaari kang magsabi sa akin."

Napabuntong hininga si Hera bago alisin ang tingin sa malayo at ibaling iyon sa matanda. Nakipagtitigan siya rito upang suriin ang katapatan ni Cecilia.

"Tunay kang mabait, nay Cecilia, kinupkop mo ako kahit hindi mo alam kung ako nanggaling. Pinakain mo ako at binigyan ng matutuluyan na hindi nanghihingi ng kapalit—"

"Aalis ka na ba?" Inihakbang ng isang beses ng matanda ang nanginginig na tuhod upang maabot pang mabuti ang bintana, inalalayan naman siya ni Hera sa pag-upo sa silyang naroon.

"Bali-balita pong may nawawalang mga dalaga sa bario, lola. Kasama po si Nita sa mga nawawala at ayon kay Joan, kapag umuulan at kumukulog nang malakas kinabukasan ay may nawawalang mga dalaga."

Malungkot na tumitig si Cecilia kay Hera bago ito magpasyang tumayo upang ipag-impake ang dalaga.

"Halika't tulungan mo ako Hera, mayamaya lang ay uulan na naman. Kailangan mo nang bumaba sa bayan at magtago malayo rito."

Nilapitan ni Hera ang matanda at pinigil ang nanginginig nito braso.

"May alam po ba kayo tungkol sa galit ng langit, lola?"

Mula sa pagmamadali ay unti-unting napatigil si Cecilia sa pag-iimpake, nilingon siya Hera bago maupo upang pagwikaan ang dalaga.

"Oo, sapagkat minsan na akong naging biktima nito."

"I-kuwento ninyo po sa akin, lola, paano po kayo nakaligtas kay Bathala?"

Bahagyang natawa si Cecilia, sa kanyang isip ay ginunita niya ang alaalang naging dahilan kung bakit siya naging matandang dalaga.

Tag-ulan din noon, labing-anim na taong gulang pa lamang si Cecilia, madalas siyang tumambay sa tapat ng bintana katulad ni Hera, nang biglang umulan ng malakas, kumulog at kumidlat ng ilang ulit.

Huli na upang makapagtago ang dalagang si Cecilia, mula sa pintuan lumitaw ang tatlong tila kawal ng hari dahil sa bihis na pandigmang kumikinang sa madilim na gabi, kumatok at umihip ng pluta bilang hudyat na pinadala ni Bathala ang mga taong nasa labas.

"Cecilia!" Tawag ng kaniyang ina matapos siyang sapilitang kunin ng mga ito at idala sa tila paraisong daigdig sa itaas ng ulap.

Doon nakilala niya ang isang lalaking nagngangalang Dumakulem, umibig siya sa Diyos na iyon ngunit nabigo matapos ipakasal ang sinisinta sa ibang dilag sa langit.

"Ngunit bilang regalo ni Hule, hiniling niya kay bathala na ibaba ako sa langit sa huling pagkakataon." Tumingin sa malayo si Cecilia, tumanaw sa malayong bundok, nangungulila.

"Hindi mo ba itatanong kung bakit nangunguha ang langit ng mga dalaga sa lupa?"

Umiling si Hera. Napangiti naman ang matanda.

"Naiintindihan ko, ngayon umalis ka na, Hera. Magtungo ka sa malayong lugar—

Hindi na naituloy ni Cecilia ang winiwika matapos kumulog at kumidlat nang malakas, kasabay nito ang pagbuhos nang malakas na ulan.

Nagkatitigan ang dalawa, hinawakan ni Cecilia ang palad ni Hera bago hubarin ang suot-suot na porselas at madali itong ipasuot sa dalaga.

"Ngunit importante sa iyo ang—

Akitin Si Mister MaginooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon