CHAPTER 1

2.3K 64 0
                                    

Nuxx's POV:

"Tol! Nabalitaan mo ba na may bagong transferee tayo?"

"Ngayon ko lang rin nabalitaan na chismoso ka na ngayon?"

"Grabe ka, sana bumagsak ka ngayon," pabulong niya ang huling sinabi.

"Hoy, narinig ko 'yun," natawa nalang ako saka nagpatuloy na kaming maglakad. Hindi maiiwasan ang mga tilian ng mga girls at gays dahil guwapo raw ako, alam mo 'yan.

"Ah, hi, miss," sabi ko sa babaeng matangkad, maputi, at makinis ang balat—in short, maganda. Nang mapatingin ako sa mata niya... eyeglass? Anong kabalastugan ito? May bagong campus nerd na yata ngayon, hahaha.

Pero nabigo ako dahil tinignan lang niya ako mula ulo hanggang paa bago nagpatuloy sa paglalakad. Ngayon ko lang din napansin ang isa pang babaeng kasama niya, pero wala siyang eyeglass at ngumiti pa!

"Hoy dre, nakita mo ba 'yun?!" Inis kong tanong kay Chandlex. First time ko 'yun ah! Ang daming babae na gusto akong mapansin tapos siya, idadaan lang ako sa head to foot?! Silly!

"Ang alin? Ang ganda nung babae dree!" Sigaw niya sa akin habang nakatingin sa babaeng kasama nung nerd!

"Psh!" Ngayon ko lang naagaw ang paningin niya saka tinawanan pa ako ng loko!

"Tara na sa room baka malate tayo," binalewala nalang namin ang nagtitilian na girls at gays saka pumasok na ng classroom. Aba! Minamalas naman ata ako ngayon?! Classmate ko pa naman 'yan!

"Shit dre, nakakawalang gana ata mag-aral ngayon," sabi ko saka nakasimangot na umupo sa dulo na katabi ng bintana. Nasa gitna naman silang magkaibigan, I think.

"Good morning class, please quiet," sabi ng professor namin at agad kaming nagsiayos ng upo.

"I think kilala niyo na ang isa't isa at halos magkakaibigan na kayo dito pero may bago kayong classmate, can you introduce yourself transferees?" Tanong niya sa nerdy at magandang kaibigan niya, kaya tumayo sila.

"I'm Galaxynia Stareine," sabi lang nung nerdy saka umupo.

"U-uh, that's all?"

"Yes," sabi lang niya kaya napakamot nalang ako ng ulo si Sir.

"Laevenus Zelle Graciella," sabi niya saka ngumiti sa paligid namin. Buti pa ito, mabait eh. Parang baliktad ata sila nung nerdy eh, dapat siya 'tong mabait, siya ang nerdy.

"Okay, at dahil magkakakilala na kayo, that's not your permanent seats." HUWATTT???

"NOOOO," sigaw nila pero nakakunot lang ang noo ko.

"You're inside my room so follow my rules," natahimik lang ang lahat dahil wala na silang magagawa dahil ibang professor ang kaharap nila.

"Garcia-Miciano," sabi niya sa dalawa, so it means babae lalaki, ganun?! Fuck.

"Ruez-Quintos," sunod-sunod na ang tawag niya hanggang sa anim nalang kaming natitira! Shet, no way, hindi pwedeng si nerdy ang makakatabi ko! It can't beee!

"Ramirez-Vallere," potaaa, apat nalang kami!

"Aquino-Gaciella," fuck! fuck!

"At last, Gonzalle-Del Friego," sabi niya. Potaaa, parang gusto ko nang sumigaw sa inis! Gaano ba ako kasama para sa ganitong kamalasan?!

"S-sir baka--" shet.

"That's permanent, no buts," tanginabet. Umupo nalang kami.

"Actually, ang mga katabi niyo ay madalas niyong makakapartner at yung apat na magkakatabi ay pwedeng magkakagrupo sa ibang subjects," buti nalang at hindi natanggal 'yun. Baka hindi magtagal ang pakikisama ko dito kung makatingin akala mo pinapatay na ko.

"Anong tinititig mo?" Abah, ang taray mo!

"Hoy, nerdy, hindi ako natatitig!" tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Tss, denial pala 'to," pabulong niya pero narinig ko 'yun!

Nagmamatigas ka ah? Humanda ka mamaya.

Voting and comments are highly recommended!

LOVE WITHOUT EQUIVALENT(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon