"1 dahon nalang ang natira" sinabi ko sa aking sarili.
"wag kang susuko anak, kayanin mo please" sabi ni mama. at silang lahat ay umiiyak.
Nakatingin parin ako sa labas ng bintana at tinitingnan ang nag iisang dahon na natutuyo na.Nakatingin din sila, napansin nila na tuyong tuyo na ang dahon kaya lumabas si papa para lagyan ng pinta na color green ang dahon para magkaroon ng kulay na simbolo sa " may pag-asa". lahat kami ay umaasa na sana hindi mahuhulog ang nag iisang dahon.
"Ma,Pa,Lee,Min, nahihirapan na ako.. di ko na kaya." sabi ko.
"Ma,Pa, salamat sa lahat dahil inaalagaan ninyo ako ng mabuti. I LOVE YOU SO MUCH" sabi ko at akoy hirap na hirap na.
"I LOVE YOU TO ANAK" sabi nila mama at papa na umiiyak.
"Lee, GOD GAVE ME YOU, salamat sa pag aalaga at pagmamahal. Tandaan mo, Mahal kita" sabi ko.
"Mahal na Mahal din kita Shin, wag mong kakalimutan na mahal kita" sabi niya at hinug niya ako ng mahigpit ant hinalikan ako.
"Min, salamat sa pagiging tunay na kaibigan.Sana hindi mo ako makakalimutan, dahil hanggang sa mawala ako ay kaibigan parin kita" sabi ko at tumulo yung luha ko.
"Salamat sa inyong Lahat, maraming salamat. Mahal ko kayo." sabi ko.
" AHHHH.. hindi ko na kaya, kelangan ko ng magpahinga.PAALAM." habang sinabi ko iyon ay nakatingin parin ako sa dahon, pati rin sila.
Maya-maya'y nahulog ang nag iisang dahon at akoy tuluyan ng namatay.
Masaya ako kahit sa konting panahon dahil hindi nila ako pinapabayaan. Akoy nagmahal, at minamahal.
---------------- THE END --------------------