Makulimlim na araw...
Dahan dahan kong isinara ang bintana ng aking kwarto matapos kong makita ang panahon sa labas.
Bumalik ako sa aking pagkakahiga sabay talukbong ng kumot.
Ayaw kong pumasok!
Di dahil sa tinatamad ako pero dahil alam kong mag hehesteria na naman ang mga classmate ko pag nakita nilang umiiyak ako.
Rainy days makes me sad...
Naiiyak ako sa tuwing bumubuhos ang ulan, malakas man ito o mahina. Maraming nangyari sa buhay ko na kasabay ng pag patak ng luha ko ay pag patak din ng ulan. Kaya minsan mas pinipili kong mag tago sa aking kwarto tuwing umuulan.
Pero don't get me wrong. I still go to school even if it's raining. Suot at dala ko nga lang ang aking powerful rainy day set.
Raincoat
Boots
Pink Umbrella
EarphonesAnd lastly my friends
Tuwing umuulan dala dala ko lahat ng yan dahil sila lang ang nag papakalma sakin. Sabi ko nga isang araw
Mawala na ballpen at books ko wag lang yung RDS ko ( rainy days set)
Eljaye Calling....
"Hello eljaye". Ayan na. isa isa na silang tatawag dahil alam na alam na nila na ayaw kong pumasok dahil nag babadya na ang ulan.
"Gaga ka Ulan! nasa kanto na kami. Magbihis ka na at ma lalate na tayo!"
Halatang irita na si bakla sa tono ng boses nya pero nananamlay talaga ako ngayong araw.kaya di parin ako tumayo sa aking pagkakahiga. Pero alam kong mapilit sila kaya aasarin ko muna sila hahahahha
"Sunduin nyo ko dito mismo sa bahay. Natatakot akong buksan yung pinto ko" pilit ko pinipigilan ang pag tawa ko dahil malalagot ako sa kanila pag nalaman nila na nag iinarte na naman ako.
"Bwiset ka talagang babae ka! Oo na pupuntahan ka na namin.magbihis ka na para alis agad tayo!" Si Ashen yung nagsasalita.isa rin sa mga kaibigan ko.mukang inagaw nya kay baklang eljaye yung phone.
"ok thanks. Bye. Love u guys!" at pinatay ko na yung call. Nagbihis na ko ng aking uniform dahil alam kong di nila ako titigilan kung di talaga ako papasok.
Bumaba ako sa hagdan at dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tinapay. Tinignan ko ang kabuuan ng bahay. Tahimik walang buhay.malungkot. ang laki ng bahay namin para sa isang tao lang.
Dahan dahan akong lumapit sa larawan ng aking pamilya na nakapatong sa aming mini grand piano.ang saya namin tignan dito.
Anong nangyari ngayon?
One time di ako pumasok dahil umulan nun. iyak lang ako ng iyak habang kumakain ng umagahan ko. Wala akong kasama sa bahay dahil nag iisang anak lang naman ako. Yung dad ko busy.
Super busy na tuwing linggo ko lang nakikita at minsan di pa sya umuuwi. My mom?
My mom...
She died
I was 11 that time ng mabangga ang kotse namin sa isang malaking puno habang umuulan.di lang sya ang nawala nung araw na yon.
My baby brother or sister also died...
Buntis si mom that time at susurpresahin dapat namin si dad sa work nya. At ayon nga. Ako lang ang nakaligtas
Nawala silang lahat sakin nung araw na yon. Even dad. Dapat daw pinigilan ko si mom. Ako ang sinisisi ni dad kasi ako ang nag suggest kay mom na gawin yun.
Pero di ko naman ginusto yon...
I tried to save them. I called the ambulance immediately. It was save in my mom's phone. Kahit sobrang takot ako i tried to be calm. I was only 11 years old!
My mom is still concious. So i told her to just hold on. Malapit na yung ambulansya. She just smiled at me then...
Pumikit sya
Iniwan nya ko
Iniwan nya ako mag isa.habang bumubuhos ang ulan.
Yung mom at kapatid ko.iniwan nila akong basa sa ulan,dugo at luha.
Tinawagan ko si dad pero di sya sumasagot. Hawak ko parin ang kamay ni mom nung dumating ang ambulansya. They tried to save her pero wala na daw talaga.
Iniwan na talaga ako ni mom
Isa yun sa pinaka masakit na alaala ko habang umuulan. Marami pa pero di ko muna sasabihin dahil may nag wawala na sa pinto ng bahay namin.
"Hi girls. Badmorning" bati ko sa kanila pagtapos kong buksan ang pinto
Kumpleto ang tropa
Ashen
Eljaye
Tonet
Pat
Shie
DianeSusugurin na sana nila ako ngunit ng makita nila na malungkot na naman ako. Isa isang lumapit at niyakap ako.sila lang talaga ang nakakaintindi sakin.
Alam nila ang nangyari at naiintindihan nila kung bakit ako ganito pero minsan naiirita na sila kasi nag iinarte na ko. Buti nalang talaga at dumating sila sa buhay ko kahit minsan epal at bwiset sila hahahaha.
"Bawal umiyak Ulan! Tara na habang di pa umuulan" sabi ni tonet habang binubuhat yung mga gamit ko.
Nag si tanguan naman ang iba at isa isa na kaming lumabas ng bahay.
Makulimlim parin at any moment babagsak na ang ulan kaya nilabas na ni Shie yung RDS ko para pag umulan mabilis ko itong masusuot at hindi ako maglumpasay sa kalsada kakaiyak.
Nakarating na kami sa school at dun lang bumuhos ang ulan. Buti nalang at wala pang prof. kaya sinuot ko muna ang earphones ko. Naiiyak na naman ako pero dumiretso na ko sa upuan ko at sinubsob ko nalang ang ulo ko sa desk ko.
"Raynie ok ka lang?" tanong ng isa kong classmate na lalaki.parang di pa sya nasanay mag kaklase na kami since first year college. Nasa third year na kami ngayon.
Di ko sya pinansin at tuloy lang ako sa pag subsob ng muka ko sa desk.
"Oo oks lang yang si ulan. Meron lang sya ngayon" sabat naman ni Ashen na tahimik na nagbabasa ng libro sa tabi ko.
Naghintay kami na dumating ang mga prof namin sa araw na iyon pero ni isa sa kanila walang pumasok. Mukang nakikisama sila sa nararamdaman ko.
"Raynie Borromeo Sy! Ano na? Balak mo bang mag stay lang dito o sasama ka samin kumain sa kiosk?!" yan na naman ang pang malakasang boses ni Pat na parang magkalayo kami pero ang totoo nasa harap ko lang sya. Tinanggal nya pala ang earphones ko kaya halos mabingi ako sa lakas ng boses nya
"Siraulo ka talaga! Muntik na kong mabingi!" sigaw ko pabalik sa kanya. Sinilip ko rin muna ang bintana kung umuulan parin pero ambon nalang pala kaya inayos ko na ang gamit ko dahil nasa pinto na ang mga gaga na nakangiti sakin.
Habang pababa kami sa hagdan. Tanaw na tanaw namin ang soccer field sa baba. Basang basa pa ito dahil sa malakas na ulan kanina.
Pero napa tigil ako sa pag baba at tinanaw ko ang soccer field.
There's a guy
He's laughing with his friends
They are playing under the rain
He looks happy
He loves Rain.