Maaga akong pumasok dahil pahirapan nanaman ang pagsakay. Nasa bus ako ngayon mag- isa lang ako kasi wala si Adrian late nanaman siya for sure.
Hinatid ko ang bag ko sa classroom ko tapos pinuntahan ko si Khariel , pinsan ko. Tumambay lang kami sa labas dahil masyado pa kaming maaga mag 7:00 palang. Natigilan kami sa pag-uusap nong biglang dumaan yong lalaking bumangga sakin nong enrollment. Sinundan ko lang sila ng tingin, oo may kasama siya na mas bata sakanya siguro kapatid niya, diko sure.
Hinatid lang niya ang kasama niyang bata niya sa grade six room. Pagkatapos niyang ihatid yong kasama niya pumunta na siya sa classroom niya kaya sinundan namin siya , grade10 lang pala niya. Nakita ni Khariel ang mga pangalan na nakapaskil sa labas ng classroom nila kaya pinicturan niya ito.
Bumalik na kami sa tambayan namin . Sinend ni Khariel yong pinicturan niya oara daw malaman ko kong anong pangalan niya. Sinearch ko lahat ng pangalan na nandoon , then nalaman ko na ang pangalan niya. Siya pala si Ivan Christian Torres.
Pumasok nako kasi hinahanap na ako ni Harris , may classmate daw kasi kami na gustong makipag kaibigan sakin. Hinihingal akong dumating sa classroom namin nadatnan ko si Harris na Kausap si Candy Costales.
" Hmmm Mac this is Candy Costales gusto niya daw maki pag kaibigan sayo" - Harris
" Hi Candy! I'm Maria Angela Casandra Garcia , Mac for short" -ako
Simula non naging magkaibigan na kaming tatlo. Sabay na kami sa lahat, sabay kumain,magreview, gumala at syempre sa kalaokohan. Mabait si Candy , matalino tapos maganda.
Wala kaming ibang ginawa kundi makinig tapos gumawa ng activities, walang katapusang activities. Maaga namang nag dismissed ang mga teacher namin kaya maaga din kaming gumagala.
Hinahatid namin si Candy sa sakayan ng jeep. Doon kasi siya sumasakay. Pero bago kami umuwi nagtambay muna kami sa plaza. Lagi kaming nag kwekwentuhan ni Candy pati si Ivan na kwento ko na sa kanya , open kami sa isa't isa.
Pauwi na kami ngayon kasama ko ulit si Harris. May kwenento siya sakin may gusto daw siya kay Candy kaso kikilalanin niya daw muna si Candy bago ligawan.
Malapit na pala ako kaya tumayo nako para hindi ako maderetso. Nag wave ako kay Harris bago ako nagsimulang naglakad palayo.
Nakauwi nako ng bahay dumeretso na ako sa kwarto ko dahil gusto kong matulog sobrang napagod ako pero naisip ko si Ivan kaya ayon inistalk ko nalang siya. Hindi ko muna siya inadd kasi nahihiya ako . Nakita ko sa timeline niya na mutual friend ko yong isang kaklase ko si Immanuel Torres kaya naisip kong ichat si Immanuel.
Immanuel Torres Active now
Maria Angela Casandra Garcia
Hi classmate
May kapatid or pinsan ka bang Ivan Torres?
4:20pmI
mmanuel Torres
Meron classmate ,kapatid ko. Bakit mo siya kilala?
4:21pmMaria Angela Casandra Garcia
Hah ganon ba classmate. Wala lang ang cute niya kasi.
4:21 pmImmanuel Torres
Crush mo ba siya?
4:21pmMaria Angela Casandra Garcia
Oo crush ko siya, bakit bawal?
4:22pmImmanuel Torres
Hindi naman bawal, gusto mo ilakad pa kita?
4:22pmMaria Angela Casandra Garcia
Hahaha weh talaga classmate?
4:22pmImmanuel Torres
Oo naman classmate basta libre mo ako.
4:22pmMaria Angela Casandra Garcia
Sur classmate. Pero nahihiya ako sa kanya classmate. Diko ko siya friend sa fb.
4:23pmImmanuel Torres
Hahaha problema ba yon classmate di sasabihin ko sa kanya na add kanya.
4:23 pmMaria Angela Casandra Garcia
Sure ka classmate?
4:23pmImmanuel Torres
Sure na sure , btw call me Immanuel nalang.
4:23pmMaria Angela Casandra Garcia
Call me Mac nalang din
4:23pm
Immanuel Torres
Okay Mac! Wait mo nalang friend request ni Ivan.
4:24pmMaria Angela Casandra Garcia
Okay Immanuel bye thank you!see you bukas
4:24pmImmanuel Torres
Bye Mac seeyou!!!
4:24pm~~••~~••~~
Tinawag ako ni Tristan para daw kumain
Kaya sumunod nalang ako. Kumain ako ng madami para naman kahit papano tumaba na ako kahit papano. Natapos na akong kumain kaya umakyat nako sa kwarto para tignan kong may friend request na si Ivan.*Ivan Christian Torres sent you a friend request*
Inaccept ko agad si Ivan. Chinat ko siya pero seenzoned lang kaya medyo nalalungkot ako sa part na yon. Akala ko ayon na ang simula pero nagkamali ako hindi pala. Famous kasi siya kaya siguro seen lang.
Dahil sa disappointment natulog nalang ako ng maaga
~~••~~••~~
Please READ,VOTE AND COMMENT. Thank you and please support my stories
YOU ARE READING
Falling Inlove With My bestfriend
RomanceIsang simpleng babae ang nahulog sa Kaibigan.