CHAPTER 15

3.2K 57 1
                                    

CHAPTER 15



Alas 3 na ng umaga ng maramdaman kong gusto kong kumain ng mangga yong bagong pitas!


"Nicholas!" Agad syang napabangon sa sigaw ko.


"Ano yun mahal?" Tanong ni Nicholas sa akin.


"Hanapan mo ako ng mangga. Gusto ko bagong pitas. Dalawa ha dalawa!" Mabilis syang lumabas ng kwarto namin.


Tatlompong minuto bago sya nakabalik.


"Ang tagal mo naman!" Reklamo ko.


"Balatan mo." Sabi ko.


Agad naman nya itong binalatan at binigay sa akin.


Agad akong napangiwi.


"Niloloko mo ba ako Nicholas?" Nanlaki ang mata nya.


"A-anong problema mahal?" Kinakabahang tanong nito.


"Hindi 'to bagong pitas e!" Iba kasi lasa!


"Sorry mahal, wala akong m-mahanap." Napangiwi sya sa naging reaksyon.


"Maghanap ka kung ayaw mong balatan kita!" Sigaw ko kaya nanakbo ulit sya sa labas.Isang oras na bago ito bumalik. Ni hindi man lang ako inantok dahil sa kagustuhan kong 

kumain.

Mabilis nya itong binalatan at binigay sa akin.


"Ang sarap..." Komento ko.


Tinikman nya ang dala nya kanina tapos yung dala nya ngayon.


Napakamot nalang sya sa ulo.


"Pareho lang naman lasa ah..." Agad ko syang sinamaan ng tingin.


"Ay oo masarap 'to." Agad kong tinampal ang kamay nya ng kukuha na sana sya sa mangga ko."Yan kainin mo." Turo ko sa isa.


Ngumiti lamang sya.


Nang matapos akong kumain ay humiga na ulit.


"Mahal..." Tawag nito sa akin pero di ko sya pinansin.


"Anong gusto mong ipangalan sa anak natin?" Tanong nito.


Agad akong napaisip.


"Lorraine... tsaka Morraine." Sabi ko at napangiti.


"Isa lang mahal." Sabi nito



Agad ko syang kinaltukan sa ulo.


"Kambal 'to wag kang epal." Napanguso nalang sya.


"Mahal na mahal kita." Sabi ni Nicholas at niyakap ako.



-To be continued

TWS#5: The Switch Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now