CHAPTER 21

2.8K 52 1
                                    


CHAPTER 21




"Sundan mo ako let's talk." Nabigla ako sa pagsalita nito.

Napatingin ako kay Morraine na ngayo'y nakangiti. Nagthumbs up pa ito sa akin.

"Dito ka lang ha." Sabi ko sa anak mabilis naman itong tumango.

Agad kong sinundan si Nicholas na pumasok sa library.

"A-anong pag-uusapan natin?"

Umupo ito sa lamesa at tumingin sa akin at ngumisi.

Kinabahan ako sa paraan ng pagngisi nito.

"About what you said last night..." Sabi nya kaya medyo kinabahan ako.

"You'll do whatever I want?" Tanong nya kaya mabilis akong tumango.

"So what if...hindi na talaga kita mapapatawad?" Tanong nito.

"Susubukan ko Nicholas. Bigyan mo lang ako ng isang linggo. Isang linggo." Sabi ko dito.

Bakit ko ba nasabi ang isang linggo? Pwede namang ilang taon!

"Isang linggo? Kaya mo?" Napangisi naman ito.

Hindi ako tumango, gusto kong ulitin ang sinabi ko pero natameme lang ako.

"Answer me!" Nagulat ako sa pagsigaw nito.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa nandidilim nyang mga mata.

"...susubukan ko." Mahinang sabi ko pero sapat na iyon para marinig nya.

"Okay. One week. Kung gusto mong patawarin kita, magpatatag ka..." Sabi nito at tumango ako.

"...because I'll make your life miserable." Sabi nito at malamig na ngumisi.




-
To be continued

TWS#5: The Switch Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now