Peklat

53 6 0
                                    

Blake's POV

pinunta ko siya sa grocery kasi naisip ko din na naubos ang mga delata samin kaya bibili na lang ako, sunod-sunod siya na tinutulak ang cart na nagmamaangan lang sa mga stocks, tahimik siya ngayon eh naging tuta na parang naliligaw haha.

ooy Bloy may pera ka ba't ang laki ng cart na gagamitin mo?-tanong niya, ang bait naman ng tinig hmmm

Oo, maganda ang pagkakaintindihan namin ni tatay kaya medyo napapabigay ng malaking pera haha-tugon ko na kumuha ng isang pack ng tissue

yan para yan sayo!-sabi ko sa tissue na shinoot ko sa cart

ha? bakit? aanhin ko yan?-tanong niya na naguguluhan

kasi pag umiyak ka, hindi mo na gagamitin ang braso mong pamunas ng luha mo-tugon ko na medyo seryuso

shunga, di na!-paglaban niya na ibinalik ang tissue sa pinagkuhanan ko pero matigas ulo ko ngayon kaya kinuha ko ulit at ibinalik sa cart

huwag mo yang ibalik!-banta ko at nagsimangot siya

eh kasi naman--

nag kibit balikat ako at tinignan siya na parang magagalit kaya di na siya umalma

Masunuring bata-pagpuri ko tsaka ginulo ang kanyang buhok

haha medyo maganda ang nangyayare....

__________________________________

sabay kaming naglalakad  sa gilid ng kalsada bitbit ang mga binili ko, binigay ko na sa kanya ang tissue kahit labag sa kanya, baka kasi kakailanganin niya eh... kasi nakapag-isip na ako... ayoko na tong patagalin eh, dapat nga siguro kailangan ko ng magsalita, hindi ko pwedeng pakisamahan si Mitsol sa paraan na gusto niya, hindi ko siya pwedeng pagulongin sa aking mundo bilang kaibigan din kasi masakit pa eh kakailanganin ko ng oras para diyan... pero para magstick to one siya, ako naman tong sumingit, ako na lang din ang magpaubaya. Mahal ko man si Mitsol, at nasasaktan ako sa naiisip kong gawin na bitawam siya pero yun na ang dapat, hindi ko na siya liligawan bilang respeto kay Denver. Demonyo naman ako kaya pwede kong gawin ang mang-agaw pero ngayon, ngayon lang ako naging marunong makiramdam.. at sa'ming dalawa, siya naman talaga ang nauna, hindi naman kasi pwede manatiling naguguluhan tong si Mitsol sa amin, kung di niya kayang pumili ng mas maagang panahon may isang madedehado sa'min pag dumating na ang araw na magtataboy siya ng isa, mas triple ang sakit pag ganun... nakalayo na kami kunti sa daan na walang masyadong tao tsaka ako humarap at ngumiti sa kanya...

shet, ang mukhang yan na napaka-amo na ngayon parang di ko na pala gagawin...

nagulat ako dahil ngumiti siya pabalik, matamis at puro, kitang-kitang sa mata ang kanyang ngiting tunay... shet!

huminga muna ako bago magsimula, nagshrug pa muna para ilagay ang aking katawan sa kondisyon na maging matapang sa kahihinatnan ng aking gagawin.

Mitsol-pagsisimula ko at tumingin siya sa paraan na nagtatanong ng 'bakit'

Alam kong nahihirapan ka, ako din naman... Mitsol... ahh...mmm....




pero sige pinapalaya na kita

nag-iba ang emosyon sa kanyang mukha, nagulat siya na may kasamang lungkot... shet ramdam ko ang sakit sa pagitan namin, ang tension at ang hangin na uminit... napayuko siya saglit tsaka siya ulit bumaling sa'kin

ganun ba?- mahinahon niyang tanong sa tunong naiiyak

ohh fuck!!-pagmura ko dahil naunahan ko siya lumuha

hahahahaha- pagtawa ko bilang pantakip na naging emosyonal din ako

Kaya mo pala ako binilhan ng isang pack ng tissue?- tanong niya na yakap yakap ngayon ang binili ko para sa kanya

Putang-Ina mo BLAKE (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon