"Preggy, kumain ka na. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom!" Hinila ako papatayo ni Paula.
Bumuntong hininga ako at tsaka kusang tumayo. Wala akong ganang kumain.
"Kumain ka for the sake of your baby! Onti lang raw ang kinain mo kahapon, according to manang," Ngumuso si Czarina.
Tss.
Dumating dito ang mga kasambahay na pinadala nila mom kahapon. Sila Czarina at Paula naman ay tumuloy sa isang hotel. 'Yun kasing tinutulugan nila ay 'yung kwarto ng mga kasambahay, hindi pa tapos ang guest rooms, eh.
Habang kumakain ay pinapanood ako ni Czarina. Si Paula naman ay bumalik sa hotel nila dahil may nakalimutan daw s'ya.
"Okay na po?" Pinakita ko kay Czarina ang plato ko.
"Drink milk," Kinuha n'ya ang plato at mga utensils ko at tsaka inabot sa'kin ang gatas.
Inirapan ko s'ya at tinungga ang laman ng baso. Ng matapos ako ay pinabayaan na n'ya ako. Phew!
Para akong bata.
Nanonood kami ngayon ni Czarina sa tv kung papaano magalaga ng bata. Busy sa pag-jot down ng notes si Czarina, para daw hindi ko makalimutan ang gagawin ko.
The thought of giving birth kind of scares me. Pero, titiisin ko lahat ng sakit at paghihirap para sa anak ko.
"A-ah.."
Napahawak ako sa tyan ko. Kumikirot ito.
"A-are you okay?! Oh my gosh!! Kailangan na ba natin pumunta sa ospital?!!" Nagpa-panic na lumapit sa'kin si Czarina.
"O-okay lang ako.. g-gutom lang 'to.." I smiled at her.
"S-sure ka? Uminom ka nalang kaya ulit ng milk?"
Dali-daling tumayo si Czarina at tinimplahan ako ng gatas.
Tsk. Hindi ko pa pala nakukuha ang resulta ng ultrasound ko. I.. need to go back to Manila for that.
"S-sariah!!"
Pareho kaming napatingin ni Rina kay Paula. Hingal na hingal ito at nanlaki ang mga mata ko ng makitang dala dala na n'ya ang mga maleta nila ni Czarina.
"Oh? Bakit dala dala mo ang mga 'yan?" Takang tanong ni Czarina at inabot ang gatas ko.
"W-we need to leave now.. I-I saw.. A-Allen.. sa hotel..." Hinihingal na sabi nito.
Tumayo ako at dumiretso sa kwarto ko. He.. he knows.. how?
Umiling ako. Ang kailangan ko ay ang umalis na dito. Hindi n'ya ako pwedeng makita.
He already has a family.. why is he here?
Pumasok si Czarina sa kwarto ko at tinulungan na akong mag-impake. Pagkatapos noon ay napagaalam ako sa mga kasambahay namin.
I'll be staying at Czarina's condo for a while. Hindi ako pwede sa bahay ni Paula dahil puno ng paparazzi doon.
Buti nalang at may nasakyan kaming bangka. Paula got us plane tickets agad because of her so-called 'connections'. Perks of being a socialite, I guess.
"Okay ka lang? Masakit pa ba ang tyan mo?" Tanong ni Czarina once we boarded the plane.
"Hindi na. Don't worry, gutom lang talaga ako kanina," I smiled at her.
Ngumiti din s'ya pabalik at saka bumaling kay Paula.
I held my tummy, masakit pa rin. Hayy.
After arriving at Manila, dumiretso kami sa condo ni Czarina, dapat ay sa bahay ako uuwi kaso ay mas malapit ang place ni Czarina.
I'll pay a visit next week.
I woke up because my tummy hurts like hell. Pumunta ako sa cr and..
"M-may d-dugo..."
"Czarina... C-Czarina....!!"
Agad na pumunta sa cr ang dalawa. Tumawag naman si Paula sa ospital. Everything was a mess.
All I remember was the feeling of pain. Fear.
I slowly opened my eyes and saw the white ceiling of the hospital. I feel.. numb.
"Sariah.."
Shock and fear took over my body. "A-allen."
He smiled at me and sat on the chair beside my bed. I don't know what to say or do.
"Kamusta? A-ang tagal din nating h-hindi nagkita, ah.." Ngumiti s'ya sa'kin.
I could see pain in his eyes. Umiwas ako ng tingin, "Why are you here? You should be with your f-family.."
"Huh?" Naguguluhang tanong nito.
My brows furrowed. Sa tingin n'ya ba ay hindi ko alam?
"A-alam kong may p-pamilya ka na. You have a c-child.. with another woman," Iniwas ko ang tingin ko.
"Ano? Wala akong anak.. sa ibang babae, sayo lang. Ikaw lang ang babaeng minahal ko."
My lips parted in shock. I-I was wrong?
"Kaya ba i-iniwan mo ako? Kaya ba h-hiniwalayan mo ako? Hindi mo ba ako pinagkatiwalaan?"
His words made me cry. Ang tanga ko.. ang tanga tanga ko..
"I-I.. I'm s-sorry.. I thought.. Naunahan ako ng mga emosyon ko.." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Nagulat ako ng maramdaman ko ang init ng yakap n'ya. I cried even harder.
"I'm sorry, Allen.. I'm really sorry! I should've trusted you.." Hikbi ko.
I blame myself for everything. Kasalanan ko.
He wiped my tears away. I pulled him into another hug. Ayoko na s'yang pakawalan pa. I need him. I love him.
Biglang may pumasok kaya humiwalay muna kami ni Allen sa isa't-isa.
"May I speak with Mr. Santos for a minute?" Paalam ng doktor.
"Y-yes." Tumango ako.
I followed them with my eyes. My heart felt lighter, but something still feels wrong.
Pumasok ang mga kaibigan ko. My face instantly brightened.
"Oy, si ex nasa labas. Alam na n'ya 'yung tungkol sa bata?" Tanong ni Paula.
Tumango ako. Czarina is silent. Tiningnan ko s'ya at ngumiti s'ya sa'kin ng pilit.
"Why are you like that? Did something happen?" Tanong ko.
"Uh.. Nakita ko kasi 'yung result ng u-ultrasound mo.."
Tumango ako para ituloy n'ya ang sasabihin n'ya.
"Sariah, your baby is---"
Naputol ang sinasabi ni Czarina ng biglang pumasok si Allen.
The air suddenly got tensed. Malungkot ang mukha ni Allen. Gano'n din ang kina Paula at Czarina.
Kumunot ang noo ko. What happened ba kasi?
"P-pwede bang.. mag-usap kami ni Sariah.. ng k-kaming dalawa lang?" Tanong ni Allen sa dalawa.
Tumango naman ang mga ito kaya lumabas sila agad. Naiwan kaming dalawa ni Allen sa loob.
"Allen, anong nangyari? Why do you look sad?" Nagaalalang tanong ko.
"Sariah.."
Hinawakan n'ya ang mga kamay ko. My chest suddenly tightened. Namuo kaagad ang mga luha sa mga mata ko.
"W-wala na ang a-anak natin..."
♡♡♡
YOU ARE READING
Not My Type (Dream Team Series#2)
RomanceAllen bumps into a cafe owner while he was on his way to a date that was set up by his mom. Little did he know, that girl would change his life. Welcome to the Book 2, peeps!♡ Have fun!