Messenger
Kade
6:09 am
Kade:
Kasabay niyo mamaya kumain si Imogen?
Seen 6:10 am
Kade:
Hoy
Sent 6:12 am
Melissa:
Alam mo? Ang panget na ng umaga ko dahil sa'yo!
Kade:
Ang layo ng sagot mo sa tanong ko
Melissa:
Bwiset! Malay ko
Kade:
Maaga pa para ma-hight blood ka. Kalma lang
Melissa:
High blood dahil sa'yo!
Kade:
Kapag nakita mo ako sa school mamaya hindi ka na high blood ^_*
Melissa:
Maaga pa para humarot
Kade:
Ouch! I'm hurt. Hindi naman ako maharot
Melissa:
Okay.
Kade:
Walang tiwala?
Melissa:
Malay ko sa'yo! Bahala ka na diyan papasok na ako!
Kade:
Nuks bakit nagpapaalam?
Melissa:
Kawawa ka naman diyan maghintay ng reply ko sa walang kwentang chat mo!
Kade:
Ang sakit mo magsalita a
Seen 6:16 am
