Part 2: ANG PAGPAPANGGAP NG KATAUHAN

554 15 7
                                    


Kinabukas(2nd Day of School)

"Umaga nanaman!!! Papasok nako ng school ma bye!" Pasigaw ni Collen habang paalis na ng Bahay upang pumunta sa School kasama si Earn....

Sa Sobrag Excited ni Collen ay hindi Niya namalayan na nakalimutan niya ang kanyang baunan

Nung papasok na room sila Earn at si Collen

Collen: "napakasaya ko ngayon Mars hahahaha"

Earn: "Sabi ko sayo e... Kita Muna gwapo ni Kaye ano? Hahaha dapat pala nagpalate tayo para hindi ka mahagard agad hahahaha"

Collen: "hayaan muna hahaha magkatabi naman kami mamaya magdidikit kami ng Braso"

Earn: "oy Collen Yan na pala siya ohh hahahaha"

At dumatin narin ang kanilang Teacher kasabay si Kaye.

Teacher: "Good Morning Class Sino gusto maglead ng Prayer?"

Earn: "oy ikaw na Collen, magpakitang gilas ka kay Kaye hehehe (Pabulong na sinabi kay Kaye)"

Collen: "pero baka....

Earn: "Ma'am Si Collen nadaw Po!!"

Teacher "Sige na Collen pumunta kana sa Harap umpisahan muna"

Collen: "bwisit ka talaga Earn hay nako" Pabulong sa kanyang sarili

Handa naba kayong magdasal?

Classmate:"Oo handa na kami"

Sa Isip Isip ni Collen
Collen: "Shemsss kinakabahan ako Kung Hindi ako magsa-Sign of the Cross, baka mahalata ni Kaye na Hindi ako Katoliko... at baka magalit sakin si Felix Manalo, pero sabagay Patay naman na siya manghihingi nalang ako tawad.....

At nagdasal nga si Collen na may kasamang pag-aantanda at inisip niya nalang na kinamot niya lang
Kanyang noo, tiyan at balikat.

Teacher: "Salamat Collen, Goodmorning Class pwede na kayong maupo"

Nung natapos ang kanilang Klase at Break Time na kinausap ni Kaye si Collen...

Kaye: "Hi Binibini ang galing mo pala magdasal, nakakatuwa"

Collen: " Ay hehehe syempre nainspire kasi ako Kay Saint Mother Teresa hehehe Favorite ko yun e...

Kaye: "ay favorite mo siyang Saint? Wow anong Alam mo sakanya!"

Collen " Joke lang si Ka-Eduardo Manalo Favorite ko.."

Kaye: Ha?

Collen: "Ha!? E.. ano Kasi ahmm Mabait siya, madasalin siyang Santo"

Kaye: "Ano pa?"

Collen: "Ha? e... Basta madami, sa Sobrang dami niyang kabutihang Ginawa mahirap Isa isahin.

Kaye: "Ahh Hehehe akala ko si Eduaro Manalo ay hahahaha, Ama Ama! ipaghiganti mo Po kami! Hahahaha"

Collen: "Hehehehehe"

Kaya tumawa nalang din si Collen para Hindi siya mahalata na siya ay INC, nung sumapit na ang LuchBreak....

Earn: "Tara kain na tayo Collen hehehehe dito rin kakain si Kaye sabay sabay tayo hehehe"

Collen: "yoksss nawawala baon ko, ay shemsss nakalimutan ko baon ko marssss kainis Naman!"

Earn: "Yan Kasi hahahaha Sabi ko sayo magpalate tayo e.. excited ka Kasi makita si Kaye hahahaha"

Kaye: "ahmm Hi, Anong Problema Earn?"

Earn: "ahh Wala itong kasing Bestfriend ko nakalimutan yung baon Niya sa bahay nila kakamadali hahaha"

Kaye: "ay sakto sabay sabay na tayong kumain na tatlo sakto Collen may Dinuguan ako ditong baon hati Tayo"

Earn: "Ay hahahahah Ang Sweet nemernnnn,"

Collen: "ay hehe nakakahiya naman..."

Kaye: " ay nako wag Kang mahiya Ang sarap sarap ng Dinuguan tatanggihan mo?

Collen: "Ay Oo hehehe sige na nga,

ELIyza: "Ay Hi Kaye pwede baki maki Join sainyo? Sakto ohh mag baon akong Puto sakto sa baon mong Dinuguan"

Collen: "Yokss Mars kinakabahan ako bwisit kasi e...nakalimutan kopa baon ko wag Moto pagkakalat ahh baka makarating kay Tatay, Ministro panaman Yun"

Earn: "Oo akong Bahala, takot mabawasan ng Ligtas Points Hehehe"

Pakatapos nila magdasal ay kumain na nga sila ng sabay sabay...

Kaye: "Sige na Kumain kalang ng Kumain"

Collen: "ahh busog nakasi ako"

Kaye: "Unti pa nga lang nakakain mo wag ka mahiya Ito pa ohh may isang Plastic ng Dinuguan"

Earn: "Ayaw niya daw kasi Dinuguan ang kainin Niya, gusto niya daw ikaw"

Kaye: "Ha? ano yun?"

Earn: "ahh Wala hahaha Ito pa kako Puto baka Gusto pa ni Collen"

Kaye: "Sige para hindi kana malungkot Collen, Alam mo para kang Dinuguan at Puto ako

Collen: "Eh Bakit naman?

Kaye: "Kasi Bagay Tayo! Boom!!!"

Collen: "Ay Enebe pere keng tenge! HAHAHA

ELIyza: "Ay Sana Ol! hahahaa Nice Kapatid"

Earn: "Oh ano Ngiti karin gurl?, Jusme may palungkot lungkot pang nalalaman, Akala mo naman yung baon Jollibee, Bangus lang naman na nakalagay sa Loob ng lalagyanan ng Ice Cream" Charr hahahaha

Hay Grabe Ito ang hindinding Hindi ko makakalimutan, Masarap pala talaga ang Dinuguan, inisip ko nalang na
CHAMPORADO ang kinain ko para hindi ako makonsensya..., Pero ang pinakamasarap ay yung iparamdam sayo ng taong Mahal mo ang Sarap ng Pagmamahal hahaha Totoo pala yun kung ano pa ang masarap yun pa ang bawal, kaya kahit bawal ako kumain ng Dinuguan Wala e masarap talaga Eh, Tamang Imagine lang ng CHAMPORADO

PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA SA IISANG SIMBAHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon