"Miss, are you ok?"
Tanong sakin ni Mr. Soccer Player habang nakangiti at hawak ang kanyang payong.
Oh my gosh! Bakit sya? Bakit sya pa? Bakit sya ang nakakita sa sitwasyon ko ngayon?!
Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at pinunasan ang luha ko. Nakatingin sya ngayon sakin at parang nagtataka sa pinag-gagagawa ko.
"Ahehehe... I'm fine... Nag papractice lang ako nung drama ko sa play bukas... He he he"
Alam kong na weirduhan sya sakin pero nagkibit balikat nalang sya at tumingin narin sa mga paparating na jeep.
"You're wet?" sabi nya ng di nakatingin sakin.
Aba! Bastos to ha! Anong wet? Di porket gwapo sya gaganyanin na nya ko!
"WHAT? Pervert!!" sabay layo ko sa kanya at harang ng bag ko sa katawan ko.
"HAHAHAHHA... I mean, look at your clothes. Naulan ka diba?" nakatingin sya sakin sabay umiling sya pagkatapos nyang sabihin sakin yon.
Ano ba yan self! Masyado ka kasing ilusyunada! Putek kahiya!!
"Oh sorry, i thought..." di ko masabi yung gusto kong sabihin.nakatitig sya ngayon sakin habang hinihintay yung sagot ko.
Gusto ko ng lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan. Oo nga basang basa nga pala ako dahil sa lintek na ulan na yan na ngayon ay tumila na.
"HAHAHA that's ok. You have a very imaginative mind"
Ayan na! Wrong move kasi ako masyado. Minus ganda points tuloy kay Mr.Soccer Player!
Di na ko nakasagot sa kanya dahil abala na sya sa pag halungkat ng kung ano sa bag nya.
Nang mahanap na nya yung bagay na nasa bag nya. Agad na umakyat ang paningin nya sakin at inabot ito.
Black Plain T-Shirt
"Para saan to?" nagtataka kong tanonh sa kanya habang busy sya sa pag sarado ng kanyang bag.
"I can see your red bra from here. Just wear it"
Agad akong pinamulahan sa sinabi nya. Nakakahiya!! Tama nga. Kitang kita nga yung red kong bra dahil basa na yung uniform ko.
Di na ko nag aksaya ng oras at sinuot ko na agad ang binigay nyang t-shirt.
Nang akmang mag papasalamat na ko sa kanya dahil pinahiram nya ko ng tshirt ay agad syang sumakay sa jeep na dumaan samin at mabilis na nawala sa paningin ko.
Nag mamadali ba sya?
Mabilis ang andar ng jeep kaya di ko na ito nahabol.
Napatingin ako sa suot kong tshirt at bigla akong napangiti.ang bango ng damit nya! Amoy mayaman hahahahaha.
Pero bigla akong napaisip matapos ang nangyari. Bakit sya sumakay ng jeep? Akala ko ba mayaman sya?
Hayyy bahala na nga sya. Iniwan nya parin ako ng wala man lang paalam. Pasalamat sya gwapo talaga sya hahahaha.
Dahil sa kinikilig ako. Nakalimutan ko na ang nangyari sakin kanina. Hayyy isa na namang araw kung saan lumabas ang kahinaan ko.
Nakakatakot talaga pag di ko kasama ang mga kaibigan ko pag umuulan.walang mag papakalma sakin.
Pero iba ang nangyari kanina.kusang tumigil ang luha ko dahil sa isang tao. Isang tao na di ko naman kilala.
Nang makauwi ako sa bahay.muli na naman akong bumalik sa realidad na mag-isa nalang ako. Ayy mali na mag-isa ako. Meron pa nga pala akong ama. Kaso yung ama na yon kinalimutan na meron pa syang anak na dapat uwian at alagaan.