Messenger
Xena
5:09 am
Melissa:
Hindi ako makakapasok ngayon nandito pa si Kade hindi pa gising. Kakausapin ko siya mamaya. Pinapunta ko kanina si Isko para sunduin si Kade pero hindi pumayag ang lasing!
Xena:
Okay... where's Isko now?
Melissa:
Pinauwi ko na
Xena:
Anong sabi ng mama at papa mo?
Melissa:
Wala, ayos lang sakanila. Hindi ko naman inaasahan na pupunta siya dito
Xena:
Sa tingin mo bakit siya pumunta diyan?
Melissa:
Malay ko. Mamaya kakausapin ko. Maligalig kanina e
Xena:
Saan mo siya pinahiga?
Melissa:
Sa kwarto ko
Xena:
Oh?
Melissa:
Hindi siya kasya sa sofa sa laki ba naman ng katawan niya!
Xena:
'Wag defensive masyado ha
Melissa:
Baka kasi kaberdehan ang dumadaloy diyan sa isip mo!
Xena:
Weehhh? Saan ka natulog aber?
Melissa:
Hindi pa ako natutulog!
Xena:
Sabagay maghapon ka namang tulog kahapon. Diyan ka na nga iiglip lang ako kulang tulog ko!
Melissa:
Puyat pa more haha
Xena:
Tseh!
Seen 5:19 am
