GISING NA

76 2 0
                                    

Walang humpay na pagtakbo

ngunit sa'n nga ba patungo?

Tinatahak na daan

saan nga ba hahanggan?

Habang tumatakbo,

hindi ko maiwasang tumingin

magkabilang tanawin

na umaagaw sa aking pansin.

Basurang nagkalat,

mga pamilyang sa pagkain ay salat.

Mga bahay na dikit-dikit,

mga batang ang damit ay puni-punit.

Sa kabilang dako

isang ina na ang anak ay pito,

mga lalaking bagsak sa bisyo,

alak, droga at sigarilyo.

Sa di kalayuan

may narinig akong nag-iiyakan,

mga taong walang mapuntahan,

lugmok sa kahirapan.

Nakakaawang tingnan,

minsan nga'y napapapikit nalang.

Ano nga ba ang dahilan

sa kanilang kinahantungan?

Ang tulong na para sa kanila

nakakulong sa palad ng mga buwaya.

Mga nilalang na walang awa,

walang mga pakialam sa kapwa.

Silang mga gahaman,

mga sakim sa pera at kapangyarihan.

Yaman ng taumbayan,

sila lang ang nakikinabang.

Ngunit gaya ng bawat gabi

may umagang darating,

sisilip ang pag-asa,

bukang liwayway ay nandito na.

"Gumising ka na at maghilamos, Pilipinas!

   Masarap ang almusal!"

                                                    -bakit baliktad, bob ong

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GISING NATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon