Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Ay, potek.
Dali-dali akong nagbihis. Paktay tayo kay mother dear nyan.
"Mom? I'm on my way." Bungad ko ng sagutin ni mommy ang tawag.
"Okay, sweetie. Have fun! Take care! Ako na bahala sa daddy mo." Binulong n'ya 'yung huling linya.
Napatawa ako. Inayos ko ang suot ko bago lumabas ng kotse.
Happy Cafè
Tss. Hindi naman happy 'yung boss nila. Napailing ako.
Pagkapasok ko ay naamoy ko na ang mga tinapay at kape. Namit!
"Gosh!"
Napaiwas kaagad ako. Ano ba 'yan!
Basa na ang pantalon ko. Tiningnan ko ng masama ang babae. Inirapan n'ya lang ako bago inutusan ang mga empleyado n'ya na linisin ang natapon na kape.
"Hoy, miss. Pang-ilang beses mo na akong natatapunan ng kape, ah? Porket lang may-ari ka nitong coffe shop na 'to, hindi ka man lang nagso-sorry!" Inis na sabi ko.
"Why should I?! Huh?! Kasalanan mo rin naman, eh." Umirap s'ya ulit bago umalis.
Huminga ako ng malalim. Kaaga-aga, mainit ang ulo ng babaeng 'yun! Nahahawa tuloy ako.
"Sorry for being late." Umupo ako sa harap ng babae.
Ano ngang pangalan nito? Jenna? Jen? Janna? Jina?
Nakalimutan ko nanaman. Tch.
Parati akong sine-set up ni mom sa blind date. Pumapayag ako para matakasan ang trabaho ko sa kompanya.
Spoiled na kung spoiled, ayaw ko namang magtrabaho sa kompanya.
"It's okay, Allen." Sagot nung babae.
"Ahem! Bayaran mo 'yung kape na natapon." Binigyan ako ng plastik na ngiti nung may-ari.
"Ba't ako?!" Inis na tanong ko.
"Kasi sabi ko." Tinaasan nya ako ng kilay.
Napamasahe ako sa sintido ko. Nilabas ko ang wallet ko para matapos na ito.
"Oh. Sana ngayon na ang huli nating pagkikita. Tutal, lilipat na ako ng condo." Padabog kong nilapag ang bayad ko.
"Talaga!" Masungit na sabi nito at umalis.
"Sorry about that." I smiled at the girl.
"Okay lang. I already ordered." Sabi n'ya ng tumayo ulit ako.
"Oh, okay." Tumingin ako kung saan saan, avoiding her eyes.
Nagulat ako ng iaabot n'ya ang isang panyo. Tinuro n'ya 'yung pants ko kaya napatingin ako doon.
Shit, halatang basa.
Ngumiti ako ng alanganin bago kinuha ang panyo n'ya. Nakakahiya amp. Magbabayad talaga 'yung masungit na 'yun!
"It was nice to meet you, Allen." Ngumiti si Jhana ng onti at umalis na.
Napabuntong hininga ako. Tinawagan ko si Kate at sinabing male-late ako. Bumalik ako sa condo ko at nagpalit ng damit. Amoy kape na rin kasi ang polo ko.
Pagkapasok ko sa opisina ay dumiretso ako sa opisina ni kuya. S'ya ang co-CEO ng kumpanya.
"Good morning, sir. Here is the list of the...."
Nagusap lang kami at umalis na rin ako pagkatapos. Nagpahinga ako ng saglit sa opisina ko. Masyadong stressful ang araw na 'to para sa'kin.
"Sir, Ma'am Santos wants to speak with you." Tawag sa'kin ng sekretarya ko.
"Oh, okay. Let her in." Umayos ako ng upo.
Pumasok si mom at ngumiti sa'kin. May dala syang snacks. Galing atang ibang bansa. Mukhang mamahalin pa ang mga ito.
"Hi, son. Jhana's mom wanted to give you this!" Excited na umupo si mom sa harapan ko.
"Ma--"
"Alam mo ba? Galing pa itong Sweden! Kaya kainin mo 'to, ah? Dapat ubos LAHAT! At saka nga pala-- asa'n na nga 'yon?"
Hinakungkat ni mom ang bag n'ya para hanapin kung ano man 'yung ipapakita n'ya.
"Ma--"
"Here! I want you to wear this, it symbolizes that you are already taken. Para naman wala na sayong ibang babaeng--"
"Ma!"
Gulat na tumingin si mom sa'kin.
"As I was saying, gusto kong ibigay mo rin 'yung pair nito may Jhana..."Hindi na ako nakinig pa sa ibang sinasabi ni mom. Mas lalo lang akong naiistress. Buti nalang at may paparty nanaman si Athena this weekend.
"ALLEN VANCE! ARE YOU LISTENING?!"
Napaupo ako ng maayos at umubo, "Y-yes, po."
Napairap si mom at nagpatuloy sa pagsasalita. I really hate this day.
Naisipan kong bisitahin si Val sa trabaho n'ya. Siguro naman ay free time na n'ya ngayon. Nagdrive ako papunta sa restaurant na pinagta-trabahuhan n'ya.
Nakita ko si Val na mukhang magbe-break palang. May dala syang food tray. Ngayon palang ata s'ya magla-lunch.
"Oy!" Sigaw ko sa tenga n'ya.
"Butiki!" Tili n'ya.
Inis syang humarap sa'kin. Tumawa ako at ginulo gulo ang buhok n'ya bago umupo sa harap n'ya.
"Mahaba na pala ang buhok mo?" Tanong ko.
Lagpas na 'yon sa balikat n'ya. Tumango s'ya at nagpatuloy sa pagkakain. Ilang beses ko na syang pinipilit na magtrabaho sa restaurant namin o kaya ay restaurant ng mga kamag-anak namin pero ayaw n'ya raw ng special treatment.
"Oh no." Bulong n'ya sa sarili n'ya.
Tiningnan ko kung saan s'ya nakatingin. Nakatingin s'ya doon sa lalaking pumasok, nakashades at nakablue na jacket. Meyemen s'ya, pre.
Halos lahat ng kababaihan ay nakatingin sa lalaking iyon. Medyo matangkad s'ya at maputi. Parang familiar s'ya.
"Wag mong titigan!" Pinalo ni Vala ng ulo ko.
"Aray ko, ah?!" Bulong ko.
Hindi ko nga alam kung bakit kami nagbubulungan. Maya maya pa ay lumabas na ang lalaki. Nakapulang sports car pa! Wala akong masyadong alam sa kotse. Hindi rin naman ako interesado sa lalaking 'yon.
"Crush mo?" Pangaasar ko sa kapatid ko.
"Hindi, ah!" Umiling s'ya agad.
Maniwala! Ang dali dali nyang basahin. Siguro ay dahil kilalang kilala ko s'ya.
"Pupunta ka ba sa party ni Athena sa Sabado?" Tanong ko.
"Party nanaman?" Umiling si Val.
"Sige na!" Pagpupumilit ko.
"Fine! Basta ikaw ang maghahatid sa'kin, ah? Sira ang kotse ko, eh." Inis na sabi n'ya.
"Bumili ka nalang ng bago."
"No way!" Tiningnan n'ya ako na parang nasisiraan na ako ng bait.
Hindi ko nga alam kung bakit napakaimportante ng kotse na 'yon. Wala ring nakakaalam kung kanino galing 'yon except for Val, syempre. Nagulat nalang ako na marunong na syang magdrive AT MAY KOTSE NA!
"May meeting pa pala ako." Dali dali akong tumayo at nagpaalam sa kanya.
Mabili kong narating ang building namin dahil malapit lang naman iyon. Dire-diretso ako sa room na pinagmi-meetingan nila.
"Sorry, I'm late." Umupo ako sa upuan ko.
Pinagpatuloy na nila ang nagpe-present.
Buti nalang at wala doon si mom o si kuya, sermon ang abot ko nyan.
♡♡♡
YOU ARE READING
Not My Type (Dream Team Series#2)
RomanceAllen bumps into a cafe owner while he was on his way to a date that was set up by his mom. Little did he know, that girl would change his life. Welcome to the Book 2, peeps!♡ Have fun!