Chapter 2

7 0 0
                                    

" Ate gising na daw sabi ni mama" sigaw ni Christagn

" Ang aga aga palang !!! Sagot ko

"Anong maaga mag 7:00 na kaya" sabi naman ni Christagn

Pagkarinig ko sa sinabi ni Christagn agad agad akong bumangon inayos ko ang higaan ko at bumaba na.

Nadatnan ko si mama na nagluluto ng makakain namin.

"Buti gising kana nak" sabi ni mama

"Oo ma, kailangan kasi naming maaga ngayon baka kasi maubusan kami ng form" I said

"Sigeh kumain kana anak sunod nalang kmi"sabi ni mama

"Sigeh ma".

Pagkatapos kong kumain deretso agad ako sa cr para maligo. After 1234567 years I'm done;). Agad akong pumunta sa taas at nagbihis.

"Ma alis nako"

"May pera ka ba anak? Kong wala kunin mo to 2k baka may bayaraan ka don!"

Agad kong kinuha yong 2k at umalis.

Pagkalabas ko bumungad sakin ang pinakagwapo kong kaibigan , di joke lang.

"Bessy bat antagal mo kanina pako naghihintay dito" sabi ni Adrian

"Bat dika nalang pumasok total close naman kayo ni mama".sabi ko

"Joke lang naman kararating ko lang ahhahahaha;)"sabi ni Adrian


Hinila niya ako tapos umalis na kming dalawa. Pinara ni Adrian yong bus ,oo mag cocommute kami kailangan namin magtipid hahaha ,di joke bawal talaga ang magmaneho pag underage kapa.

Pumasok kami sa bus ,pagminamalas malas nga naman oh standing pa sh*t.
Habang nakatayo kami biglang nag preno kaya ayon muntik na akong nasubsub sa pwet ng nasa harap ko, buti nalang na balanse ko yong katawan ko, hay buhay!!!!

After 30 minutes nakarating din kami sa wakas. Naglakad kami papuntang plaza kasi nadon na daw si Angela.

Sa Plaza

Angelllllaaaaaaa!!! Sigaw ko


"Buti naman nandito na kayo :( kanina pa ako dito bat antagal niyo?" Sabi no Angela

" Traffic kasi kaya ayon late na kmi nakarating tapos standing pa !!ang malas nga namin ! " Sabi ni Adrian

" Baka kasi may balat ka sa pwet kaya minalas tayo Adrian?" Sabat ko

" Fyi wala akong balat sa pwet!! Baka ikaw meron kaya muntik kang nasubsub sa pwet ng babae kanina?!!"sabi naman no Adrian

"Tama nayan baka maubusan tayo ng form"sabi ni Angela.

Kaya Pumunta nalang kmi agad agad sa ASHTON UNIVERSITY. Naglakad kami mga teh ang layo kaya. Plaza to AU:( kapagod!!!

Sa wakas naka apak narin ako sa paaralang ito:) matagal ko na kasing balak mag aral dito kaya lang malayo kaya ngayon lang ako pinayagan mag aral dito. Pumasok na kami at kumuha ng form na fifill upan namin.

Hi ma'am and sir good morning! Bati samin ni kuyang guard.

Good morning din po wika namin.

Agad naming binasa at finill upan ang form.

" Mac anong strand kukunin mo?" Tanong ni Angela

" ABM ! Kayo ba? "Sagot ko

" ABM din sakin" sagot naman ni Adrian

"Ako din ABM narin no choice kasi ABM namam kayo kaya ABM narin akin." Sabi naman ni Angela.

Pagkatapos naming masagot lahat umuwi na kami at nag pahinga.

*******************************************
Sa Bahay

Pagkapasok ko palang sa pinto bumungad na agad ang masayang nagkwe- kwentuhang pamilya ko. Natahimik sila nong nakita nilang dumating na ako.

"Anak nandyan ka na pala! Tara dito kwentuhan mo kami" - sabi ni papa

"Sigeh pa magbibihis muna ako"- Sagot ko

Umakyat na ako para magbihis. T-shirt na white at short na black ang sinuot ko kasi sa bahay lang naman ako.

"Anak kamusta ang enrollment?"- tanong ni mama

"Okay naman ma! buti maaga kami kasi kung hindi naubusan na sana kami ng enrollment form" sagot ko kay mama

"Buti pla ate ginising kita kanina hahaha kung hindi baka sa Helston Highschool ka ulit mag aaral"- sabi naman ni Christagn


Adi thank you sabi ko naman sa kapatid ko!ambilis ng oras 6:30 na pala

Kain na sigaw ni mama kaya bumaba na ako. Pababa palang ako amoy ko na agad ung ulam , nagutom ako bigla kaya tumakbo nako papuntang kusina.

"Ma ang sarap ng ulam"- sabi ko

Syempre anak si mama nag luto alangan naman na hindi masarap sabi ni mama.

Pagkatapos kong kumain naghugas at nag brush muna ako bago umakyat. Magbabasa kasi ako ng wattpad need ko ng tapusin lahat ng nasa library ko kasi diba malapit ng pasukan kaya enjoyen ko nalang .

Btw. ang mga binabasa ko ngayon ay magical stories gaya ng polaris . Polaris kasi yong story na nagustuhan ko sunod ang Altheria: School of Alchemy.

12:35 sa wakas natapos ko na isang story.
Natulog nako kasi masyado ng late.


*******************************************

Please READ, COMMENT AND VOTE. THANK YOU AND PLEASE SUPPORT MY STORY

Falling Inlove With My bestfriendWhere stories live. Discover now