03

3 0 0
                                    

Chapter 3: Walking Dead

Tumunog ang alarm clock agad akong napabalikwas. Nakita kong nakabukas ang pinto ng kwarto. Napalingon ako sa higaan ni Thalia pero nakita kong tulog pa naman siya.

Thunder and his lock picking ability. I rolled my eyes.

"Good morning!" si Thalia habang kinusot kusot pa ang mata. Bahagya pa siyang nagulat nang nakitang nakabukas ang pinto.

"Thunder." sabi ko na agad naman niyang naintindihan.

We did our morning routine. We have two bathrooms here. As usual, may klase. Napairap ako. Ang tagal mag biyernes!

Nilapag ni Thunder ang niluto niyang bacon, scrambled eggs at hotdog. Ito ang maganda sa kaniya, alam niya ang dapat na ginagawa niya. Naglapag din siya ng mga plato na may fried rice.

"Maraming salamat, alipin ko." pang-iinis ko sa kaniya at ngumiti. Nakita kong kumuha sya ng hotdog at akmang babatuhin ako pero may pumigil sa kaniya.

"Table manners!" boom! patay ka sa crush mo! Lihim akong napatawa.

"Anong araw ngayon?" tanong ko kay Thalia.

"Wednesday." napapalakpak ako sa tuwa.

"It's halfday!" tuwa kong sabi at dinalian kumain. Buti na lang naisipan kong mag-civilian.

Nang makarating sa school ay agad akong nagtungo sa room namin at yumuko sa desk. We slept late that's why I want to sleep. Hindi pa naman time. May thirty minutes pa before the class starts.

Gusto kong maging normal ang araw na 'to ngayon.

Papunta pa lang ang tulog ko nang biglang nagvibrate ang phone ko. Inis ko itong tinignan na animo'y inaaway ako.

'Cafeteria. After lunch. -⚡'

Napairap ako. Its Thunder.

Ako: K.

Iidlip na sana ulit nang nang tumunog nanaman. Napahampas ako sa desk ko. Pansin ko ang tingin ng iilang kaklase ko dito sa loob ng room. I glared at them kaya napaiwas sila.

Thalia: They extend their vacation. They'll come back at the end of next month.

Bakit sa kaniya sinabi. Tapos sakin hindi. Napanguso ako.

Bumalik ako sa pag-idlip ngunit nagising nang magsimulang mag-ingay ang mga kaklase ko na nagsisidatingan na. Magagalit na sana ako pero maya't maya lang ay biglang pumasok ang Prof. namin.

Tulad ng sabi ko kanina, gusto kong maging normal ang araw na 'to. Hindi ko sinabing hindi ako normal. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay ang gawin ang dapat na ginagawa ng isang mabuting estudyante. "Mabuti"

Nakinig ako tulad ng ginagawa ng isang estudyante. Nag take down notes at minsan ay sumasagot sa recit. Wala muna akong tutulugang klase ngayon. Ganoon lang ang ginawa ko hanggang sa matapos ang buong klase ng umaga. It's lunch time! Wala nang pasok!

Dali-dali kong inayos ang gamit ko nang mahulog ang pinakamamahal kong ballpen. I rolled my eyes. Akmang pupulutin ko na uto ngunit naunahan ako ng isang impakto. I mean, tao. Inabot niya sa akin at walang pasubiling inilagay ko sa bag ko. I heard his chuckle kaya lumingon ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

"You're welcome." aniya tsaka tumawa. Edi thank you. I rolled my eyes to him tsaka nilampasan siya at mabilis na naglakad papunta sa cafeteria.

"Wait lang! Janna!" sigaw niya at naabutan ako. Ha! Kilala ako. Sorry, 'di kita kilala.

"Papunta ka rin sa cafeteria diba? Pasabay ako ha." hindi ko siya pinansin. Laking pasalamat ko nang namataan ko si Thalia na saktong nakita rin ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Apocalypse Strikes (On-going)Where stories live. Discover now