CHAPTER 14

3.3K 62 3
                                    

CHAPTER 14



Napatingin ako kay Athene sa sinabi nya.


Pagkatapos ay kay Nicholas na abot tenga ang ngisi.


Nawala ang ngiti nya ng inikutan ko sya ng mata.


"Ngingiti ngiti mo dyan? Umalis ka nga sa harap ko naiinis ako sayo." Sabi ko dito at muling inikutan sya ng mata.


"Buntis nga..." Komento ni Athene at mahinang natawa.


"Teka." Sabi ni Athene kaya napatingin ako sa likod nito at may kinuha sa bag.


"Oh ayan. Subukan mo." Sabi ni Athene sabay abot ng pregnancy test.


Agad ko itong kinuha at pinaalis sila at nilock ang pinto.


Napasigaw ako sa tuwa dahil dalawang pulang linya ang nakalagay!


"Oh my god!" Sigaw ko.


"Anong nangyayari Athena?" Tanong ni Nicholas sa labas.


Mabilis kong binuksan ang pintuan.


"Buntis ako!" Maligayang anunsyo ko.


Napanganga si Nicholas perpero nang makabawi ay yayakap na ana sya sa akin pero nilampasan kk sya at si Athene ang niyakap ko.


Tiningnan ko si Nicholas na nakanguso. Tinaasan ko sya ng kilay.


"Alam mo, naiinis ako sa mukha mo. Takpan mo nga yan." Sabi ko at naglakad na papunta sa kusina para maghanap ng mangga.


Bigla kasi akong nagutom.


"Bakit walang mangga rito?!" Sigaw ko.


Agad pumasok si Nicholas.


"Wala tayong ganyan mahal..." Sabi nya.


"Oh anong ginagawa mo rito? Maghanap ka. Dalawa lang bilhin mo tsaka bagoong." Sabi ko rito."Yes commander!" Sabi nito at nagsalute.


Napaikot ulit ako sa mata.


"Uuwi na kami Athena. Ingatan mo baby mo ha. Wag kang mastress." Sabi ni Athene kaya napangiti ako.


Niyakap nya ako at sininghot ang leeg nya. Ang bango!


"Bango bango..." Sabi ko.


Bumitaw sya at may hinanap sa ba nya.


"Oh iyan pabango ko sa'yo nalang." Sabi nya kaya agad ko itong kinuha at inispray sa damit ko."Bango bango..." Sabi ko ulit.


"Oh sya aalis na kami." Sabi nya at tumango na ako.


Ilang minuto pa ay dumating na si Nicholas.


"Ang tagal mo!" Sabi ko dito at binatukan sya.


"Bakit sampo binili mo?!" Tanong ko rito at pinanlakihan ko sya ng mata.


"Para extra mahal..." Sabi nya.


"Ayaw ko nyan. Di yan masarap. Bilhan mo ulit ako dalawa." Reklamo ko.


"E mahal, magkasing lasa rin naman yan ah." Sabi nito.


Napaiyak ako.


"Bakit ka umiiyak?" Tanong nito.


"Di mo na ako mahal?" Tanong ko.


"Mahal na mahal." Agad akong napangiti.


"Bilhan mo ako ng dalawang mangga bilisan mo bago kita mapatay!" Sigaw ko at mabilis naman syang nanakbo palabas.


-To be continued

TWS#5: The Switch Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now