Tunay na Pag-ibig
Ako'y napapaisip,
Hanggang sa aking panaginip
Kung ano nga ba
Ang tunay na pag-ibigIto ba ay sa dami ng bulaklak at tsokolate?
O sa dami ng surprises na engrande?
Ito ba ay sa walang sawang text at call?
O sa dami ng kaibigang napapa-"sana all"?Ano nga ba ang pamantayan?
Kailangan ba ay nagsimula sa pagkakaibigan?
O sa crush na nakita lang sa eskwelahan?
Dapat ba humantong sa kasalan?Sa tagal kong nag-iisip, naghanap ko ang sagot.
Ang tunay na pag-ibig ay hindi nababaluktot
Hindi pala ito nakakaadik na gamot
Wala rin itong kasamang linyahang may hugot.Ang tunay na pag-ibig ay simple lang
Ito ay nakikita sa Diyos na may lalang
Ang pagsakripisyo Niya sa Anak Niyang nag-iisa
Upang iligtas tayong mga may sala.Si Jesus ang tunay na pag-ibig
Ang pag-ibig na mapagpatawad at walang tinatanim na galit.
Kayang tiisin ang lahat ng sakit, kahit buhay ang kapalit.
Ang tunay na pag-ibig ay ang ating Diyos sa langit.
BINABASA MO ANG
Mga tula mula sa hindi Manunulat
PoetryHi, just want to share may "trying hard" poems. Hope you like it! :)