Chapter Twelve

1K 65 0
                                    

Twelve

Hindi umuwi ang dalaga na ikinabahala ni Zander. Panay ang sermon ng kaibigan nito sa kanya ngunit hindi iyon ang mahalaga para sa kanya. Sinubukan niyang tawagan ang mga taong posibleng makatulong sa kanya. Nagpunta rin siya ng club at inusisa ang mga katrabaho nito lalo na ang manager at si Cloe. Ngunit wala siyang nakuhang sagot sa mga ito.

"I already found the foundation! Pumunta ka sa dating tagpuan, maraming bata ang pwedeng mapahamak oras na magkamali tayo ng action!" ani ng kaibigan niya. Nasapo niya ang batok at bahagyang minasahe iyon.

---

"Ba't ganyan ang itsura mo?" ani ni Juan. Kaibigan niya ito at tulad niya hangad din nitong tapusin ang kabulukan ng grupo.

Isang linggo na siyang aligaga sa paghahanap sa dalaga. Wala man lang siyang nakuhang traces sa paghahanap dito. Para itong naglahong parang bula. Ang mas ikinabahala niya ay baka nasa black king organization na ito, baka hawak ng mga ito ang dalaga. Ayaw na niyang may isa pang babae na mawala sa kanya tulad nang nangyari kay Inna.

"Saan galing ang impormasyon na 'yan?"

"Dating gawi, na-receive ko lang sa email ko. No traces dude!" ani nito.

"Handa na ba ang grupong isasama natin?" tanong ni Zander.

"Oo, pati ang gagamitin! In case na magkaproblema, ba-back-up-an tayo ng mga pulis!" ani nito. Tumango lang siya.

---

Tahimik na napasok ni Barbara ang bakuran ng foundation. Ang alam ng lahat isang normal na foundation ang pinapatakbo ng grupo. Pero wala silang ka-ide-idea na palabas lang pala ang lahat. Ang mismong shelter na pinagdadalhan sa kanila ay ang kinaroronan niya ngayon.

Ang akala ng namamahala ng foundation na karamihan ay volunteers ay may umaampon sa mga ito. Pero rito sila dinadala. Pinaghahanda para ibenta sa black market. Pinangreregalo sa mga kaibigan, binababoy na parang mga laruan.

"Careful, Barbara!" usal ni Islah na siyang nakapwesto sa isang mataas na puno na tanging magandang pwesto na napili nito. Mag-isa siyang papasok, bago pa dumating ang grupo nila Zander. Si Tori ang nagpapadala ng mga impormasyon sa kaibigan ng lalaki at ngayong gabi planong sumugod sa lugar na ito. Kung gaano niya kabilis pinababagsak ang mga bantay ganoon din kabilis ang pagkalabit ni Islah sa gatilyo ng sniper rifle na gamit.

"Turn right!" ani ni Tori.

Sinunod niya ang sinabi ng kaibigan. Walang ibang daan doon kundi ang akyatin ang ikalawang palapag. Sumampa siya sa bakal na hagdan malapit na siya sa pinakatuktok ng biglang may bumagsak na katawan ng lalaki. Ang noo ay may butas na.

"Thank me later!" ani ni Islah.

"Hindi ka na matutulungan ni Islah sa loob, mag-iingat ka!" bilin ni Tori.

"Papasok din ako!" singit ni Islah pero mabilis na sumagot sina Tori at Barbara.

"Hind/No!" sabay nilang sabi.

"Bayan, boring naman!" himutok nito.

Nang makaakyat siya ng tuluyan dahan-dahang humakbang siya at sumilip sa pinto na dinaanan kanina ng bantay.

"Silid ng mga bata 'yan, oras na maalerto at nag-ingay 'yang mga 'yan baka mapahamak sila!" bilin ni Tori na siyang mata ni Barbara sa paligid.

"Islah, kailangan nilang mailabas dito!" mahinang sabi niya.

"So? Pwede na akong pumasok?"

"Oo!" ani niya. Dahan-dahang tinapik niya ang batang nasa pinakamalapit na higaan. Manipis na karton lang ang higaan ng mga ito.

Takot na nagmulat ang bata ngunit mabilis na sinenyasan niya ito na manahimik. Kabadong tumango ito. Itinuro niya ang pintong dinaanan.

"Nandito na ako!" ani ni Islah na bahagyang hinihingal dahil sa pagtakbo.

Inisa-isa niya ang pagtapik sa mga bata. Nasa edad sampu hanggang kinse ang mga ito. Mahigit 20 kabataan ang naroon.

Nanginginig ang mga ito sa takot. Nang biglang bumukas ang pinto. Mabilis nahila ni Barbara ang patalim na nasa hita at ibinato sa lalaking bantay. Sapul ito sa noo. Lumapit siya roon at hinila ito papasok ng silid. Baka kasi may makahalata sa estado nito ngayon.

Walang nag-iingay sa mga ito kaya mabilis na nakababa ng walang nakakapansin. Pinadapa ang mga ito ni Islah at pagapang na sumunod sa dalaga.

Habang si Barbara nakamasid sa ginagawang paglayo ng mga ito. Nang matiyak ni Barbara na nailayo na ni Islah ang mga ito mag-isa siyang humakbang palabas ng silid. Hinihintay ang mga susulpot na bantay.

"May tatlong silid pang natitira Barbara!" ibig sabihin marami pang bata ang kailangan niyang ilabas. Madilim ang pasilyo dahil sa tulog na ang mga tao sa paligid.

"Nakuha na nila Teri ang mga bata, papasok ako sasamahan kita!" ani ni Islah.

"Ingat!" tipid niyang sagot. Hinanda ang baril na may silencer. Hanggat maaari ayaw niyang makagawa ng ingay dahil siguradong maaalerto ang mga bantay kapag nangyari iyon.

"Tatlo sa kanan!" dahan-dahang humakbang siya. Saka mabilis na  binaril ang mga ito. Tatlong bala para sa tatlong tao. Hindi man lang nagawang bumunot ng kanilang mga baril.

Kailangan niyang itumba ang magiging sagabal sa kanilang paglabas.

Hindi niya mabibitbit ang mga ito oras na magkagulo kaya nagdisisyon siyang bawasan ang mga magiging sagabal para hindi  sila mahirapan.

'Di niya maiwasang mapailing dahil dinig niya sa kabilang linya si Islah na parang kinder na nagbibilang. Siguradong ang bilang na nadidinig niya ay ang bilang ng mga napapatumba nitong kalaban.

Walang pag-aalinlangan ang bawat kilos ng dalaga. Hindi na bago sa kanya ang ganito karahas na eksena.

Nang pasukin niya ang isang silid gulat na gulat ang dalaga sa nasilayang tanawin. Mayroong sampung kama at ngayon ay mga magkakaparehang nakahiga. At lahat ng mga kapareha ng mga pamilyar na mukha kay Barbara ay mga batang lalaki at babae.

Ganoon kababoy ang mga demonyo. Dahan-dahang humakbang si Barbara. Dinampot muna niya ang mga baril na nasa bedside table at isinuksok sa kanyang mga beywang. Dahan-dahang tinapik niya ang binti ng mga batang mahimbing na natutulog.

Takot na nagpulong ang mga ito sa isang pwesto. Pawang mga hubad ang mga katawan. May mga pasa at gasgas sa iba't ibang parte ng katawan.

Habang si Barbara iginagapos ang mga lalaki na lasing na lasing amoy pa niya kasi ang alak sa mga ito. Kaya 'di man lang nagising-gising kahit pa mahigpit na ang pagkakagapos sa mga ito.

"Barbara!" ani ni Islah na gulat nang makita ang mga nakahiga sa kama.

"Ilabas mo na sila! May mga tuturuan lang ako ng leksyon!" ani Barbara saka inilabas ang natitirang patalim sa kanyang mga hita. Dapat sa mga ito, pinuputulan ng 'di na maulit ng mga ito ang kababuyang ginagawa.

Barbara : The Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon