AVNS : TRESE

28 10 0
                                    

Damon's PoV



Nang matapos ako sa pagsusunog ko agad akong pumasok at inayos ang sarili ko.Hinubad ko ang damit kong pang itaas at tumingin sa salamin.

Napansin ko na kahit paano ay natuyo na ang sugat ko sa leeg.

Kumuha ako ng tuwalya at pumunta ng banyo para maligo.Dito kona rin nilagyan ng pulang gamot ang sugat ko.

Bakit kasi di ko mapigilan na kutkutin ito.

Napangiwi ako sa sakit na naramdaman ko.Sa bawat pag pahid ko ng gamot dito.

Malaki ang sugat na ito.Ngunit tuyo na ang bawat sulok o gilid nito
Ang gitna naman ng sugat nito ay kita ang laman.Ngunit di naman ito dumudugo.

Nang matapos akong maligo.Nagtapis ako at dumiretso ako sa kwarto at nahiga muna sa kama.

Uuwi na sila dito.

Anong gagawin ko?

Maya-maya pa ay may tumawag sa telepono.Agad naman akong lumabas ng kwarto para sagutin ito.

"Sino to?".sagot ko.

"Damon anak ako to, next week pa kami makakauwi ng kapatid mo dyan".sabi nito.

"Sa susunod pa?".

"Oo anak".

Agad ko naman ibinaba ang telepono at binuksan ang mga computer.




A VLOGGER NAMED SATAN (SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon