Chapter 2: Kill
"Dyan sa lumang building talaga? Hindi kaya gumiba yan. Tsk."
"Dyan ang meeting place nila, minsan. Every transaction dyaan din." sabi ko sa kaniya habang nilusot ang isang patalim sa kaliwang boots ko habang sa isa naman ang mini uzi.
"Mini uzi nanaman. Baril na pang tamad." sabi niya sabay irap.
"Ready?" Kinuha niya ang revolver at inilagay sa loob ng leather jacket niya.
"Ready."
Sabay kaming lumabas sa kotse at tinahak ang daan papunta sa old building.
"Second floor. Mauna kang pumunta. You know what to do." sabi ko sa kaniya habang ngumisi.
"Balak pang siraan ang business nila dad. Parang nangangati tuloy ang palad kong pumatay." tumawa siya tsaka binigay ang earpiece sakin.
Tumawa ako. "Easy-han mo lang."
Tinanguan ko sya tsaka siya tumakbo papuntang second floor. Aabangan ko 'yung katagpo ng drug dealer dito sa baba.
I know what they will gonna do. Ang isang kahon na may laman ng mga droga na ipupuslit sa loob ng building na pagmamay-ari namin at maglalagay ng ilang droga sa opisina ni dad at papalabasin na isa siya sa kanila.
"Prente pang nakaupo ang siraulo dito." rinig ko sa earpiece ko ang medyo pabulong na sabi Thalia.
Maya maya ay nakarinig ako ng kalabog sa earpiece ko. Sinimulan na niya.
Ilang minuto rin bago nawala sa pandinig ko ag ingay ng labanan nila. Napanguso ako. Kainis naman!
"Done, sista!"
Bigla akong nakarinig ng tunog ng sasakyan kaya nagtago ako sa gilid. Nandito pa 'ko sa entrada ng building. At pinagintay pa ako ng I-don't-know-who na 'to. Humanda ka mamaya pupuruhan kita. Kating kati na'ko!
"Yes boss. Nandito na."
"Ah! Plan B yon boss! Isiksik ng tauhan natin yung ilang pakete ng shabu sa bulsa ni Mr. Halsey."
"Yes boss! Malinis at mabilis umaksyon 'yon!"
Pakshete! Plan B plan B pang nalalaman, hindi n'yo matutuloy 'yan. Mga kumag!
Rinig ko ang mga yapak niya papasok kaya dali dali kong sinundan. Nang maramdaman niya ang presenya ko ay dali dali akong nagtago bago pa nya ako makita. Bwisit na lata! Muntik pa'kong madapa!
Maya maya ay umakyat siya sa hagdan kaya napag dwsisyonan kong lumusot sa bintana para makarating sa second floor. Lumambitin ako at sakto nga naman. Nasa harapan ko ang taong sinusundan ko pero nakatalikod siya sa akin. Nagtataka nang inilibot ang paningin. Nahagip ko ang taong nakaupo patalikod sa amin. Deym! It's Thalia! Pigil akong napatawa.
"Ornok, nandyan ka pala! Dito ka nga sa liwanag! Ang dilim naman dyan e! Lalong 'di kita makita!" tumawa pa ang lalaking 'to. Hindi ba niya napansin sa postura na babae yang nakaupo?
Ilalabas ko na sana ang mini uzi ko nang may maalala. Inilabas ko ang ballpen ko na nakakakuryente.
Kita kong tumayo si Thalia at naglakad sa pwesto kung saan may liwanag.
"Sino ka!?" sigaw ng lalaki.
"Ako? Ako si Ornak!" ani Thalia kaya napatawa ako.
Thalia's POV
"Hoy bata! Wag mo 'kong pinagloloko!" inis na sabi ng lecheng bwisit na 'to!
Kita kong tahimik na tumatawa si Janna na nasa likuran niya. Umirap ako, kahit kailan talaga!
YOU ARE READING
When Apocalypse Strikes (On-going)
ActionJane Natalia, kilala bilang isang mahinhin na babae sa kanilang lugar. She has a lovely family and she will do anything to protect them no matter what may cost, even her life. Hindi siya mahinhin tulad ng tingin sa kaniya ng mga taong nasa paligid...