=19=

2 0 0
                                    

Medyo stressful ang mga nakalipas na araw. Na-admit sa hospital ang tatay ni Tom. Iyak ng iyak si Athena dahil alam n'ya kung gaano kasakit ito para kay Tom.

Hindi ganoon ka-expressive si Tom, tanging si Athena lang ang nakakabasa sa kanya.

"How are you?" Niyakap ako ni Sariah.

Magmo-move out na ako sa condo ko dahil may nahanap na akong isa pang condo na mas malapit sa kompanya.

Hindi ko na masyadong makikita si Sariah. Dito muna ako sa condo n'ya habang inaayos pa ang mga gamit ko.

Nag-hire si mom ng mga tao na tutulong sa'kin. Bibisitahin ko next week ang condo ko.

"I'm fine, thank you," Sagot ko na para bang pre-schooler ako.

I leaned in to kiss her. Agad n'yang tinulak papalayo ang ulo ko.

Magdadalawang linggo palang simula ng maging kami. Wala na ang bet namin ni mom dahil nakita n'yang seryoso ako kay Sariah.

"Ba't ba ayaw mo magpahalik?" Nag-pout ako.

"Hintayin mo muna na mag-one month tayo," Sabi n'ya.

"Nangaasar ka ba?" Humiga ako sa sofa, nakakapagod ang araw na ito.

"Siguro?" Tumayo na s'ya at pumunta sa kusina.

At dahil makulit ako, sinundan ko s'ya sa kusina. Pinanood ko s'yang maghiwa ng mga kasangkapan.

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan n'ya ng bigla ko s'yang yakapin mula sa likod.

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha n'ya, paglingon n'ya ay muntik nang maglapat ang labi n'ya sa labi ko.

"Hep, hep," Nilagay n'ya ang pointer finger n'ya sa labi ko tsaka humarap sa'kin.

"Sinigang ang dinner, hindi ako."
Kumawala s'ya sa yakap ko at napatuloy sa pagluluto. Padabog akong humiga ulit sa sofa.

Pinikit ko ang mga mata ko upang umidlip. Maya maya pa ay naamoy ko na ang sinigang na niluto ni Sariah.

Agad akong bumangon at pumunta sa kusina. Hinugasan ko ang mga kamay ko bago kumain.

"Diba nagkasakit ang father ng friend mo?" Tanong ni Sariah.

"Oo," Tumango ako.

"We should visit him."

Nagulat ako sa sinabi ni Sariah. Bakit n'ya naman gustong bisitahin ang tatay ni Tom? Kung alam lang n'ya ang mga ginawa ng taong iyon...

"Bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"Because.. nasasaktan ako kapag may nakikita akong pamilya na nahihirapan. They need support during these times. Hindi ko man sila kakilala, atleast they know na someone is behind their backs. Plus, I'm your girlfriend. Your problems are also my problems now."

Napangiti ako sa huli n'yang linya. I'm your girlfriend. Your problems are also my problems.

"Sweet mo naman, sweetie nalang kaya ang tawag ko sayo?" Mapang-asar akong ngumisi.

"Eww. I prefer 'sunget', 'sweetie' is too.. cringy!" Mataray na sabi nito.

"Akala ko si Lia ang kausap ko ng panandalian," Tumawa ako.

"Oh, speaking of her, may boyfriend na ba s'ya? I saw her with a guy kahapon," Curious na tanong ni Sariah.

"Baka ka-fling lang. Broken 'yun kaya nakikipaglandian lang s'ya para hindi n'ya maisip si..."

Umiling ako at hindi na itinuloy pa ang kwento ko. Nagpumilit si Sariah pero tumanggi akong magkwento. Wala ako sa posisyon para i-share iyon.

"Hindi naman tayo maghihiwalay, diba?" Nagaalalang tanong ni Sariah.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now