Chapter 1: Halsey
"Saan ka nanaman galing?" pagkapasok ko pa lang sa mansyon may bubungad nanaman sa akin na tanong.
"Chill Thalia." sabi ko sa kaniya habang ibinaba ang bag sa sofa.
"Hoy babae, 8pm na. San ka galing?" tanong niya habang nakapamewang na tinitignan ang bag na inilapag ko.
"Airsoft" pangloloko ko sakaniy habang may nakakalokong ngisi. Inirapan ako ng gaga.
" 'Wag mo 'kong lokohin. Sa pagkaka-alam ko, walang airsoft dito uy. Tsaka kung meron man, hindi ganyan ang suot mo. Fitted black top, blavk leather jacket, black leggings at black boots!" habang lintana niya habang naloloka siya. Natawa naman ako sa paghihisterikal nya.
"Chill. May pinatahimik lang ako." ani ko habang hinubad ang leather jacket ko. Umiling siya.
My parents adopted Thalia when she was eight. She's my age that's why we enjoy each other's company ever since she lived here. I treated her as a sister since I don't have one. Only child way back then but I'm happy when my parent's introduce her to me that time. They treated her as their real daughter too. All documents she has, inasikaso 'yon ng parents ko, and by that time, she became a Halsey. The great Thalia Gerry Halsey.
"May pinatay ka nanaman?" tanong niya tsaka kinuha ang ibang bag ko habang papunta kami sa kwarto. We decided to have one big room upstairs, we share because that's what we've wanted.
Tumawa ako sa tanong niya. "Pinatahimik, hindi pinatay..." I rolled my eyes.
"tsaka wala akong balak pumatay." ani ko habang binuksana ng kwarto. The room plays a black-white-gold color. And it's well planned, every details.
"E? bat sabi ni Thunder yung iba pinatay mo?" tanong niya. Nainis ako nang marinig ang pangalan na 'yon.
"Huh! That boy! 'Pag nakita ko 'yon dudurugin ang mga buto niya. Lalaslasan ko sa leeg hanggang mawalan sya ng hininga!" Sigaw ko. Good thing that this room is sound proof.
Tumawa ng malakas si Thalia na kinakunot ng noo ko.
"Where's the Janna na mahinhin-Oh! hindi ka pala mahinhin. Shunga lang ang mga taong 'yon ang tingin sa'yo dahil sa inosenteng itsura mo." ani niya. But believe me, this girl is more brutal than me.
"Hindi ako pumapatay, Thalia. I tricked Thunder kasi sumusunod. I hate blood from those people like them-criminals. Anong magiging pagkakaiba ko sa kanila kung papatayin ko rin sila?" pagseseryoso ko habang inihagis ang leather jacket sa rack.
"Oh, trick? You trick him? Pano mong pinalalabas na pinatay mo sila kung nabalitaan ko naman na nakukulong ang mga 'yon?" Those are criminals. People who do illegal things. Why am I involved? Because they are after my family. No one knows that except me.
"Yes. Pinapalabas ko lang na pinatay ko sila dahil sumusunod sa akin si Thunder. Balak niyang patayin ang mga 'yon. Pero ayoko. Sa kulungan sila, hanggang kamatayan." ani ko. Inilapag ko sa higaan ang bag ko tsaka binuksan. Revolver, mini uzi, bullets, rope and some clothes to change my outfit kanina.
"Pero malalaman at malalaman 'yon ni Thunder. Na hindi mo talaga sila pinapatay dahil nababalita sa tv ang pagkakakulong ng mga criminal. And one more thing..." ramdam kong sumeryoso ang pananalita niya.
"Hindi ka mangingialam kung wala silang balak sa pamilya." As what I expected. Magtatanong siya.
"They are after us. Alam na rin ni Thunder na hindi ko sila pinapatay. Malamang nababalitaan naman niya siguro." tumingin ako sa kaniya.
"They want our parents die. They are after our business. They are after for money."
'sabi ko na nga ba' rinig kong bulong niya.
YOU ARE READING
When Apocalypse Strikes (On-going)
ActionJane Natalia, kilala bilang isang mahinhin na babae sa kanilang lugar. She has a lovely family and she will do anything to protect them no matter what may cost, even her life. Hindi siya mahinhin tulad ng tingin sa kaniya ng mga taong nasa paligid...