Chapter 2

47 3 0
                                    


Hala shocks!!

Tumingin sya!

Nag madali na kong bumaba sa hagdan at hinabol na ang aking mga kaibigan na nag dadaldalan habang nag lalakad.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Para akong nahuli na may ginagawang masama sa sobrang kaba at gulat ko.

Sino ba yung lalaking yon?

Halos kabisado ko na ang mga estudyante dito sa school namin dahil di naman kalakihan tong school at three years na kong nag-aaral dito.

Pilit kong inaalala ang lalaking nakita ko sa soccer field nang mapansin ko na nasa kiosk na ko at nakatingin na sakin sila diane na nakaupo at may pagkain na nabili.

"Ano na namang nangyari sayo Ulan?"

Di ko na sya nasagot ng mapatingin ako sa grupo ng mga lalaki na papunta narin dito sa pwesto kung nasan kami.

Oh ghad...

Ang gwapo nila! Lalo na yung nasa unahan na lalaki. Teka! sya yung nasa soccer field!

Agaw atensyon ang pag dating ng limang lalaki sa kiosk. Parang mga super model ang mga ito.

Maganda ang ngiti...

Chinito...

Maganda ang pangangatawan...

Matangkad...

At mukang mababango kahit basang basa ang damit nila...

Agad akong nag iwas ng tingin dahil kilala ko ang mga kaibigan ko. Di nila ako tatantanan pag nalaman nilang may tinitignan akong lalaki.

"Hutaness!! Ang Gwapo!!" malakas na tili ni Eljaye habang pinaghahampas ang katabi nyang si Shie na tahimik lang na kumakain ng biscuit.

"Inaatake ka na naman ng kaharutan mong bakla ka!" bulong naman ni Shie na rinig parin namin pero di na pinansin ni Eljaye dahil naka tingin na silang lahat sa mga lalaki na nakapila sa bilihan ng rice toppings.

"Sila yung mga soccer player from other school diba?". Tanong ni Ashen na walang pake sa mundo at tanging sa favorite nya lang na lechon kawali nakatingin.

"Ay oo nga! Sabi pala ni dean may ililibot daw kami mamaya dito sa school na mga students from other school" sabat ni tonet na part ng student council kaya medyo close sa Dean.

Hala pano yan? May lakad kami mamaya ha!

Bigla kong naalala na may lakad pala kami mamaya dahil sa sinabi ni tonet. Ngayon pala kami pupunta sa Mall para bumili ng book namin sa ProfEd.

"Edi pano yan? Dba pupunta tayo ng mall?". Si Shie na ang nag tanong ng gusto kong sabihin

"Mauna nalang kayo, o bilhan nyo nalang ako ng book". Nakangiting sabi ni tonet.pero alam kong may kakaiba sa ngiti nya

"kilala ka namin tonet! Di ka sasama samin kasi mag eenjoy kang ilibot yung mga gwapo dito sa school!"

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Ashen dahil alam naming ganun talaga ang mangyayari. Kaya nga kami naging magkakaibigan dahil iisa lang ang hilatsya ng aming mga bituka hahahahaha.

"Mga ilusyunada! Maayos akong kikilos mamaya dahil nakakahiya sa mga bisita no!"

At tuluyan pa kaming natawa dahil sa paliwanag ni tonet. Ganito talaga kami pag kumakain sobrang ingay na minsan ay napapatingin na samin ang mga tao. Katulad nalang ngayon na nakatingin na pala samin yung mga lalaking naggagwapuhan na galing daw sa ibang school.

Loving The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon