As the Party Starts

365 21 9
                                    

A/N: Paumanhin sa mga mambabasa, tinatamad po kasi ako mag-update dahil wala namang gaano nagbabasa nito at wala din akong maisip isulat. Konting pampagana naman dyan oh? :)

"Totoo ba 'to? Ako? Niyayaya ni Gavin makipagdate sa kanya?"

Halos sumabog ang dibdib ni Karisa, isipin lamang ang mga bagay na iyon. Hindi nya akalaing ang pinapantasya nya ay isa nang katotohanan ngayon.

Muling tinitigan ni Gavin si Karisa.

"Say yes, please." Sabi ng binata gamit ang maamo nitong boses.

Bumubulong naman si Pivii kay Emary, kasalukuyan silang nasa kumpol ng mga estudyante.

"Naku! Kung hindi ko lang alam na kasama ito sa plano, baka nahimatay na ko." Bulong ni Pivii sa kaibigan.

"Infairness, mukha namang effective si Gavin. Galing nyang mambola, kaya pala ang daming humahabol sa kanya. I feel sorry for her." Naaawang si Emary.

Lutang pa rin si Karisa kaiisip kung totoo bang nangyayari ito sa kanya.

Inilapit naman ni Gavin ng bahagya ang mukha nito sa dalaga. Umugong ang tilian sa room.

"Karisa.." Tawag ni Gavin dito.

"Gavin!" Tinawag ni Aquil ang binata. Nilingon ito ni Gavin ngunit bumalik ulit sa pagkakatitig kay Karisa.

Sa panandaliang katahimikan ni Karisa ay nakapagdesisyon na ito.

Dahan dahan syang sumagot ng.. "Yes, Gavin." Nakangiti ito sa binata at nagpapa-beautiful eyes pa.

Naghiyawan ang mga tao sa loob at labas ng silid.

"Ok, I will meet you up tomorrow night. May gusto akong sabihin sayo... it's important." At sabay labas ni Gavin ng silid.

Mabilis namang tumakbo palabas si Aquil upang habulin ito, ngunit naharang na sya ni Nivron at ng iba pa.

"Oh? Saan ka pupunta lover boy??" Natatawang sabi ni Nivron.

"Kayo! May pinaplano kayong masama 'no?!" Asik ni Aquil.

"Wag kang mag-alala Aqui, di ka naman namin sinama. Kaibigan ka namin. Ito kasing si Niv~ Uhmm! Uhm!" Biglang tinakpan ni Noey ang bibig ni Osleck.

"Ano ka ba?! Nag-iisip ka ba? Parang sinasabi mo na rin kay Aquil ang lahat eh!" Bulong ni Noey dito habang nginingitian si Aquil.

Masama ang titig sa kanila ng binata.

"Tumabi kayo!" Tinabig ni Aquil si Nivron, kaya napaatras naman agad ang binata. Hinatak namang bigla ni Nivron ang braso ni Aquil.

"Aquil! Sinabing~" Hindi na naituloy ni Nivron ang sasabihin dahil lumagapak na ito sa sahig matapos salubungin ng suntok ni Aquil.

Putok ang nguso ng binata.

"Nga pala, wag nyo na kong isali sa mga kalokohan nyo. I'm done with you guys! Enough with V5! Pang bading lang yang mga tawagan sa grupo!" Mapang-insultong sabi nito sa mga kaibigan at agad na tumalikod paalis.

"Ano?! Sinong bakla ha?" Panlalaki ng mata ni Noey.

"Awat na, hayaan na lang muna natin sya." Sabi ni Osleck habang inaalalayang nakatayo si Nivron.

Naiwan si Nivron na nakaupo sa sahig habang inaalalayan ng mga kaibigan. Lihim naman itong napapangiti.

"Haha, sabi ko naman sayo eh. Makakaganti din ako." Pagbubunyi ni Nivron sa sarili, tila nanalo sa isang pustahan.

Hinanap ni Aquil si Gavin sa buong eskwelahan. Hinagilap nya ito sa bawat sulok ng campus ngunit wala syang makita ni anino ng binata.

♡♡♡♡♡

♥ Valentines Prank Gone Wrong: Series II ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon