Chapter 5

7 0 0
                                    

First Day of School

Nagising ako ng maaga dahil sa sobrang excited. Bumangon ako at nag pray . Niligpit ko ang aking higaan at bumaba para kumain.

Bacon and egg ang ulam namin ,actually bacon ang favorite ko. Habang kumakain kami sabi ni papa sasabay ako sa kanya kasi may business meeting daw siya malapit sa school namin.

Bagay na bagay sakin ang uniform namin, White long sleeve,stripe skirt na hanggang tuhod with black high socks na hanggang ibaba ng tuhod tapos black shoes. Nagpulbo lang ako at liptint bawal kasi hard makeup sa AU.

Tinawag na ako ni papa kaya hinanda ko na ang gamit ko at bumaba na. Na una akong sumakay sa kotse. Walang imikan sa loob ng sasakyan hanggang makarating kami. Binigyan ako ni papa ng 1k dagdag ko daw sa baon ko . Bumaba nako sa kotse at nagpaalam.

Pumasok na ako sa AU may nakita akong familiar sa akin. Lumapit ako sakanya. Kinalabit ko siya, si Harris pala. Si Harris ay kaibigan ko dati noong elementary kami.Lalaki si Harris, matangkad at gwapo.

"Oh Maria Angela dito karin pala mag-aaral"- Harris

"Oo dream school ko ito " - ako

"Anong strand mo ?"- Harris

"STEM" -ako

"Same pala tayo STEM din ako, anong section mo? - Harris

"Section A"-ako

"Same tayo tara punta na tayo sa classroom natin" -Harris

Sumunod nalang ako sakanya. Nasa Sixth floor pala ang classroom namin. Bali six floor kasi ang AU including underground kong saan nakapwesto ang food court. May dalawang classroom sa underground . Matatagpuan sa first floor ang office , sa second floor naman matatagpuan dito ang faculty room ng mga elementary and juniors and may computer lab din sa second floor, sa third floor dito matatagpuan ang laboratory room, speech lab, robotic room , library at faculty room ng mga seniors. Sa Fourth floor naman matatagpuan ang gym namin. Every floor may cr dito. Sa left side female, sa right side male.

Nandito na kami sa classroom namin medyo malaki ito, kulay puti ang pintura at maraming decoration na makukulay. Nagkwentuhan lang kami ni Harris hanggang dumating ang guro namin.

"Good morning class , I'm Christian Baldeo , ako ang magiging teacher niyo sa Earth science. Dahil first day naman ngayon please introduce your self , magsstart sa likod"

"I'm Bryle Mariano, 16 years of age. I choose STEM beacause I want to become a nurse someday".

"I'm Emily Casison ,16 years of age. I choose STEM because I want to become an I.T someday."

.....
.........
...............
"I'm Harris Villanueva,17 years of age. I choose STEM beacause I want to become an engineer someday."

"I'm Maria Angela Casandra Garcia,16 years of age. I choose STEM because I want to become a nurse someday."

Pagkatapos naming nagpakilala dinismiss na kami ni sir Baldeo. Pumasok naman ang sumunod naming teacher.

"Good morning class! I'm Maria Elizabeth Cortez , ako ang magiging teacher niyo sa General Mathematics. Dahil first day ngayon please write your name ,age, contact number, address and hobby in 1/4 sheet of paper. Then pass .

Dinismiss din kami agad ni ma'am cortez next week daw final class namin kasi this week orientation daw. Wala na daw klase kaya kumain na kami ni harris.

Anong sayo Mac ? tanong ni Harris. Bakit ililibre mo ako Harris? Sagot ko. Nilibre niya ako ng siomai and sago't gulaman. Kumain na kami at pagkatapos pumunta muna ako sa cr para magpowder at liptint.

Sabay kaming umuwi ni Harris same Municipality kami mas mauna lang akong baba. Sa two seat kami umupo syempre magdadaldalan kami. 30 minutes ang byahe pero depende parin sa sasakyan.

After 30 minutes nasa amin na ako bumaba na ako at nag wave ako kay Harris, nagwave din siya pabalik. As usual naglakad nanaman ako. Dumaan muna ako sa nagtitinda ng isaw-isaw bago umuwi. Bumili ako ng 5 isaw-isaw at isang palamig, kinain kona din doon baka kasi makita ako ni papa . Inubos ko agad ang kinakain ko bago umuwi.

Nakita ko si mama sa bahay nila tita, nakchismis nanaman yon for sure. Pumasok na ako sa bahay dumeretso ako sa kusina para uminom.

Nasa kwarto ako ngayon syempre magbabasa nanaman ako ng wattpad book, hindi ko kasi natapos kagabi dahil sa sobrang excited.

~~••~~••~~••

Gabi na kaya bumaba nako para kumain. Adobong manok ulam namin kaya napadami ako kain ko.

Nagpresinta akong mag hugas ng pinggan. Pagkatapos kong naghugas ng pinggan ay nagbrush at pumunta ako sa sala kasi andon sila mama.

Nag movie marathon kami kasama ko si mama,papa tsaka dalawa kong kapatid. 10:30 na nong matapos ang pinapanood namin kaya pinatulog na kami ni mama.

Umakyat nako sa at natulog.

~~••~~••~~

Please VOTE,COMMENT AND READ. THANK YOU AND PLEASE SUPPORT MY STORY

Falling Inlove With My bestfriendWhere stories live. Discover now